Kumpisal: Tanong #2 - Hawak mo ba sa leeg ang iyong kaisipan?
cbsagot: Dati siguradong hindi. Malaki na ang naging improvement ko ngayon. Hindi ko na alam, pero sana.
Pa intellectual muna, usapang kuno. Sabi ni Stephen Dedalus, Sa pang araw-araw na pananatili natin sa mundo ay nakakakita tayo ng iba't-ibang uri ng tao't aswang, pero ang pinakamadalas nating makita ay ang ating sarili.
Bago noon, sinabi nya sa kaibigang si Cranly, sa tanong nito kung Ano ang kanyang gagawin o di gagawin: Hindi ako magsisilbi, sa bahay ko, sa bayan ko, sa simbahan ko; ipakikita ko ang aking saloobin sa pamamagitan ng kasarinlan at kabuuang kaya ko - ang armas ng katahimikan.
Sino sa amin ni Dedalus ang mas magiting ang relasyon sa sarili, sa pag-iisip? Sabihin mo, Tyak hindi ako. Sasabihin ko, Tyak hindi sya.
Ituturing ko ang tao bilang "patterned" sa krus. Ang unang "linya" ay tumatagos kaliwa pakanan, o horizontally, at ang linyang ito ang mundong ginagalawan ng tao sa kanyang pakikipagrelasyon sa kapwa; ang relasyon at komunikasyon ay tumatagos sa puso.
Ang ikalawang linya ay magmumula sa baba paitaas, tumatagos sa puso at sa utak, at ito ang guhit ng relasyon ng tao sa mas mataas sa kanya, maging sino man yun para sa kanya.
Ang essence ng puso ay faith, ang sa utak ay wisdom. Kung bibigyan natin ng gender ang dalawang ito, sasabihin ko na ang puso ay babae, ang utak ay lalaki. (Wag maging o.a., itutuloy-tuloy ko muna ang pagpapataw ng gender, bawal muna ang politically korekok, okay?)
Sa sanaysay na Intellect ni R.W. Emerson, inumpisahan nya kaagad ito ng, Every substance is negative to the one above it in a chemical chart. Kung ang anatomya ng tao ay isang chemical chart (na maaring sabihing oo), ibig sabihin ay mas angat ang wisdom sa faith, mas lamang ang lalake sa bab...aray ko!!@&x%+_+
Bago tayo magpakalayo-layo (tipong sabog na tong pinagsusulat ko dito; tipong sabog na din ang ulo ko sa pagkakabayo ni lp) ay balikan natin hane itong si Stephen Dedalus.
Kung madalas nyang nakikita ang sarili sa pang araw-araw, ibig sabihin ay madalas nyang makita ang sarili sa ibang tao. Seeing the self in others. Aba e para pala syang chopsuey. Ayun si Pareng Tonyo, mukha syang carrot, ako yun. Aba si Winnie Maglalatek, hawig sya sa sarsa, parang ako. Ayyy, wakanga Xiaolin, muka ka snowpeash, palangakoikaw.
Tipong no can do yata.
Una, kahit pa sabihing existensialism ang nananaig na pilosopiya ngayon - each Gollum in New York being the center of the universe - e mahirap makita ang sarili sa sarili, or to see one in his self, aba e lalo nang mahirap kung sa ibang tao pa. Palibhasa tayo, ang judgment natin nakapataw lagi sa iba kasi sila yung naeexperience natin, nakikita natin, pero ang hatol natin, sa kanila, dahil sila talaga, at hindi sarili, ang nakikita natin.
Mas malawak na dahilan ata yung kasabihang Perception requires a certain distance. Para bang pag nasa pusod ka ng gubat, ang nakikita mo yung mga puno, nawawala na ang bisyon ng gubat. Eswes, pano mo mape-perceive ang sarili mo e meron pa bang magiging mas malapit sa yo kundi sarili mo, ha? ha?
Eto na. Are you in touch with your feelings, Mr. Dedalus? Ahhh, hindi, ni hindi mo na nga makita ang sarili mo sa iyo, ala kang self-awareness punyemas kah!
In touch with one's feelings: the ability to recognize and monitor's one's emotions, thus enabling a person to make surer, healthier decisions. To be emphatic is to also be in touch with one's feelings; being attuned to others as to one's emotional reality. In touch with one's feelings: ang abilidad ng sinuman na mahawakan sa leeg ang kanyang kababaihan (di ba nga babae ang puso?!!)
Next, are you in touch with your thoughts, Mr. Dedalus? Aba, e lalong hindi. Pinagmatigasan mo pa nga, I will not serve.
Ako: I will serve, but I don't deserve. Pilit kong kinikilala ang pag-iisip ko, ang lalaki sa sarili ko, sa anumang oras, sa anumang araw, andaming mali, dyahi talaga, spiritwalidad na tunay ang kailangan.
Ang relihiyon daw, kailangan ng isang takot magpunta sa impyerno. Ang spiritwalidad naman daw, kailangan ng isang galing na sa impyerno at naghahanap na ng ibang ruta.
Makapunta nga sa kung anumang ruta yun. Ayun ang jeep, Para, mama para. Hmmm, ang galing ng nakasulat sa jeep mo, Bos.
Sapere aude.