<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, December 24, 2005

IN SEARCH OF LOST PHILIPPINE CHRISTMAS

Nasa baba na yung sundo, eksakto sa ala-sais na tipanan, andun pa rin ako sa harap ng bookshelf at di malaan kung ano ang hahabluting libro. Tatlong oras din ang byaheng Miami-New York at ayokong sayangin ang tatlong oras sa pakikinig ng isang batang-pasaherong iyakin.

Naumpisahan ko na ang A Book of Memories ni Peter Nadas pero ayoko syang bitbitin. Makapal kasi. Sa lahat ng ayoko pag bumabyahe yung maraming bitbitin. Napakakapal na nga ng winter coat, napakakapal na nga ng mukha, dadagdagan pa. Ahh, eto, walang talo. Eksakto sa tatlong oras ang gusto kong basahin.

Kinuha ko ang Swann's Way ni Marcel Proust, translated by Lydia Davis. Makailang ulit ko nang nabasa ang Swann's Way, pero yung sa version ni Moncrief, at dahil sa ganda ng libro, naisip ko, Tingnan ko nga ang pagkasaad ng ibang translator. Matagal ko na ngang binalak mag-aral ng French (na naumpisahan ko na rin naman) para sa isang dahilan at isang dahilan lamang: ang mabasa ang original A La Recherche Du Temps Perdu.

Sa ngayon e nakahanay pa rin ang French ko sa " butchoi mejoi mwoi" o butas ang medyas mo.

At ang pinakahangarin ko sa buhay ay ang i-translate ang libro ni Proust sa Tagalog.

Pero lumalayo tayo sa kwento.

Sa eroplano, wa akong paki sa alok ng stweardess kung gusto kong bumili ng $3.00 packed breakfast. Tumatalon-talon na naman kasi ang puso ko sa prose ng Overture, ng Combray, ang pinaka kahali-halinang 50 pages sa buong literature, bar none, none, absolutely none, na kulang na lang ay limbagin sa kaibuturan ng memorya para kung saka-sakaling hindi na kaya ng mata kong magbasa, isu-summon ko na lang ang memorya at bibigkasin...

"Sometimes as Eve was born from one of Adam's ribs, a woman was born during my sleep from a cramped position of my thighs. Formed from the pleasure I was on the point of enjoying, she, I imagined, was the one offering it to me. My body, which felt in hers my own warmth, would try to find itself inside her, I would wake up. The rest of humanity seemed very remote compared with this woman I had left scarcely a few moments before; my cheek was still warm from her kiss, my body aching from the weight of hers."

Naks. Pano kaya kung sumulat ako sa isang lakambini, The rest of humanity seemed very remote compared with you...ano kaya i-offer nya sa akin, baka...baka yung kinakain nyang siopao.

"If, as sometimes happened, she had the features of a woman I had known in life, I would devote myself entirely to this end: to finding her again, like those who go off on a journey to see a longed-for city with their own eyes and imagine that one can enjoy in reality the charm of a dream. Little by little the memory of her would fade, I had forgotten the girl of my dream."

Sumilip ako sa bintana ng eroplano. Kasalukuyang dumaraan kami sa ibabaw ng Delaware River at makailang saglit, nasa NY na ang kapongitan namin. NY nga naman ang longed-for city na nais ko uling makita ang ka-winteran na matagal ng hindi napasasayad gawa ng kahinaan ng aking elemento sa may bandang likuran ng katawan. Para akong European noong panahon na nauuso ang tuberkulosis doon. Josme, 21st century na, bronchitis pa rin ang kalaban ko. (Naalala ko tuloy yung isang brod ko nung lumabas ng kubeta, syang pasok ko, sabi ko, Ambaho!! Hayup ka tol, meron ka yatang El Tor!)

Eto tuloy, kapag tag-lamig, di pwede sa Hilaga. Pero dahil matigas ang ulo ko, dagsa na rin. Heyyy buheeyyy, sabi ulet ni K (andalas ko ata syang i-quote). Kelan ba ako huling nakakita ng snow? Kelan ba ako huling nag-ice skate sa Bear Mountain? Kelan ba ako huling nag-snow boarding sa Sterling Forest? Matagal na matagal na. Kelangang ibalik ang nakaraan sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na ito ngayon.

Sa Filipino restaurant na dinaanan bago tumuloy ng bahay, may tv na nakatuon sa Filipino channel. Uyy, ngayon lang ako nakapanood ng Filipino show sa tv ulet, after what, 8 years, 9 years, 10 years? Tas nagkakainan sila ng puto bumbong, naghaharanahan ng Christmas carols, nagpapanakbuhan ang mga bata nung makita ang mamang dala ang sako-sakong aginaldo; andun ang parol sa bintana, ang mga nakasabit sa kalye na gawa sa kung ano-anong indigenous na materyales; mga senaryo ng simbang-gabi; mga kasayahan sa Christmas parties...

Eto...eto yung sinasabi ni Marcel Proust. She had the features of a woman I had known in life. Yung nasa panaginip ko, yung nasa ala-ala kong isang dilag, eto, Pilipinas yun. Pero hindi, hindi ito yung pagpapatuloy ni Proust. Kahit nasa Manhattan na ako at nasilayan ko na naman ang puting busilak ng yelo, ang ga-higanteng laki ng mga palamuti sa mga building, ang mga naglalandian habang nag a ice-skate sa Rockefeller Center, I will not have forgotten the girl of my dream.

Tiningnan ko ang dibdib ko, sinalat ang puso ko. Tas sabi ko, Easy ka lang pogi, ibabalik kita sa Pilipinas.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home