SAMPU SAMPERA: KAPSULA NG MGA ENTRADANG PULOS WALANG KATUTURAN
1) Ang Sopas, Bow.
10 years ago simple lang ang hanap ko sa babae: di na baleng maganda basta mayaman lang at mabait. 10 days ago halos nondescript na ang features ng aking wanted-esposa: kelangan jayub syang magluto ng sopas.
Sopas. Sopas da voice of an angel. Kung gusto mo akong pakainin sa panahong wala akong gana, subukan mong harapan ako ng kumukulong mami at kakain ako kahit isang balde. Nung minsang mapunta ako sa bahay ng Kumparemg Antolin at Kumareng Kayla, nagluto si Mare ng bagong diskubreng minestrone. Sa unang higop namin ni Pare, nagkatinginan kami at sa isang iglap parang nabasa nya ang pagdaan ng trahedya sa buo kong pagkatao. "Honey", pasigaw ni Pare kay Mare, "anong klaseng sopas tong hinanda mo kay Pare, bat lasang putang-ina?"
Sa mga nagbabasa netong blog ko na gusto akong mapangasawa, kung magaling kang magluto ng sopas ay i-email mo ako pronto ng marriage proposal mo, honey, har-har, pero wag na wag lang kitang mahuhuli na nagho-hoard ng sangkatutak na medyas galing sa Salvation Army at baka matulad ka kay Mareng Kayla na kaylaking trahedya at matulad naman ako kay Pareng Antolin na atakbo atulin.
2) Isang Maalinsangang Addendum sa New York State of Mind.
Sa Greenwich Village daw nanirahan ang magagaling magsulat kaya kung merong angkop na katawagan dito, pwede na yata ang Republika ng Panitik, Republic of Letters. Ang lufet, ika nga ni kiwipinay na crush ko sana kaya lang galit sya sa aking pagiging magalang. Oke, oke, so sa Village nanirahan ang mga mapanitik. Sino-sino sila? Stephen Crane. James Agee. Edna St. Vincent Millay. Herman Melville. James Fenimore Cooper. Edgar Allan Poe. ee cummings. cbs. Not.
3) The Idiot and the Idiot Box.
Hindi ako mahilig manood ng tv pero nung isang araw na maupo ako sa sofa sa sobrang kapaguran e napaharap ako sa telebisyon ng wala sa oras. Ifinlash ang commercial ng Pier Imports, showcasing their new line of furniture fabrics, mga kakaibang prints ng sofa at love seat covers. Sabi ng ad na lintek sa come-on: Turn off the tv, watch the couch. Galeeengg. Kung ganun kagara ang mga sofa covers, pwede na akong maging tv potato (o tv potatoe, kung ako si Dan Quayle).
4) The Incredible Connection Between Manhattan and Manila.
Upos na ang mga lumulutang na yelo sa East River. Josme. Pag nahulog ka sa ilog na to mga panahon ng Enero Pebrero, patay kang matanda ka sa paninigas ng dugo't kalamnan mo. Di gaya sa Pasig River. Pag nahulog ka dun, di ka mamamatay, pano naman kasi eh patay ka na bago ka pa man ihulog dun, courtesy of your friendly neighborhood executioners.
5) Language as Culture.
Speaking of executioners, naisip ko ang salitang salvage. Sa Inggles ang ibig sabihin ng salvage ay i-save o kaya iahon tulad ng mga lumubog na barko. Sa Pilipino ang salvage ay kabaligtaran: sa halip na i-save o iahon, ibig sabihin e deduin o ibaon.
6) Hocus-Focus.
Sa panahong ito na playoffs season ng NBA, alam nyo ba ang routine ng mga manlalaro kung pano sila nakakapag-focus? Ikaw, ano ba ang ginanagawa mo, kung meron man, para makapag-concentrate lang sa, say, final exam sa school.
Nung last day ng exams namin sa college, sabi ko sa tropa ko na si Gerry Barako (na pwedeng ilako pang-kasta dahil hayop sa hyper ang kanyang semilya), "Tol, basa ako ng basa pero ala na pumasok sa yutak ko." Sagot ni gago, "Buti ka pa tols yunlang, ako nga e basa ng basa di naman ako marunong magbasa."
7) Protect Thy Recipe.
Me magaling na babaeng blogger na nagsisintir dahil ninenok daw yung recipe nya na nalimutan ko kung ano, kaldereta yata, o bopis, o sisig. Ako kaya, maggawa ng recipe ng Nilagang Talong -
- kumuha ng talong, bahala ka na sa haba.
- magsalok ng tubig, bahala ka na kung san galing
- butas-butasin ang talong (irony ng buhay) para madaling maluto
- ilagay ang talong sa tubig, tapos pakuluan
- hanguin ang talong pag ang kulay violet nya e tuluyang nawala
Pano kung me magnenok nitong recipe na to, gayahin word for word, magsisintir din kaya ako? Alin kayang parte ng recipe ko ang talagang akin? Dapat bang nenukin ang recipe ng isang mala-sinaunang ulam o putahe ng di nagpasabi sa pinagkopyahan? Dapat bang magsintir ang pinagnenukan ng walang paalam?
8) Paradoksis ng Buhay.
Sabi ni Eduardo Galeano e andami daw paradoxes ng kasaysayan: ang pinaka-French sa lahat ng French na si Napoleon ay di talaga French; ang pinaka-Ruso sa lahat ng Ruso na si Stalin ay di-talagag Ruso; ang pinaka-Aleman sa lahat ng Aleman na si Hitler ay pinanganak sa Austria; at ang mga taong tinaboy ni Hesus sa templo dahil binabastos nila ito (mga mangangalakal at kapitalista) ang syang nagtatamasa ng biyaya tuwing Pasko.
9) Ang Blonda, Bow.
Me isang seksing blonda ang pilit binubuksan ang pinto ng kanyang kotse sa pamamagitan ng tinidor. May lumapit na pogi, Miss ano problema? Naiwan ko yung susi sa loob, sagot ni seksi, Eh kelangan ko nang itaas ang bubong ng convertible ko kasi uulan at mababasa ang loob ng koche, leche.
10) Ang Dakilang Cyber Brain Dead User.
Ako yun. Talo ko pa nga si Jack McKeon na manager ng Florida Marlins. Nung tanungin si Tanda kung meron syang iPod, sabi nya, "iPod, what is an iPod, I have a tripod". Ako, ala din akong ipod o kahit anong kaek-ekang mp3 o whatever. Kahit minsan di ako nagdownload ng music sa computer at di ko alam (at interesadong malaman) yung pinagsasabi nilang music files. Di rin ako nakapag-chat sa buong buhay ko, di ako madunong maglink, at higit sa lahat, pag nawala tong lahat ng entries ko dito di ako alam ang gagawin ko. As if kelangan me gawin ako, ano?