JOUISSANCE
Sa pagbabasa ko ng mga sanaysay tungkol sa feminism di-iilang ulit kong nakasagupa ang salitang "jouissance" na medyo nahahawig ang tunog sa "nuisance" - na palagay ko'y aksidente lamang at walang kinalaman sa kanyang pagiging "feminist term".
"Kaluguran" ang pinakamalapit na kahulugan ng "jouissance" sa Tagalog, o "pleasure" sa Inggles, pero wala raw talagang direktang halaw sa ibang wika ang "jouissance" kaya di ko maipaliliwanag ang tunay na rationale ng paghalihaw ng jouissance sa mga feminist essays na nababasa ko.
Siguro unang tanong mo, oo, ikaw na nag-iisang nagbabasa nitong blog ko, Bakit ako nagbabasa ng feminist essays? Uh, siguro, kasi, gusto ko lang talaga makilala ng lubusan ang mga kababaihan, kasi sabi daw, may kakaibang katotohanan ang namumukadkad sa diwa nila, at isa pa nga, dahil taliwas sa katauhan ko ang kabuuan ng isang babae, anumang katangi-tanging bagay na likas sa kanila ang natuklasan ko sa pamamagitan ng pagbabasa ay isang yamang di kayang tawaran ninuman. Para bang pananaw ni R.W. Emerson na "A new person is always a great event", anumang bagong bagay sa pagkatao ng isang babae ang natutunan ko ay isang pangyayaring dapat ipagbunyi. Nakanam. Ayos.
Pero ano ba talaga ang gusto kong palabasin (bukod sa kakatwang hangin sa aking pwet?) Wala lang, gusto ko lang gumawa ng isang seryeng tipong "open letter theme" sa mga kababaihang nakilala ko dito sa Internet, bilang personal na pagbubunyi sa okasyong nakilala ko sila.
Tanong: Bakit kababaihan lang, paano naman ang mga lalaki?
Sagot: Hmm, kasi, ang mga lalaki, nag-uusap lang talaga kami over bottles of beer, at isa pa, wala naman talaga kaming pinag-uusapan kundi, "Tol, samahan mo nga ako, suka tayo", o kaya itatanong ng isa "Burat burat?" at ang isasagot naman ng isa ,"Oo, burat burat!"
And so, at this juncture, gusto ko lang sabihin sa iyo, babae, na kung maaari kong ulitin ang salita ni Emerson sa seryeng ito, We will meet as though we met not, we will part as though we parted not" ay gagawin ko maipagbunyi lang kita sa mga bukas na liham ko...
Kaya't humanda ka at iihawin kita (ng pagmamahal, atbp., ehehe!)
e-2-2-loi.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home