SARI-SARING KAPINUYAN
Ikalawang araw ko pa lang siguro sa Amerika, naglalakad ako papuntang tindahan nang may makasalubong akong mama, binati ako, Kumusta, sabi ko naman, Mabuti, ikaw? Que? tanong nyang nakataas ang kilay.
Quetae, 'Como Estas?' pala ang tanong nung mamaw, Cubano siguro akala ko Pinoy.
Which brings me to say, pinakauna kong napansin dito ay ang kaugaliang magbatian ang mga nagkakasalubong. Mapa-matanda o bata ang makasalubong mo, sa park, sa hallway ng condo, babatiin ka, Hi, Hello, How you doin', parang second skin yung batiin ang kasalubong kahit, for all intents and purposes, e di naman sila talaga interesado sa yo. Pero syempre, sa ibang lugar gaya ng madidilim na lugar sa Bronx, pag may bumati sa yo, malamang ang bati e, Hi, can I have your wallet? Sagutin mo kaya, Did you say please?
Yung kaklase ko sa college na si Boy, nung high-school e pinadala sya dito sa States under the YFU (Youth for Understading) program. Kumakain sila ng dinner ng kanyang foster family, tas sabi nung foster mother nya, Here, Boy, have some more asparagus. Ang tarantadong si Boy e busog na, sabi ba naman daw, Thanks, I'm already fed up. Nasakyan naman sya ng kanyang foster nanay, Uh, you mean you're done. Sagot ni Boy, no I'm not Dan, I'm Boy.
Yun namang asawa ng pinsan ko, kumain sa isang fancy restaurant pa mandin, tanong muna ng waiter, You want super salad?
Of course I want it, sagot nya.
I'm asking, super salad? paimbyerna ng waiter.
And I'm answering, yes, I want it, asar na sabi ni Pinsan.
Please, sir, super salad?, nawawalan na si waiter ng pasensya.
Darn, I said I want your super salad!, pagalit na sagot ni Pinsan.
(Later, nagkabukuhan na, ang tanong talaga sa kanya ng nabuwang na waiter e kung ano gusto nya for starters, soup or salad.)
Kaaliw talaga pag bago ka sa isang lugar, di mo pa kilatis yung accent ng locals, o kaya yung nuances. Nung nanood kami ni bunsoy dito ng pelikulang Fargo (isa sa mga pinakaunang napanood namin), may eksena na sabi ni Frances McDormand (as the town's Chief of Police) habang tinitingnan yung nakalupasay na bangkay sa kalye, This must be done by somebody from Minnesota. Tawanan yung mga tao, kami naman ni utol, Ngee, ano kaya nakakatawa dun?
Of course we just didn't get it. Later nalaan ko slamming lang pala yun, gaya din sa Pinas, 'Ang sabi nila Bisaya daw ako wala naman silang ibidinsya', o isang klasikong pang-aalaska sa ibang (o taga-ibang) lugar.
Pero napansin ko lang andami sa mga Pinoy bloggers sa Amerika e
tipong asiwa sa kapwa Pinoy. Meron ngang isang blogger na nag-comment sa isang popular blog, sabi nya, Haynako naaalibadbaran ako sa mga Pilipino dito kaya ang ginawa ko eklavu e bumili ako acheng ng bahay sa isang all-white community, matuk mo ne! Gusto ko sanang magcomment to comment, Bos Kupal, kung merong isa pang Pilipino dyan na kaparis mong mag-isip, I bet di sya bibili ng bahay sa neighborhood mo kasi di na sha all-white community ngayun.
Totoo nga na merong crab mentality, pero present (but not definitely prevalent) naman siguro yun sa lahat ng race. O kaya, isipin mo, hindi kaya yung kagaya ni Bos Kupal na mismo ang me crab mentality kaya tipong asiwa sya sa kapwa Pinoy.
Buti na lang si R, UP grad na nag-masters sa tres tres hip Sorbonne e di na-crab mentalize nung nag-organize ng fund raising dito para ipadala sa nabiktima ng baha sa Pinas. Bagong dating lang sya dito from France, ala pang trabaho, biruin mo nagpa-concert sya, isang Pilipinang soprano, Pilipinong pianist at violinist, aba e dagsa ang Pinoy y Pinay, laking gulat nga ke R, mantak mo inuna pa yung kapwa Pinoy sa Pinas kesa sa sarili nyang unemployed. Pero kung binentahan nya ng tiket si Boss Kupal, sasabihin siguro nito, Hoy, hoy, hoy, plis, pwede bang umalis-alis ka sa aking all-white community!
May isang Palanca awardee from UST, respetadong writer dati ng Varsitarian na si Mario Eric Gamalinda (colleague ni Juaniyo Arcellana sa Jingle Mag) ang lit prof sa NYU ngayon. Napasama yung isang kwento nya sa isang anthology about New York.
Bigat mo Noyps.
Sa Winter/Spring 2005 issue ng Crab Orchard Review (Lit Journal ng Southern Illinois University sa Carbondale) may isang short story din, ang pamagat e 'Mag Mano Ka', sinulat ng isang Jhoana S. Aberia na obviously e Pinay.
Galing mo Nayps.
Basta ba wag lang aapak ang baka me taeng sapatos natin sa all-white community ni Boss Kupal.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home