<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Monday, October 30, 2006

ONCE UPON A MORE ENLIGHTENED WEEKEND

Walang katigil-tigil ang ulan nung Sabado. Pero kahit umuulan at di kita kapiling, nagpasya na rin akong mag ikot-ikot sa labas na parang trumpo kesa naman magpakaburyong sa bahay at mapagkamalang muwebles ng di oras. Achuchu. Ano kaya't manigas ako run at biglang may umupo sa akin, nampocha, ambahu! E di ayun, ikot ikot, ikot ako ng ikot na parang trumpo, parang si Donald Trumpo na napakasarap paikutin ng pabaligtad, yumbang pag nahilo sya e bigla na lang bubulagta. You're fired, ikanga.

Ikot ako sa parteng Coral Gables at nagpasya ang sasakyan ko na tumigil sa harap ng Book and Books ni Bosing Mitch Kaplan. Tawid ng kalye mula sa bookstore andun ang Consulate ng Colombia. Naisip kong magpunta sana para alamin kung san ko makikita si Shakira. Actually, di ko naman pinakikinggan si Shaki, type ko lang yung pag-indayog ng balakang nya, grabe, parang intensity 7 sa Richter Scale. Ano kaya kung lagyan ko ng bigas yung balakang nya, malamang nun, after half an hour e galapong na sya, ayus, pwede na tayong gumawa ng puto, anak ng puto talaga oo.

Sa loob, me nadampot akong tae, I mean libro pala, ang title e One Hundred Great Books in Haiku ni David Baler (Penguin, 2005) kung san in-apply nya ang porma ng haiku sa literary canon (sa di nakakainintdi ng haiku gaya ko, meron syang unrhymed lines na 5, 7, 5 syllables). Sabi ni Preng David, ang libro daw nya e para sa mahilig sa classics na me kakarampot na attention span kuning. Eto yung mga samples ng kanyang ha-ha-haiku:

The Wealth of Nations
Adam Smith

Supply meets demand.
The invisible hand claps.
Capitalist zen.
-----
Crime and Punishment
Fyodor Dostoyevski

I, Rodya, killed her
to prove my theory. Uh oh.
Back to square oneski.
-----
War and Peace
Leo Tolstoy

Guns roar, Russia burns.
Where's Audrey? Who is Petya?
Confused, France retreats.
-----
Pride and Prejudice
Jane Austen

Single white lass seeks
landed gent for marriage, whist.
No parsons, thank you.
-----

Ayannn. Di ko naintindihan yung panghuli. Di ko naman kasi sya binasa e, kasi chik lit daw, e ayoko naman ng chik lit kasi kumakapit sa ngipin ko.

Tas meron pa akong napagmasdan bukod sa magagandang chiching, yun namang libro kuning na The Proust Questionnaire, isang serye ng mga katanungan ni Proust sa sarili nya, at naging listahan din na pinasagot nya sa mga matitinik na isda, I mean, Pranses pala gaya nina Anatole France atbp., na nitong nakaraan e sinagutan ng iba pang tres tres celebs na gaya nina Bardot at Adjani. Eto yung sample ng mga qs, at ang mga eching na sagot ni Proust:

Your favorite occupation? Loving. (tado!)
Your favorite heroes in fiction? Hamlet.
Your favorite painters? da Vinci. Rembrandt.
Your favorite names? I only have one at a time. (e ano nga? arte naman neto o...)
How would you like to die? A better man than I am, and much beloved.


Teka nga at masagot din.

Your favorite occupation? maglabing-labing (tadoooooo!!!)
Your favorite heroes in fiction? The Invisible Man (ni Ralph Ellison)
Your favorite painters? Henri Matisse. Manansala. Bossing Rolly. Gwen Bautista. (pa-arbor naman ng paintings nyo, o, uyyyy, magbibigay yan...)
Your favorite names? Rain. Ulan.
How would you like to die? Pure in heart and sfirit.

to be continued, gaya nung iba pa, which means, it may never happen.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home