<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Wednesday, November 15, 2006

NGASAB, NGUYA

Mahilig akong kumain + hindi ako pihikan = kahit ano kakainin ko. Pag sinabihan ako ng isang taong mapagkakatiwalaan ang salita na may bagong pag-aaral ukol sa nutrisyong dulot ng poste ng Meralco, hindi ako mag-aatubiling sumubok na lafangin ang itim na poste kahit pa sabihing may tsansang makoryente ako. Nung kabataan ko at nag-iinom kami sa bakuran ni Pareng Sammy kasama nina Toni Burat-burat Villanueva at ng kumpare nyang may-ari ng isang punerarya, wala kaming pulutan. Sabi nung kumpare na may-ari ng punerarya (nakalmutan ko pangalan netong gagong to), Dre, nakikita nyo ba yung mala-damong tumutubo na yun, nakakain yun!

At dahil ako si cbs na uto(t)uto(t), binunot ko ang mala-damong ligaw na pananim at, gaya ng utos ng mga katropa kong nakatatanda, hinugasan ko sya ng maigi, ginayat, at binudburan ng asin. (Emphasized nila ang "hugasang maigi" dahil natitiyak nilang once upon a previous lashingan time e may ungas na umihi sa nasabing halamanan.)

Ansarap ng ligaw na damo. Kung di ako nagkakamali e nakatatlong servings pa kami dahil ginamas ko na ng tuluyan ang damo at kahit pa sabihing nagsuspetsa akong may napasamang makahiya dun sa huling serving ko.

Dahil sa katakawan ko, nahilig din akong magluto. Specialty ko ang noodles at soup, Oriental man o Occidental, at mahilig akong mag-experiment sa spices at herbs. Name a spice, I have it. Name an herb, I have it.

Nung isang araw nagpunta kami sa isang Thai restaurant para icelebrate yung birthday ni Bunso. Dyaske, natorete ako dun sa Basil Duck. Ang ginawa ba naman ng chef e pina-crisp nya yung duck saka nilaputan (lintek!) ng basil syrup. Ansarap, quack-quack talaga sa sarap. Tas nilamutak ko maigi yung beef satay, at yung frog legs, kokak talaga sa lutong. At syempre naman, da best ang crispy snapper, Buddhist delight, at pad thai.

Bukod sa Thai, hilig ko din ang Vietnamese (magaling akong magluto ng Pho Ga, kasi daw, daw lang, huh, ako daw ay Pho Gi), Japanese, at Balinese dishes. Di ako takot sumubok ng foreign-looking food, bukod pa sa excited ako sa variety ng aking intake, dahil ga, wow, iba-ibang culture ang nasa tyan ko. Asar nga ako nung minsang nagpunta ako ng DC, di ako nagkaron ng chance na kumain sa isang Ethiopian restaurant dahil yung mga kasama ko puro Legal Seafood ang bukambibig.

Dito sa complex namin, walking distance lang ako sa Chinese, Argentinian, Japanese, Lebanese, Cuban, at Texan restaurants kaya naman United Nations pirmi ang lamutaktakin ko.

Two weeks ago naman, kumain kami ni Inang sa isang may-kalayuang Pinoy restaurant. Ginisang munggo, daing na bangus, paksiw na bangus, pinakbet. Sarap. Ang kaso, iba talaga pag sa Pilipinas ka kumain ng pagkaing Pinoy kasi, di sya gaya nung mga tindang daing na bangus dito, may sore eyes na, tas yung talbos ng sili sa tinola e puro frozen na, tas yung pusit e puting puti na (sinabon pa yata dun sa fish market). Kaya nga malimit akong mag-fantasy na pag-uwi ko ng Pilipinas (kung saka-sakali e makikita ko ulit sya after more than 10 years at maiimbitahan akong lumafang, halimbawa, e kina Tito Rolly o kaya kina Tita Gwen Bautista ^_^, o kina Cha, o Belle, maghahanda ako ng menu na kelangan merong dinaing na bangus na bagong hango sa palaisdaan at binabad sa sukang maraming bawang at binudburan ng asin at paminta, tas ay deep fried na crunchy talaga sa lutong...

Maisulat nga itong listahan, saka-sakali:

Almusal:
Sinangag, daing na bangus, ginayat na kamatis at sibuyas Tagalog, achara, pritong itlog (isa lang, at minsan lang) ng native na manok.

Tanghalian:
Tinolang native na manok, adobong pusit, alimasag, steamed kitang. Manggang hilaw at bagoong.

Meryenda:
Pansit bihon with puso ng saging.

Hapunan:
Kare-kare, kilawing papaya, pritong asohos. Manggang hinog.

Toma:
San Miguel Beer.

Pulutan:
Sisig at bopis na maanghang, sangag na tuyong dilis.

O, ano pa? Manus mortariumque bene lavato!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home