<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, September 30, 2006

PAWPAW

Sa anumang kinalalagyan ng tubig gaya ng tapayan o ilog, kapag lumampas ang tubig sa itinalagang alanggaan (o space), ang tawag dito ay "apaw". Makalipas ang pag-apaw at lebel na ang tubigs sa labi (brim) ng kinalalagyan, ang turing na doon ay "pawpaw". From apaw to pawpaw. Nakaw. Ayan...alam kaya ito ng isang taga-Bulacan dyan?!

Paggising ko kanina, ansakit ng likod ko, naisip ko tuloy kung ang kaengotan ko sa utak ay apaw na o pawpaw pa lang. Paano ba naman kagabi ay nanonood ako ng t.v. (college football, Rutgers vs. USF), nakasadlak ako sa carpet, patiklop na nakaupo, at nakabarandal lang yung likod ko sa paanan ng couch. Sa sobrang tagal ng pagkakaupo ko, di na ako makatayo at nagparang magbubukid ako na kumakanta ng Magtanim ay di biro, tas ang koro ko ay halaw sa Pobreng Alindahaw, Aruy, aruy, aruy (aruy, aruy, aruy). Ikanga, old age is written all over my back. Tas ganun pa ang ginawa ko, nagpakaengot at umupo sa lapag.

Kaya ngayon, sa halip na tumakbo ako at paliitin ang aking size 34 na bewang, lekat, eto at nagta-type ako ng isang pyesang di ko alam kung saan ko napulot. Ang masama pa nito, natalo ang USF kagabi ng 2 puntos lang dahil pawpaw ang kaengotan nung isang player nila at sinalo ang offside kick ng di pa lagpas ng 10 yards. Anyway, motorway, di ko naman talaga peborit ang USF, gusto ko lang matalo ang Rutgers sa dahilang pinag-iisipan ko pa.

Hayyy football season, leche ka, ansakit mo sa likod. Sa larangan ng college football, panatiko lang ako ng University of Miami at Ohio State U, tas sa pro football naman, Miami Dolphins at New York Giants. Kaso, bukod sa OSU, puro talunan ang mga hitad. Hoy, hoy, hoy, tigilan na ang pag-apaw ng kaengotan nyo dyan.

O sige po, makapag-hanap muna ng ben-gay dito....sakit likod kohhhh...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home