<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Monday, September 18, 2006

SIGE NGA...SUBUKAN MO!

May nabasa akong article sa St. Anthony magazine, Try This, na parang isang hamon sa kabataang subukan ang ilang bagay na di nila nakasanayang gawin tulad halimbawa ng pagkain ng gulay, o pag-indulge sa sports na kakaiba. Teorya ng article, na syang standard na kaisipan, e mag-iiba ang dimensyon ng utak mo at lalawak ang pananaw mo kapag may ginawa kang bagay sa unang pagkakataon. Kumbaga, mula kanina hanggang ngayon, anlayo agad ng agwat mo sa dating ikaw.

Pero syempre may pros and cons ang pagiging adventurous. Meron ngang magsyota na nag-bungee jump for the first time, intensyon ni lalaki na i-pop up ang big question sa kanilang pagtalon kaya naisip nya, kelangan kakaiba ang set-up ahehe, kaya ayun, nung tumalon sila tinanong nya agad si babae, Hon, will you marry me?, sagot ni babae, Noooooooooooo, yun pala sobrang haba ng lubid nya kaya ayun, basag ang bungo nya.

Sa probinsya ng tatay ko nung araw, meron akong nilapitang kapwa bata na nagbubungkal ng lupa sa gitna ng bukid. Nangunguha pala sya ng kamote, tapos, then and there, kinakain nya. E di ako naman na patay-gutom, nakikain din ako. Wahaw, dre, ansama ng lasa, lasang lupa. Tas nung gabing yun, ang ulam namin e salagubang. Medyo nag-pass muna yung mga kapatid ko pero ako, lintek, andami kong nakaing salagubang nung gabing yun kaya pakiramdam ko nung patulog na ako e parang me lumilipad-lipad sa loob ng tiyan ko.

Tas minsan namang namangka kami ng mga tropa ko sa Manila Bay at nakahuli sila ng pusit at dinarang lang sa apoy ng ilang segundo, walang abut-abot e nilantakan ko rin yung pusit, pagkagat ko nga sa ulo e sargo yung tinta sa mukha ng katabi ko. Hayup ka, sabi nya, Para kang si Anggula (yung taga Borneo kuno na kumakain ng hilaw na manok sa karnabal). Pero pramis dre, pagkaytamis-tamis ng pusit, matamis pa sa pinakamaanghang na ngiti ni Tiya Pusit.

Nung anim na taong gulang ako at ang bunso namin e 1 taon, pinabantayan sa akin ng nanay ko si bunso at may bibilin lang daw sya sa tindahan. Yung kumag kong utol e nagngangawa dahil nagugutom kaya ang ginawa ko, kunyari e si Iron chef ako, sa isang mangkok e pinaghahalo ko yung ketchap, ginutay-gutay na tinapay, patis, gatas, tsaka sabaw ata yun ng nilagang baka - at nung nagparang kaning baboy na ang mixture e pinakain ko kay bunso. Sarap na sarap ang kumag kaya nung lumaki na e di na rin naiiba sa akin. Subukan mo ngang alukin ng piniritong papel e di ka nya tatanggihan.

Maraming bagay na rin akong nakain sa mga lugar na napuntahan ko. Nasubukan ko na ang bison, ang ostrich, ang kalabaw, pero ewan ko ba, tawasin mo man ako, di ako kakain ng aso, ng chicko, at ng chesa.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home