<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, November 24, 2006

GOING POSTAL

Nung nasa Pilipinas pa ako ansama ng reputasyon ng post office, pati ng postal workers (ewan ko lang ngayon). Pero sa Amerika kung saan andaming Pinoy na postal workers (may mga kamag-anak, frat brods, tsaka kakilala ako na station chiefs pa sa Southern Cal, Chicago, tsaka Philly), ang gaganda ng feedback sa kanila. Which means, ang corruption nasa sistema, wala sa tao.

Minsan naglalakad ako sa Lower Manhattan, winter nun at nag-i-isnow, nakasalubong ko ang isang postman na mukhang Pinoy at sagsag sa dalang kahon ng sulat. Syempre may deadline sila, tsaka rain or shine, hell or high water, kailangan mai-deliver nya yung sulat. Nagbakasakali akong maintindihan ni Postman, sabi ko, Tatag ng Pinoy talaga, ano? Sagot nya, Sinabi mo, sir.

Di miminsan akong nawalan ng sulat noon sa Pinas. Minsan nga yung padalang card ng ate from the States, naka-tape at plastic pa dahil obviously ay binuksan. Pero syempre, unfair na sabihin mong tiwali ang bawat postal worker sa Pinas dahil karamihan sa kanila, dakila ang ugali at walang bahid ang reputasyon sa trabaho.

Naalala ko tuloy yung parabula ni Doc Flavier sa Philippine Star tungkol dito, at medyo ganito ang storya.

May isang matanda (tawagin natin syang si Pedro) na hikahos sa pera ang sumulat sa Dyos para humingi ng tulong. Kailangan nya raw ng isang libo para sa kung anong mahalagang gastusin at wala syang alam na mapagkukunan nito. Inilakip nya ang sulat sa sobre, tas sinulat nya sa labas ng sobre: To God In Heaven.

Nakita ng mga postal workers ang sulat at di nila malaan ang gagawin (syempre pa, alang selyo ang sulat. Una na, wala pera yung matanda.)
Nagpasya ang postmaster na buksan na lang ang sulat at alamin ang nilalaman nito. Nahabag sila sa matanda pagkabasa sa sulat, at doon at noon mismo nagpasya silang mag ambag-ambag para maipadala kay Pedro. Umabot sa 900.00 pesos ang kanilang nalikom at masaya silang inilakip ang pera sa sobre, at sa labas ng sobre isinulat nila: To Pedro, From God in Heaven.

Laking tuwa ni Pedro nung matanggap nya ang sulat. Binuksan nya ito, lumuwa ang mata ng makita ang pera, at makaraan ang ilang saglit ay gumawa ulit ng liham.

Kunabukasan, nakakita na naman ang mga trabahador sa Post Office ng sulat na addressed sa God in Heaven, at syempre pa ulit, binuksan nila ang sobre. Tumambad sa kanila ang sulat ni Pedro:

Dear God In Heaven,

Marami pong salamat sa padala nyong pera at lubos akong natutuwa sa pag-aalala nyo sa akin. Ang isang bagay na masasabi ko, sa susunod na maiisipan ninyong magpadala ng pera ulit ay idirekta nyo na lang sa akin at wag nyo nang padaanin pa sa koreo. Puro Hudas ang mga tao doon at alam nyo bang ninenok pa nila ang isangdaan dun sa padala nyo sa akin po.

Nagmamahal,
Pedro

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home