<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, January 07, 2006

RESOLUSYON con EKSPOSISYON 2006

Para sa taong 2006, ang resolusyon ko ay ang hindi magresolusyon. 'Di naman ako talaga nakikiloko dyan kaso wala lang akong masabi. Mas mainam na yan kesa umpisahan ko 'tong blog ng Nadidighay ako. Gok. Braak.

Sabi ni Carlos Fuentes, 'di na raw kailangan pa ng isang manunulat sa Inggles. The English language did not need another writer, aniya; It has always been alive and kicking and if ever it becomes drowsy, there will always be an Irishman.

Ang gara. Ang gara, for president. Biro lang, seryosohin daw ba.

Ayan tuloy, parang ayoko nang sumulat sa Inggles. Sinabi siguro ni Fuentes yun matapos basahin ang isang entry ko sa Inggles.


Nagpunta akong Pennsylvania nung isang araw dahil binisita ko ang farm ng tita ko. Nagsasaka dun ang tito ko, kaso dahil winter at walang pananim, nagsusuka na lang sya at panay ang inom. Loko tong tito ko na magsesetenta anyos na. Dun sa barn nya, di nya pinapupunta dun yung tita ko. Tas nung andun ako, e di inanyayahan nya akong mag-inom sa barn. Wahaw, parang yung mga sinaunang barber shop sa Pilipinas ang dating, nag-time travel tuloy ako. Puro kalendaryo ng mga nakaborles na babae ang nasa dingding. Yun tipong The Girls From Silicone Valley. (Oist mga bruha, balita ko di nadedecompose ang mga yan, 100 years after your gory deaths, mahuhukay kayo ng mga archeology students tas sasabihin nung isa, Ma'am look, a skeleton with dudu!)

Nung baby ako kinakanta ng tatay ko sa akin pampatulog ay Divina Valencia, Stella Suarez, nagboborles!

Jusme, panahon pa yata ng Hukbalahap yang kanta na yan.

Kinabukasan pagdating ko dun, punta kaming Philadelphia na nasa Easter Penn, malapit sa New Jersey (di pa ako dati nakarating dun kasi malimit lang ako sa Pittsburgh, Western Penn yun na bordering Ohio), tapos dadaan kami ng Longwood Gardens. Kaya ako nagpilit sa Philly kasi sabi ko sa mga gurangis na kasama ko gusto kong makita ang Philadelphia Museum of Art. Sabi-sabi kasi na panapat daw yun sa Metropolitan Museum of Art (MET) sa 5th Avenue, kaya sagot ko, Owss? Malaan.

Kung napanood ninyo ang Rocky, may eksena dun na nagte-training si Stallone, as Rocky Balboa, along the streets of Philly at para syang human magnet at nagsunuran ang mga bata (balita ko e madaming pedophile ang nag-aral magboksing nung panahon na yun). Pagdating sa isang mataas na building na parang Parthenon at may mahahabang baitang na tulad ng sa Central Post Office sa Liwasan, tinakbo paakyat ni Rocky tsaka ng mga bata ang mga baitang at pagdating sa pinaka-taas ay nagtatalon sila dun habang taas ang mga kamay ni Rocky at nakatutok ang paningin sa famous Philadelphia skyline.

Yung building na yun ang Philadelphia Museum of Art, at ang eksenang tumatalon-talon sila, taas ang kamay ni Kee-rocks, ay isa sa kontribusyon ng Hollywood sa fabric of Americana. Ayun tuloy, kapag tumingala ka, andaming tao sa tuktok ng flight of stairs ang nagtatalon-talon at nagtataas-taas kamay na parang mga tirik na kangkong habang nagpipiktyuran sila as if there is no tomorrow.

Nagmakaawa ang mga gurangis na kasama ko na kung pwede daw ba na gawin ko na lang isang oras ang pagbisita sa museum. Sabi ko, Naman, naman, baka sa pag-akyat pa lang sa mga baitang na yan e abutin na ako ng kinse minutos, tas pagdating sa taas umatake ang aking bronchitis. May idea ako, sabi ng tita kong punong-puno lagi ng ideas. Umakyat ka na lang sa pinakataas na step, talon ka dun, taas mo mga kamay mong para ka talagang champion, tas kukunan kita ng litrato.

Yung talaga ang mga salita nya, although syempre, hindi nya sinabi
ang "tas". May Penn accent kasi sya. Ang pagkakasabi talaga niya e "taz".

Yun na nga. Ang Philly Museum of Art experience ko e ang pagpi-feeling Rocky. Nga lang, sabi siguro nung mga European tourists na pinanonood ang mga kumag doon na tumatalong parang Mexican jumping beans, nung ako na ang nasa sentro eh, Oh, look, that's Apollo Creed!

Punta na lang tayong Freedom Hall, tingnan mo yung Liberty Bell, sabi ni Tita. Tas binanggit nya kung totoo bang may ginagawa uling Rocky sequel. Sabi ko, balita meron nga. Paano daw ba yun e di ba matanda na si Stallone. Sabi ko na lang, ang title yata po Tita e Rocky VI: Rocky on a Rocking Chair.

E di yun. Totoo nga na me crack yung kampana. Let freedom ring, sabi da.

Tas deretso na kami sa Longwood Gardens, kaso lang naligaw muna kami. Aru, napadpad kaming Delaware. Tanong ng tito ko, C, tanda mo ba yung dinaanan natin?

Mali ng napagtanungan. Ako pa tinanong e sa lahat ng issues sa buhay, ang tungkol sa direksyon ang di ako nagkaroon ng interes. Sa dating opisina nga namin nun, 3 taon na akong nagtatrabaho tas isang ruta lang ang ginagamit ko papunta't pauwi, tas isang araw na papasok ako, malapit na ako sa opisina (mga 10 miles ang layo sa apartment) nang mapansin kong me detour, patay, sabi ko windshield ng kotse. Nagpaikot-ikot ako, tas maya-maya sabi ko, teka, nyeta, kilala ko tong lugar na to, diyata't, dito ako nakatira. Sa kaiikot ko, ang binagsakan ko pala e ang apartment ko.

Teka lang, san na ba tayo?

Ah, sa freedom.

Parang sa pagsusulat, mas me freedom sa Tagalog.

He-he. Freedom daw, freedom ring daw. Parang wedding ring, tawag ba dun e freedom ring. Hek-hek-hek, sabi nung isang babaeng blogger. Ngyawww.

O e di sige, sa Tagalog na lang para di na nagngangawa itong si Mang Caloy.

I therefore resolve, as Fuentes wished, to stop writhing in English.

Nakupoo, aray, ansakit!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home