<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, November 12, 2006

MOVING ON

May ticket ako ngayon sa 1:00 pm Miami Dolphins-Kansas City Chiefs footbal game. Prime Section. A-ha-ha, ang gara Edgardo, may nagbigay sa akin ng dalawang tickets na halos $90.00 per tix, may kasamang parking pass, tas ang kumag bumunot pa ng $20.00 at sabi, Here, the first four beers are on me. Jaynako, what is going on with this world.

Three weeks ago may nagbigay din ng 2 tickets, sa Dolphins-Green Bay Fa, I mean, Packers naman, pero nga lang andun kami sa Fish Tank section na paduguan ng ilong. Yosme, sa sobtrang taas nga ng kinauupuan e napaka-lapit namin sa araw. Kung nasa baba-baba lang kami e hindi sana gaanong nasunog ang balat kong pinaglihi sa kwero.

Sinama ko sa Packers game ang frat brod kong si Chewbacca na nakatira malapit sa Stadium. Bihira na kami magkita ni Chewbacca kasi wala syang ibang ginawa kundi ang magpayaman, which means salungat kami ng hilig. Ewan ko ba, bata pa ako andami ko ng hilig gaya ng, uhrm, gurls at libro, pero sa kung anong dahilan e di na-include dun ang pera. Kaya nga yung mga inaanak ko sa Pinas na umabot ata sa 30 e wala akong maibigay kundi ang kamay kong pandampi sa kanilang malalapad na noo. Minsan nga yung Inaanak kong si Mokong, pagkamano e iniladlad yung palad, e di tinapik ko ng 'give me five' na tapik, tas nung ako naman ang nagpapa-'give me five', hinila na sya ng tatay nyang nakaramdam na walang mahihita sa aking walang lamang bulsa ang anak nya.

E di ayun, mapapabili mo ba ako ng ticket sa Dolphins game e parking pass pa lang $20.00 na! Haynako, e sweldo ko na sa isang araw yan (sa Pinas). Buti na lang me magagandang loob (at labas) na nagbibigay sa inyong pobreng lingkod ng libreng ticket para makapanood ng footbal game, gaya ng bigay ni Doktor J 4 years ago na ubod ng baba ng section, ayus, nasa harap ko si Andy Garcia. May nag-akala sigurong magkamag-anak kami, kasi kamukha ko si Bino Garcia.

Ewan ko na lang ngayon kung sinong celeb ang makakatabi ko (bukod sa utol kong kumag na celebrity kasi nagcelebrate sya ng birthday kamakaylan lang). Ano kaya't makatabi ko si Naneninonu, o si Nana Nini na anonymous celebrities dito sa blog. Ayus. Or in their word, Ayuz.

O sige po, maga move on na ako, for another place, another series. Go Fins!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home