<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, October 21, 2006

DIGRESYON 101

Kung nagbabasa kayo ng blog ko, dalawang bagay ang matututunan natin sa isa't-isa: una - malalaan ninyong ningas-kugon ako; ikalawa - malalaan kong wala na kayong maisip gawing kapaki-pakinabang.

Digresyon. Paglayo sa paksa, at ang paksa dapat ay 1) open liham, 2) sa letrang B.

Di ko maituloy-tuloy ang mga paksang nabinbin sa maraming dahilan. Unang dahilan: masakit ang ulo ko.

Kahapon papauwi ako galing ng opisina, ansakit ng ulo ko. Panay nga ang kanta ko habang nagmamaneho baka sakaling malimutan ko ang sakit ng ulo ko. Kaso, wa epekto ang short term memory loss ko dahil pilit kong natatandaan na masakit ang ulo ko. Naalala ko tuloy yung sinabi nung araw ni Dennis Da Bopis na ang pinakamainam na lunas sa sakit ng ulo ay tanggalin yung mismong ulo. Aruy. Aruy-uy. Para kang si Nabokov na nag-iimbita sa isang pagpupugay, I mean, pagpupugot. Kung ganun ang logic ni Prof Dennis, mas mainam na siguro ang solusyon ko: Para tuluyang mawala ang sakit ng ulo, tanggalin na dapat sa bokabularyo ang katagang "sakit ng ulo".

Sobra kasi ang stress sa trabaho. May nag-email nga sa aking tropa nung college na isinahalintulad ang stress sa isang basong tubig. Sabi nya, magaan daw ang isang basong tubig pero pag hinawakan mo sya ng 5 minuto, mangangalay ka, at pag hinawakan mo sya ng isang oras magiging mabigat ang isang basong tubig at sasakit ang kamay mo.

Ganun daw ang mga stressful na bagay. Magaan daw pero pag hinayaan mo syang maging pasanin ng lubus-lubusan, bibigat din daw ito at magiging stressful. Ayos. Kaya ang ibig sabihin ni Preacher, inumin mo ang tubig at ibaba mo ang baso.

Kaso ansakit talaga ng ulo ko. Buti na lang nung kinuha ko na yung mga pagkaing niluto ng Inang ko para pang-hapunan ko, nawala yung sakit kasi ang sarap sarap ng mga tsibuging taglay ng mga kaldero ni Inang: fish chowder tsaka shrimp scampi. Minsan nga nagluto si Inang ng Shrimp Louisiana tapos dinala ko sa office pot luck, ayus, namangha ang buong sanlibutan at to die for daw. Lintak naman kasi sa pagluto ng SL, meron pang mga capers, tas pinakuluan ang shrimp sa tubig na may celery at mga kuning-kuning. Kaya nga gusto kong magtayo ng restaurant na Mediterranean ang theme, tas si Inang ang food consultant. Punta kayo, plis, priti plis, otherwise baka lalong sumakit ang ulo ko.

Next time, itutuloy ko ang mga nabinbin. Tsaka ngapala, kung merong maganda sa blog na to, yun mga comments nyo po. Promise talaga.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home