MAGO VS. GAGO (pagpapatuloy sa mga paniniwala, di-paniniwala, palagay, at di-mapalagay)
1. Maraming naniniwala sa hula. Palagay ko, sa maraming pagkakataon, tao ang nagpapatotoo sa hula. Kwento: May 3 magkakaibigan ang nag-camping. Isang araw may naispatan silang matandang gypsy sa trailer na nakasulat "Manghuhula". Nagpasya silang magpahula. Nauna muna yung isa. Sabi ng gypsy, Mamamatay ka sa kamay ng 2 kaibigan mo. Ngatog na lumabas ng trailer ng gypsy si #1. Sunod na pumasok yung pangalawa. Mamamatay ka sa kamay ng 2 kaibigan mo, sabi ni tanda. Ngatog na lumabas ng trailer si #2, at sabay noon ay pumasok naman ang ikatlo. Ganoon din ang sinabi sa kanya ng gypsy. Pagdating ng gabi, di nag-uusap ang tres amigos at nagpapakiramdaman lang, at nung di na nila nakayanan ang nakabibinging katahimikan at namumuong suspetsa sa kanilang dibdib, sabay silang nag-isip at nagdesisyon, Hindi ako dapat mamatay sa kamay ng dalawang kumag na to, kelangang maunahan ko sila. Kaya ayun, nagpatayan sila, tepok silang tatlo sa kamay ng isa't-isa. Tama nga naman ang hula.
2. Sa Elizabeth Costello ni JM Coetzee, pinilit alamin kay Costello ng tao sa pintuan kung ano ang pinaniniwalaan nya. Dahil sa pamimilit, sinabi nya, Naniniwala po ako sa mga palaka. (Medyo makabuluhan ang pagparangal ni Coetzee sa mga mangangain ng langaw at lamok. Ang resureksyon nila, anya, ay dala ng pagpalit ng panahon, na resureksyon din kung iisipin: kapag panahon ng tag-init, inililibing ng mga palaka ang sarili nila sa putik na pinatitigas ng araw at nagpaparang maliliit na kabaong. Literal daw ang pagkamatay ng mga palaka dahil tumitigil ang pagtibok ng kanilang mala-kokak na puso. Kapag dumating na ang unang patak ng ulan at babasaing muli ang tigang na lupa, titibok na muli ang kanilang puso at gigising sa saliw ng Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay ni APO Jim et al at magkokokak-kokak sila upang i-celebrate ang kanilang transisyon). Sa libro, masigasig na animal rights activist si Costello at higit na pinahahalagahan/nirerespeto ang mga hayop kesa sa tao. Nung namatay sya at hinuhusgahan na sa kabilang ibayo, mas binigyan nya ng kahulugan ang resureksyon ng hayop sa tao, kaya sya mismo, hindi naniniwala sa panghuhusgang ginagawa nung tao sa pintuan, kung sino ang patutuluyin at sino ang hindi. Ako? Praksyon lang ang pagka-Costello ko. Una, bruho ako at di bruha, gaya ni Elizabeth. Ikalawa, nirerespeto ko ang hayop pero kinakain ko sila dahil hindi naman pagdisrespeto yun sa kanila, di tulad ng pananaw nya. Pagpapahalaga pa nga yun sa kanilang raison d etre' eklat. Panghuli, naniniwala ako sa muli kong pagkabuhay. (Sabi naman nung kaibigan kong si Ingrid na Colombiana, na muka ring gypsy, nayko, galing daw tayo sa lower being at magre-resurrect into a higher being. Hmmm, ano ba 'ko dati? Libro? Kambing? Paleta? Maleta? At ano naman ako sa susunod? Si Eliserio? Si Jobert? O si Frodo kaya?)
3. Naniniwala ako sa sensitivity ng hayop. Dalawa ang ibig kong ipagkahulugan sa sensitivity: pakiramdam at damdamin. Alam na ng lahat ang tungkol sa pagpuslit ng hayop sa saklaw ng tsunami, nagsitakas sila bago pa man lumusob ang tubig kaya wala raw namatay na apat ang paa. Sa South Florida naman daw, noong bago dumating ang Hurricane Andrew, nagtaka ang mga tao kung bakit biglang naglaho ang mga ibon, Where o where did the tweeties go?, yumpala, whooshh, napipinto ang pagkaganap ng delubyong considered the worst natural disaster in the history of America. Pero eto: Alam nyo bang ang mga kabayo ay nagpapakamatay? Kapag sobra ang paghihirap nila, may ugat sila sa paang kinakagat nila at in an instant, tapang kabayo na sila. Sabi ni Ken, At any sign of trouble, follow the animals. Ken, kapag sobra na ang paghihirap mo, mag-aasta kabayo ka ba?
4. Naniniwala ako sa nobilidad ng sining. Binabasag kasi ng sining ang monotony ng realidad, ang monotony ng nakasanayan. Kung araw-araw mong matatanaw ang puti ng ulap, asul ng langit, kayumanggi ng bundok, pula ng araw, at berde ng bukid sa parisukat na frame ng iyong pinamimintana, di maglalaon at iisnabin mo ang gandang hatid ng kalikasan. Ang anumang nakasanayan, nakakatamad. Kaya nga andyan ang sining, ang painting sa iyong haligi, para maipakita na ang bundok nagiging pula, ang bukid nangangasul-ngasul. Yun ngang magandang dilag kay Picasso ang mukha e nagbubukol-bukol, ang ilong nasa leeg, parang babaeng pinasabog at pinagpatse-patse ng plastic surgeon na bulag. Ganundin sa panitikan. Sinabihan ako sa opisina nung isang kasamahan kong insekto: Oist, c, bat ba wala ka nang ibang binabasa kundi fiction, get a life man, wag kang boring. Di na lang ako umimik, pero syempre pwede kong sabihin, Hoy kuliglig, kundi dahil sa fiction di ka nabigyang buhay ni Kafka sa Metamorphosis.
5. Kaakibat(?) ng sinundan ang paniniwala ko sa panitikan, maging sa kaeklatan ng postmodernismong panitikan. Dun sa Postmodern American Fiction, A Norton Anthology na inedit nina Geyh, Leebron at Levy, binanggit nila ang esensya ng postmodernism sa Museum of Jurassic Technology sa L.A. kung saan nakasabit ang banner sa ingress ng museo na nakasulat ang letrang A, E, N na may nakaguhit na - sa ibabaw ng tatlong letra, ibig bang sabihin e Non-Aristotelian, Non-Euclidian, Non-Newtonian. Ito ang motto ng museo, na syempre ay nagpapakahulugan na itsapwera sa museo ang anumang siyentipiko at pilosopiyang pagpapaliwanag; sa madaling salita, ayaw ng museo sa intellectual authority. Ganto rin daw ang esensya ng postmodernist literature, bawal ang intellectual authority, itsa-pwera ang reason, kaya dun sa isang exhibit sa museo ay may geometrikong modelo na nagsasaad kung saan daw nagtatagpo ang "plane of experience" at ang "cone of confabulation". (Kwento: May taong nagpapaliwanag sa kasama nya pero di sya maintindihan, kahit panong pag-eksplika, pag-chart, pag-illustrate, kaya nabwisit sya at ang ginawa e sinaksak na lang yung mabagal ang utak sa pamamagitan ng pagkaytulis-tulis na icepick. "What now?", pagalit na tanong ng sumaksak. "Uh", sabi nung miserableng sinaksak, "I got your...point."
6. Dahil sa paniniwala ko sa panitikan, binibigyang pansin ko pa rin ang panulat ng matitinding walang paniwala. James Joyce, Jose Saramago, Martin Amis, Fernando Pessoa, JM Coetzee (ngaba?), DAA (ngaba?), UZE (ngaba?) - mga nobelista, Nobel-ista, kahapon, yung iba maaaring bukas, pinagbuklod ng blasphemy as a form of literary vanity (?), ala ako masasabi dyan, pero naman, yung pagbebenta ng kaluluwa sa diaboli, maryosep naman, ba't di na lang isinanla para magkaroon ng pagkakataong tubusin, ala narrator ni Sherman Alexie sa Whatever You Pawn I Can Redeem, mapadaan man tayo sa sanlibo't isang impyerno para humanap ng $999.00 na pantubos.
At anong klaseng paniniwala sa panitikan ang maaaring pumantay sa paniniwala ko kay Flannery O'Connor? Hindi man ako mag-uring usok, sana ay pumaitaas din para makapagsalu-salo, Everything That Rises Must Coverge, ika nga, at nang sa gayon ay matanong kayo, Ma'am, Upos na po ba ang lupus? Nasundan na ba ang Judgment Day? Pwede nyo ba akong sabayan sa pagkanta na parang naressurect na palaka...?
Shine, people, shine!