<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Thursday, November 24, 2005

PASASALAMAT...

(kahit minsan di ko alam ang tamang husga sa lipiang pagtanaw sa Araw ng Pagpapasalamat - husga ba, o hugas, ng kasaysayan? - magkaganunpaman ay nararapat lamang ang mataimtim na pabuyang berbal, hangin ang tampok at wala ng iba, na nanggaling naman sa pinakapurong panimula ng aking katauhan)

1. Kay Joaquin Phoenix at sa pelikulang Walk the Line, sa pagpapatunay na di kailangan ang serbisyo ng matatag na mang-aawit upang isalin sa tabing ang kaluluwa ng tunay na mang-aawit (Johnny Cash); sabi nga, sa larangan ng sining, iba ang pagsasalin, iba ang panggagaya, kaya nga mas malalim at kaiga-igaya ang impressionism sa realism. At doon sa batang aktor na lumabas bilang batang Johnny Cash, kung may kapangyarihan lang ako, inonomina kita bilang Best Supporting Actor sa Pista ng iyong Uncle Oscar;

2. Kay Dwayne Wade at sa laro nya nung Byernes katapat ang Philly Sixers, sa pagpruweba na maitatapat sa ingay ng awdyo ang ingay ng biswal, na di na kailangan ang trash talk para ipaalam sa mundo na mas malupit ka sa kayabangan ni Kobe Bryant, you let your game do the talking, aniya, sa pag split the defense, sa pagtalon, at sa pagdakdak kontodo "in your face" - nabasa namin ang kutitap ng pagbaba mo sa lupa at pagtuon sa hanay ni Chris Webber, halos di kami makahinga sa maaaring pangangantyaw mo sa kawalan: gravity ka lang!

3. Kay Jack Miles at sa Intro sa The Best American Spiritual Writing (2004), nagpapatunay na mag-uli ang pangangailangan ng malalimang boses sa isyu ng spiritwalidad (bibigyang buhay po kita, sana, sa susunod kong posts).

4. Higit sa lahat, sa bubong sa ulunan, damit sa likuran, sustansya sa hapag-kainan, at syempre naman, sa mga kaibigan sa loob at labas ng Net.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home