TOMA AS SHOWBIZ
Glug-glug-glug...my favorite showbiz, tomadachi bottoms up, though she too, along with the rest, I left behind, not fully but virtually, nagtira ako ng konti nya para pampasosyal, pampalaway ng bibig kong nanunuyo, pampakatas ng laway kong nanunuya...
I admit without shame, share in this admission, I was a social drinker to the bottomest up. The genesis of my drinking is worth spilling...
Gagradweyt kami ng high-school, napagkayariang mag-overnight kina Z, anlaki ng bahay nila, sinlaki ng gym sa school. Sa backyard, puro kahayskulan ang pinaggagawa namin, damn be the principal, down with childishness, we were grown ups, yeahh brothers let's drink to dat. Naglabas ng dalawang malalaking bote si J, white kasol, naalala ko tuloy yung naka-bikining babae na nangangabayo, bastos na babae, you're not appropriately dressed for the occasion. (bastos na babae: 'but the occasion is your drinking!' teen cbs: then I stand corrected.)
'This is for the cardinal's spuff for the first time', sabi ni J, beterano sa inuman, tanggero primera klase, habang lahat kami ay namalikmata sa kanyang ritwal de pataranta. Tinaas nya ang baso na half full ng white kasol (o half empty kung pessimist ka bukod sa korni) at bilang pagpapatotoo sa 'for the first time' ay tumungga sya ng one time, sinundan ng pagpalo ng kanang hintuturo sa edge ng mesa, sinundan ng kaliwang hintuturo, sinundan ng pagpadyak ng kanang paa sa lupa, tapos yung kaliwang paa, tapos biglang tayo, then biglang upo. Yun ang first time.
'This is for the cardinal's spuff for the second time', patuloy ni J, at syempre alam na namin ang kasunod, matalino kasi kami bukod sa excited. Dalawang lagok, dalawang daliri na ipapalo sa mesa ng dalawang beses, dalawang padyak ng kanan tapos kaliwang paa, dalawang movements ng pagtayo at pag-upo. Magagaling kami sa sequencing at abstract reasoning, kaya syempre ulit, alam namin ang gagawin sa 'This is for the cardinal's spuff for the third and final time'.
Ayunnnn, tapos kelangan gagayahin namin, parang h-o-r-s-e, di dahil sa lahat kami mukang kabayo (yung iba kasi mukang kambing, yung si Jacob nga, pronounced as Hakob, mukang kabayo na amoy kambing) at pag me mali sa sequencing, balik sa umpisa.
Natapos ang ritwal ng bandang alas-dose ng hatinggabi. Surreal, man! Ang compound nina Z nagparang war zone. Sa grotto, may tatlong nagsu-swimming, yung isa without his intention, tinulak lang. Yung wall na especially designed na parang granite boulders, asus, me nakapilang nagwiwiwi na parang firing squad, nauntog pa yung isa. Di mabilang ang nakahilata sa damo. Si J nasa ibabaw ng mesa, nakahiga at anlakas ng hilik, me pilyong naglagay ng gumamela sa tabi, nagsindi ng maliit na sperma, tapos me platito na me mga barya.
At ako. Asus. Umiinom pa, paulit-ulit, kasama ko yung dalawang astig, nagdi-this is for the Cardinal's spuff for the sixth time na ata kami nun...
Ayun pala ang abilidad ko, sa inom, prospective Alcoholics Anonymous president siguro ang dapat kong ipinalagay sa yearbook (si Hakob nga, promise, ang sibamit sa tanong na What Would You Like To Be, eh: to be a D.O.M.) kaso nga di ko pa naman kilala ang sarili nung time ng submission.
Days, weeks, years passed, nakilala ko pa din ang sarili ko lalo. Pag ako lang mag-isa, ansama ng lasa ng alak. Pwe! Pwet! Lasang wiwi ang beer, lasang lason ang white kasol. Pero, muhn, pag me kasama, pag me kakwentuhan, lasang heaven ang beer, lasang prutas ang kasol.
Social drinker. That's me.
Drinking is people. Dapat title nito, people as showbiz.