ENLIGHTENED WEEKEND (continuar, noir)
1. Sa bayan ko sa Pilipinas nung araw, meron kaming tinatawag na Happy Sunday. Kapag nasa tambayan kami (tindahan ni Lonlon) nina Pongie, Topits at iba pang kampon ng buraot kapag araw ng Linggo, nag-iinuman kami. Meron din kaming tinatawag na Happy Saturday kung saan pag araw ng Sabado e nag-iinuman kami, tas meron ding Happy Monday, Happy Tuesday et. al, all the way to Happy Friday, which for sure alam nyo na ang pinagiging masaya namin: we are doing the best for Philippine economy by consuming the all important San Miguel beer.
2. Dahil sa walang katapusang inuman lalo na pag weekend, naging acidic ako. Kapag gigising ako sa umaga at nasayaran ng sipilyo ang bibig ko, o kaya e nabuhusan ng tubig ang likod ko sa pagligo, duwal na ako ng duwal kahit di naman ako buntis. Minsan nga nasa banyo ako at panay ang duwal, yumpala e nagdatingan na ang kapatid ko tsaka mga bubwit nya. Paglabas ko ng banyo, yung dalawang bubwit (mga 2 at 3 taon ata sila nun) andun sila nakaharap sa pinto ng banyo at duwal din ng duwal. Lintek talaga ang aking power of suggestion.
3. There goes the rub(bing alcohol). Sa Pinas, inuman lang ang pinaka eskapo namin sa mainit na reyalidad dahil wala naman kaming ibang magawa bukod sa karumal dumal na sabong. Walang bookstore dun, o kaya e library. Ang pinakamalapit na mall e dalawang oras na lakbayin sa trapik, at pag nagpunta ka dun, kargo mo ang konsyensya ng buong tropa. Pwedeng magbasketbol, kaso, nasubukan mo na bang magbasketbol ng 5 oras sa arawan?
4. Kaya nga medyo culture shock din nung napadpad ako dito na parang langaw dahil sanglibo ang pwedeng gawin sa isang araw, iba-iba bawat araw, lalo na pag weekeends. Gaya nung Linggo, ginanap sa Shops at Sunset Place sa South Miami ang annual Miami Hunt na brainchild ng Miami genius na si Dave Barry. Mahigit na sampung taon na ata ginagawa itong hunt na ito, at usually e sa downtown ang venue, pero biglang iniba ang location siguro para lalong palawakin ang local market. Pero grabe, dinadayo ang hunt na ito ng mga taong galing sa ibat ibang states, di lang para makamtan ang prize na trip to Mexico kundi na rin para ma-experience ang isang unforgettable weekend.
5. May pagka-wicked ang hunt (palagay ko itong Miami Hunt ang naka-impluwensya sa bagong reality show na treasure hunt). Sa ibat ibang parte sa paligid ng Shops, may mga naka-costume na namimigay ng mga polyeto kung san mo makikita ang ibat ibang pagkukuhanan mo ng clues. Pag nakompleto mo na ang mga clues, pagdudugtung-dugtungin mo sila para mabuo mo ang puzzle. Eto ang sample ng unang clue: Sa isang couture shop, may 5 mannequins sa show window (isang babae at 4 na lalaking mannequins). Ang suot nila, respectively, ay pangkasal na may train, vest, tie, t-shirt (or simply, t), at yung panghuling lalaking mannequin ay naka damit pambabae.
6. Pag pinagsama-sama mo ang mga suot ng apat, magigi silang: train, vest, tie, t - na kapag inadjust adjust mo lang e magiging transvestite, which will point you to the man mannequin wearing a woman's dress. Ang presyo ng damit na yun ng transvestite mannequin ang unang clue. Clue nyo?
Yun lang. Boring, ne?
e22loi
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home