<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Saturday, October 28, 2006

AKLAHA

Minsan di-inaasahang biyaya ang dulot ng panaghoy ng kalikasan. Inantala man ng ulan ang mga planong inihanda kagabi pa, nagawa ko -sa isang kagyat na abiso sa diwata ng damdamin - ang balikan ang nakagisnang panahong simple lang ang buhay.

Matagal na rin naman akong di nakakapagnilay-nilay. Kailan pa ba ako huling bumiyahe? - tatlo o apat na oras sa eroplanong tigang sa ingay ang kailangan para minsan-minsan ay nagagawang mailayo ang isip sa pamulaan ng malulundong bagay.

Andito ako sa condo, nakatanaw sa mga hi-rise buildings na tumambad sa dating kagiliran at waring abot-dura lang ang distansya, pero lumilipad-lipad naman ang diwang parang tutubi sa gitna ng kabukirang di pa ginagawaran ng pasyang pag-aani. Malawak dati ang lugar na ito, wala pang pamahayan, walang kapangyarihang naghaharing-uri bukod sa mga buwaya, ibon, isda, pagong at lahat ng hayop o insektong pumapaimbulog sa mundo ng Everglades. Pero ngayon, heto, sinasakal ng progreso ang kalayaan ng mga katutubong hayop dala ng unti-unting paglikom ng tao sa kanilang mundong kinagisnan. Paubos na ng paubos ang lawak ng Everglades.

Naalala ko tuloy nung araw, sa tuwinang pagbisita ko sa lunsod ng Tagaytay, napatototoo ko ang kasabihang 'The Journey is better than the destination' dahil ubod ng dilag ang hagip ng mga mata sa byahe. Maaliwalas ang mga tanawing pambukid; di kayang pantayan ang kasiyahang dulot ng berdehang kapatagan at mala-gintong mga tangkay ng bigas na nag-aantay sa napipintong gapasan.

Ano na siya ngayon? Sabi nila, wala na raw, wala na. Closed shop na anya ang 'nature's cinema' dahil nagahis na ng mga developers ang countrysides ng Silang, Dasmarinas, Carmona, at mga karatig-bayan patungong Tagaytay.

Andito ako sa harap ng computer. Minsan-minsan nililihis ko ang tingin ko at tanaw ko ang mga hi-rise. Inilalagay ko ang sarili ko sa kaisipan ng isang bata. Maaaring di nya bigyang pansin ang hi-rise. Pakialam nya ba. Basta ba may computer.

Kawawa naman ang mga bata. Di nila alam ang di nila nakagisnan. Kasalanan ko rin naman; ni hindi ko nga sinabi sa kapitbahay ko ang sama ng aking loob sa paglaganap ng environmental sprawl.

Ik-ik-ik!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home