<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, November 19, 2005

WITH THESE HANDS

Naalala ko 'tong lumang kanta na 'to, "With these hands, I will cling to you" na hindi ko malaan kung tukoy sa crab mentality, o parasitism, o emotional immaturity kaya. Pero may pagka-gospel ang dating ng kanta, baka nga religious song pa s'ya at worshipper ang may-akda dala ng parteng "i'll cling to you forever and a day", na ibig sabihin ang pagkakakapit ay nagta-transcend sa katapusan ng mundo, sustaining beyond the end of time.

Walang malisya pero pwede rin sigurong tunghayan ang probabilidad na ang awit ay oda ng may-akda sa relasyong kamay ng lalaki at suso ng babae, na matapos ang isang mapanilab na pagniniig ay di mawalay ang masidhing pagkakakapit ng una sa kanyang bulubunduking tinatangi. (Naalala ko tuloy yung karatula doon sa isang karinderya na may malaking dibuho ng suman, tapos nakasulat sa ibaba, na anya ay sinasabi ng isang suman sa kasama nya sa pagkakatali: Tanging Katakawan Lamang Ang Makapaghihiwalay Sa Atin.)

Pinaliwanag ng isang psychologist ang pagnanais ng kamay na kumapit sa anumang mapagbigay, o may mapayapang taglay tulad ng biglang pagkakakapit ng sanggol sa daliri ng sinumang sa kanyang munting palad ay matimyas na idinarang. Natural instinct daw ang biological need for comfort. Ang pagkapit sa bagay na accesible, hospitable, ay katumbas ng isang pangangailangan sa anumang bagay na nourishing, nurturing, nakapagpapaliyad man ng kaluluwa o nakapagpapasarap sa daloy ng paghinga.

Kagabi nagbasa ako ng isang sanaysay, A Thousand Buddhas ni Brenda Miller na unang nalathala sa The Georgia Review. Kinukwento ng may-akda ang buhay niya bilang isang masahista at ang makasaysayang paglalakbay ng kanyang mga kamay sa katawan ng kliyente: sa pagitan ng daliri sa paa, sa ilalim ng cheekbones, sa shoulder blades at pwitan habang naka-fetal position ito na parang sanggol na saklaw ng mapagmahal na kapit ng ina. Sa kanyang husay sa disiplina, napapaiyak daw ang ibang kliyente (na halos ikaiyak din nya, buti na lang at hindi, "then we might have been lovers", na para bang sinabi, trabaho lang, walang personalan ga).

Tinitingnan ko ang hugis ng kamay ko. Mahahaba ang aking daliri, di miminsang pinuna ng mga pasaherong nakasabay ko sa bus o jeep. Minsan nga nung teen-ager ako, sabi nung matanda sa tindahan matapos kong iabot ang bayad: Totoy, pwede kitang isama sa sabungan, sa haba ng kamay mo magmumukhang maliit ang manok ko kapag dala mo, sa ilusyon mauutakan natin yung mga switik sa ulutan. Tas yung isang ale naman pinilit akong ligawan yung anak nya, kasi daw, "Bukod sa mabait ka, ang ganda ng mga kamay mo". Nayko, ano kaya koneksyon noon? O baka tama siguro ang nasa isip ni Inang na mukhang mabait ang mga kamay ko at di magagawang saktan ang bruha nyang anak.

Ayon kay Miller malakas ang descriptive aspect ng ating mga kamay sa ating pagkatao: Hands become what they have held; our hands shape themselves around what they hold most dear, or what has made an impression, or what we press on others. Yun daw kamay nya, "healing hands" at minsang nasabihan na "sculptor's hands", (di kaya dahil may pagka-dexterous ang contours?), at ang pinaka-dakila daw, yung "midwive's hands" dahil halata ang esensya ng pag-aaruga.

Marami akong kalyo sa kanang kamay. Tennister's hands? Siguro, hindi ko kasi mahanap ang perpektong texture ng grip para sa raketa ko, tuloy pag kinakamayan ko yung mga tao sa simbahan nako-conscious ako baka akala nila may rumbu-rumbu ako sa palad. Pano naman kaya ang kamay ng mga torturer? Executioner's hands, aba madugo, kinakikitaan kaya ng aliw ang kamay ng isang berdugo? E yung mga palm readers, hypnotic hands kaya, para maginhawaan ang pagdukot mo ng wallet at buong-loob na ibigay ang laman sa kanya?

Patuloy ni Miller - "The hand is shaped to touch the different parts of the world. We hurt and the hand reaches the chest. A newborn's head fits snugly into the center of a palm. Fertile soil runs through our fingers, or we mould our hands into a cup sealed for a drink of water. We can use our hands like primeval jaws to pluck whatever is ripe."

Sana meron akong Brenda Miller's hands, para makapag-sulat ako ng kasing-gara nya bukod sa magaling magmasahe. Pwede rin siguro ang Reggie Miller's hands, para swak lagi-lagi ang 3-point shots.

O lika na, holding hands tayo.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home