PILING PALATANDAAN NG AKING PILANTOD NA PANANAGALOG
1. Kasaysayan (salin mula sa Inggles ng "History" ni Joe Brainard) -
Sobrang tulin ng pagtalaksan ng kasaysayan, halos araw-araw ay anibersaryo ng isang bagay na karumal-dumal.
2. Ang Tangi Kong Hiling (salin mula sa Espanyol ng "Eso Pido Yo" ng manlilikhang-awit na si Marta Gomez) -
Isang lugar na sa ibang lugar ay di ipagpapagunita
Isang himig na sa isang awit ay di iparirinig
Isang pag-ibig na sa dibdib ay walang humpay na ipagtitibok
Isang luhang di ibibigkas ang pait na humihimok
3. Pag-alaala sa Mga Bagay na Nakalipas (salin mula sa Pranses ng "A La Recherche Du Temps Perdu" ni Marcel proust) -
Kapag ang tao'y tulog, nakapalibot sa kanya ang tanikala ng oras, ang salansan ng taon, ang matiwasay na kaayusan ng sanlibutan. Sa kanyang paggising at likas na hilig ay kusa ang pagtuklas sa kaayusang taglay at sa isang iglap ay matataon ang masigasig na paghahanap ng kanyang katayuan sa mundong ibabaw at pagtiyak sa panahong nagdaan sabay sa oras ng kanyang walang-kamalayan.
4. Aruy, aruy, aruy (salin mula sa tulang-kahol na "Arf, arf, arf" ng asong si Tagpi)
Grabe kayong tao, wag n'yo namang kainin
Ang asong gabay-tanod sa panglaw ng takipsilim
Kung kami para sa inyo ay ganap lang kung maipupulutan
Maigi pa ang lumayas, bahala na kayong madukutan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home