<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Sunday, November 20, 2005

EX CESSIVE LIBROS

Sabi da ni Archimedes, Give me a piece of earth and I shall conquer the world. Anlufet, to quote Kiwipinay. Sabi ko naman, Give me a piece of earth with books and I shall conquer time. Responde nyo naman siguro, Anlavo!

Last time na nagpakalunod ako sa libro, mga July pa siguro dun sa Strand Bookstore sa Lower Manhattan. Byernes nun, nag-aantay antay akong magbukas ang pinto ng bookstore kasi ala pang alas-nuwebe. Sa tabi ko merong isang gusgusing mama na nakasalaming isang pulgada ang kapal ng lens at tokis ng tokis sa kawalan, kinakausap ang hangin kundi man ang sarili, tas andumi ng tenga tsaka nakasando marumi lang at shorts at sapatos na expired na ang swelas, tokis ng tokis, tokis ng tokis, e di pinakinggan ko ang pinagsasabi nya habang yung ibang tao naman e turn off na turn off na, Aba, ikako, mukang malalim tong isang to, tas nadecipher ko yung mga pinagsasabi nya tungkol sa kahunghangan ng establismento. Tas nung nagbukas na yung Strand at nagpanakbuhan ang mga tao sa loob, sinalubong si Mamang Gusgusin ng mga empleyado ng Strand, halos bigyan sya ng red carpet treatment. Published author daw yun, sabi nung isang bookseller, sinabi pa nga nya yung pangalan pero di ko na matandaan, obviously sa sobrang talino ni Mamang Published Author e nawengweng sya. Siguro ininom nya yung bote ng tinta. O pinulutan yung mga quotations kaya. Maari ding sinuri nya ang posibilidad na si Homer ay isang babae, at si Rimbaud ay lalakwe.

Anyway, Hemingway, bat ko ba nabanggit ito? Kasi, kahapon, nalunod ulet ako sa libro tas yung mga nakahalubilo ko, manaka-nakang me wengweng din. Sa downtown Miami andun ang pagbaha ng libro, sanhi ng Miami International Book Fair na brainchild ng Miami icon na si Mitch Kaplan, at nagsama-sama na naman ang wengweng ng lipunan, kabilang na nga siguro ako dun kasi the night before e di ako nakatulog kaya sa bookfair e para akong tsonggong puyat (para daw, o?) tas pakiramdam ko e kinakausap ko ang hangin, if not my sarili.

O ha. Inubos ko ang oras, I conquered time at di ako na-bore. At bat ako mabobore e ang libro kutakuttakut, ang mga booths e iba iba, one to sawa, merong booth ng Atheism (uhrmm, Dennis sana andun ka), tas merong Mysticism at Spiritualism, merong booth ng Smallest Books in the world (mga librong singlaki ng kaha ng posporo), American Socialism, AARP, ACLU, booth ng college literary journals, booth ng Freedom for Cuba, booth ng kung anuano pa. Pero syempre, san pa ba ako tatambay e di dun sa booth ng Pennyworthbooks.com kasi ba naman e $5.00 a book yung paninada nila, puro mga bago, puro great titles, ayus ubos ang pera ko if not my pananaw, buti na lang naalala ko yung sabi ni Montaigne habang bitbit ko yung dalawang bag na puno na libro, sabi ko sa mga tao, I must shelter my own weakness under these great reputations, buti na lang ala nagsabi sa akin, "Suuuree, linisin mo muna yang tenga mo", bah humbug, at least naman pow e di pa expired ang swelas ng sapatos ko pow!

Teka lang, ano ba ang na-hoarde ko? Oweto, tingnan mo at sabihin kung gusto mong hiramin ($5.00 a piece lang to pero ang original price e babanggitin ko para malaan mo kung magkano natipid ko)...

- 2004 Best American Non required Reading, D. Eggers, ed ($14.00)
- Duskland, JM Coetzee ($12.00)
- Siddharta, Herman Hesse ($12.00)
- Mr. Palomar, Italo Calvino ($13.00)
- The Poetry of Our World, Jeffrey Paine, etc, editors ($18.00)
- A Book of Memories, Peter Nadas ($14.95)
- 2004 Best American Spiritual Writing, Zaleski & Miles, eds ($14.00)
- The Poems of Marianne Moore ($18.00)
- Best American Short Stories of the Century ($18.95, meron na ako nito pero bumile ulet ako kasi di ako makapaniwalang $5.00 ko lang sya makukuhaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!)

Tas dun sa booth ng literary journals (nakalmutan ko yung pangalan pero Kentucky-based ang bookstore, ang cute nung tindera na lumapit habang sinisipat sipat ko yung libro, sabi nya -

Excuse me Sir, did you go to _____?, sabay turo nya dun sa t-shirt ko. Why, do I look it?, tanong ko. Uhhmm, ngiti sya, tas buong pambobola sabi, I think you even teach there. Patay. Ibig lang siguro nya sabihin e mukha akong sira-ulo, baka nga me tumutulo sa tenga ko gaya nung mama sa Strand Bookstore. Tanong ko ulet, Do I really look like an idiot to you? Tumawa sya ng tumawa. Which means, oo ang sagot nya.

Eto naman ang pinamili ko dun, $2.00 a piece, pero ang original price e between $6-10 siguro (puros November 2005 issues ito, say):

- Aufgabe (anlupet nito, padalan ko kaya si Belle?)
- Antioch Review
- Crab Orchard Review
- Poetry
- The Georgia Review

O hindi lang yan, ha. Pagdating ng 5:30 n.h., me concert sa lobby ng Bldg 2 (ng Miami Dade Community College, Wolfson Campus, site ng Fair, nasa heart of downtown sha). Me bandang nagwating-wating ang pagrarak-en-rol, eto ang mga rockers na pinagkukuhanan ko ng picture kasi andun ako sa paanan ng stage, kontik kontik ng maapakan ng lightsman: Rhythm guitar, bandleader - Miami icon Dave Barry, back-up vocals, Scott Turow, tambourine and back-up vocals, Amy Tan - tas yung sax at bass at drums, hindi ko sila kilala pero maaring mga celebrity authors din sila.

Sa kalagitnaan ng concert, nagpasya na akong umuwi, ansakit na kasi ng paa ko, tsaka gustong-gusto ko ng basahin si Marianne Moore. (Isa pa, gusto ko tingnan ang itsura ko sa salamin kung talagang mukang sira-ulo nga ako. Totoo nga.)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home