<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Sunday, November 12, 2006

MOVING OUT

Kakauwi ko lang ng bahay galing Dolphins game. Buti naman at nanalo ang tropa kaya "the world's biggest party" ang Dolphins stadium nung iwan namin - di gaya nung 3 weeks ago na "world's biggest funeral" ang tinamaan ng magaling. Mahiyang punebre talaga ang stadium pag natatalo ang Miami sa home freakin games.

Dati rati dumadating kami ng stadium na nag-uumpisa na ang laro. Pero kanina, 2 1/2 hours before the game andun na kami kaya pinagtripan namin ni utol yung mga nagte-tailback party. Sa parking lot, yung mga pick-up trucks ng fans e nagiging instant barbekyuhan; ibaba nila ang tailgate ng truck, tapos andun na nila ilalatag ang mga kalan-kalan, tas magtatayo sila ng tent.

Iba-iba ang trip ng mga tao habang nag-iihaw ihaw sila ng hamburgers, sausages, steaks at mga mais: may mga naglalaro ng domino (mga Cubans at Hispanics), may nagpo-poker (mga sassy), may nagbabackgammon (mga sosi), may nagchichismisan (mga sissy) at may nagbabatuhan ng football. Sabi ko nga kay utol, magpauso kaya ang mga Pinoy dito at Pilipino theme ang tailgate nila. Lintek siguro, ilalabas ang kalan-kalang kanin, tas may sinigang tsaka kare-kare, hayup, tas sisigaw ka, O sino pa gusto ng kaniiin, tas may sasagot, Ako ako penge pang hap rice plisss, patis, patis, Wala bang kamatis na ginayat-gayat dyan, plis!!! Tas mag-iihaw ka ng tuyo, ha-ha-hayup siguro, ambantot ng hanging amihan, panakbuhan ang mga tao, tas sisigaw ka, Touchdown!

Nag-settle kami sa upuan namin eksaktong alas-dose (1 hr before the game), tas nakahilera na yung mga beer namin para kunyari siga kami, angkaso lang napapaligiran kami ng Kansas City fans, buti na lang at ang gaganda nung mga dalaginding (sabi nila pinakamagaganda na daw ang taga-Missouri; naniniwala na ata ako) kaya nung uminit maigi parang gusto kong himatayin baka sakali bigyan ako ng cpr nung isang miss.

Bandang alas-dos, nasa 2nd quarter pa lang, lasing na ako, sabi ko sa utol ko, Bat sobra atang dami ng players sa field, sabi nya, Ugok, doble lang ang tingin mo; nung tinakpan ko ang isang mata ko, Oo naman pala, tama lang sa bilang.

So, ganun na nga, nanalo sila 13-10, thriller pa anya, kaya mejo moving out na ang mga hitad sa cellar.

Ako naman e eto, nag-kakalkal ng balat na mala-uling. Hapdi, hapdi, kamot, kamot.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home