<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, August 05, 2006

VAMOS A VIVIR!

Noong araw na naglalakad ako sa suburbs ng Miami, may nakasalubong akong mama, binati nya ako, Kumusta, sabi ko naman, Mabuti po. Natigilan sya, kunot ang noong nagtanong, Que?

Malay ko ba na Hispanic yung mama, bumati ng Come esta, at malay ko rin ba na uso pala sa Amerika ang batian ng mga nagkakasalubong kahit di magkakakilala (pwera lang sa New York dahil kung lahat ng makasalubong mo e babatiin mo, tigbak ang lalamunan mo pagdating pa lang ng tanghali.)

Tapos minsan naman (sa Miami pa rin), may tinawagan akong tindahan ng gulong, ang sagot ba naman e Espanyol, kahit isang salita sa Inggles, wa. Buti na lang baon ko pa yung 24 units ko sa Spanish nung College kaya nagkaintindihan kami ng hinayupak na nagbebenta ng gulong kahit nahirapan ako ng konti kasi di ko alam ang gulong sa Spanish (kung sa Japanese pa, alam ko. Gurong.)

Sabi ng isang nakakaalam, (which means, hindi ako yun) 70% daw ang foreign-born sa Miami, at halos maliit na porsiyento lang dun ang hindi Hispanic. Kaya tipong nakakagulo nga sa kwentahan ang Pinoy dahil ang tingin minsan ng iba e Hispanics din tayo base sa pangalan natin (pwera na lang kung ikaw si Magiting Dimagiba, saksakan ang tibay mo tsong!)

Dun naman sa malaking porsiyento ng Hispanics sa Miami, majority dun e Cubans. Kaya nga may Little Havana sa Miami na isang mahabang kalyeng puro Cubans ang nakatira, mga expats na malaki ang galit kay Fidel, at nitong mga nakaraang araw na napabalitang masama ang lagay ni Balbas, ayos, nagkakagulo ang mga Cubano sa Little Havana at parati silang napipiyesta dun habang nag-aantay ng isang morbid na balita.

Pero ano ang tayo (o stand) ng isang Pinoy sa kaganapang ito sa Cuba?
Maaari sigurong alamin natin ang kwento ni Juan, ang quintessential na Pinoy, na minsan ay napadpad sa isang sulok ng Havana.

Nangangatal sa gutom si Juan habang nasa loob ng isang restaurant sa Havana at pinanonood ang mga taong nagkakainan doon. Matagal na syang di kumakain at dahil Pinoy si mokong, kailangang gumawa ng paraang tanging si McGyver lamang ang kayang pumantay. Sa kanyang pagkakaupo, napansin ni Juan ang isang grupo ng kalalakihang balbas-sarado na panay ang order ng mga pagkain. Kuha sila ng lengua estofado, afritada, ropa vieja, arroz con pollo, at kung anu-ano pa at nung ibigay na ng waiter ang kanilang check, "Su cuenta, senores", nagalit yung isa at tumayo sabay sabing, "No cuenta, soldados de Fidel Castro".

Boink! sabi nung ilaw na nagsindi sa ibabaw ng ulo ni Juan. Nekmati talaga, syempre Noypi ata toits, sabi ni Juan na binaligtad ang salita para di maintindihan ng mga tao (???). E di kuha sya ng lahat ng masasarap na nasa menu, camarones, calamares, chicharones de pollo con mojito, bistec a la Havana, pescado frito, at kung anik-anik pa, kulang na lang kumuha ng estopadong au-au ang tarantado, buti na lang at nakapagpigil pa sa kanyang katakawan.

Isang oras ang nakalipas at lumapit na ang waiter dala ang check sa bundat na si Juan (na kasalukuyan ay nagtu-toothpick pa). "Su cuenta, senor", sabi ng magalang na waiter.

"Har-har", sabi ni Juan. "No, no, no cuenta para mi, senor, mi, soldado del Fidel Castro".

"Har-har-har, tambien", sabi ng waiter. "No, no, no, senor. Soldado del Fidel Castro, barbudo", dagdag nito habang hinahagod ang baba bilang pagtukoy sa balbas ng mga sundalo.

"Naleche na", sabi ng walang balbas na si Juan. "Di ko nahuli yun, ah."

Maya-maya, nag-isip si Juan, tas biglang tumayo, binuksan ang zipper, binaba ang pantalon, binaba ang underwear, sabay sabing -

"Secret Agent de Fidel Castro!"

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home