<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, May 15, 2004

YOSI AS SHOWBIZ

Yo...sigarilyo, yosi! (to the tune of Do the Hustle)

I am a late bloomer. No, hindi ako si Orlando na tanghali magising. Pirmi lang akong huli sa mga bagay-bagay. (Pati nga sa balita ako ang pinakahuling makaalam. Minsan kontik na kong batukan ni Heather nung tanungin ko kung asan si El, asus! mahigit isang buwan na pala syang nag-resign. Ni hindi siguro nagbu-bloom ang tenga ko, laluna kung sa tsismis.)

Ganundin sa showbiz, pirming huli. Sabihin mo ba na 'O, ha di maigi hindi ka maagang napariwara' e di ako kumbinsido dahil pag huli kang nakapick-up, ang tendency yata e habulin mo yung nasayang na panahon o pagkakataon na hindi mo pa ito bisyo.

Tulad nitong yosi. First year college ako nung una akong nakahitit ng sigarilyo - samantalang ang mga alam kong naninigarilyo, high school pa lang at ang iba nga e grade school pa nung nagumpisa sa hitit-buga.

Interesado ka bang malaan kung pano ako nag-umpisa? Ah hindi? O di sige, basahin mo ito kung hindi:

Member ako ng cheering squad nung First Year. Yun ang pinaka-P.E. ko. Nung opening ceremonies, hanep, me mga palabas na bongga, tapos ang scheduled na laro e tatlo! Grabe-swabe. Kung mahilig ka man sa basketball, tyak isusumpa mo na di ka na uli manonood sa loob ng isang taon. So, para talunin ang ka-boringan, sabi nung katabi kong si Limahong, 'Lika yosi tayo.' Ganun lang. Malaking tao si Limahong. Myembro pa ng Alpha Phi Kubeta kaya naman me proteksyon ako kung mag-rumble man sa coliseum. Bukod sa siga, antalas pa ng mata. Minumura yung nasa kabilang side ng coliseum at sabi ba e, 'Hoy gago ka bat ansama ng tingin mo sa 'kin, ha, ha?' Tapos nung inintroduce na yung kalaban naming skul, agitprop sya ng: pasalubungan natin sila ng malalaking ngatngat. Kaming mga uto-uto, ayun, bigay-todo ang mga firepower namin, tusok-tusok ng daliri sa hangin, nanginginig pa.

Una kong hitit nahilo ako, para akong babagsak. 'Ha-ha-ha', tawa ni Lim na tawang-demonyo. Lakas na ba ng tama mo preee? Umiikot ang utak ko, tapos parang nagwiwing-wing ang mata ko sa luha. 'Tuloy-tuloy mo yang hitit', sabi ng demonyo 'para masanay ang kalamnan mo'. Hitit, ahhh, buga, ahhhh.

Bago natapos ang huling laro, isang kaha ang naubos namin. Siguro mga anim ang nakonsum ko kaya kumpara kay Limahong, di grabe ang pagka-dilaw ng mga daliri ko. Sya nga e grabeswabe, parang kumain ng isang sakong cheese curls.

Kaya ayun as they say, the rest is Roman history. Tuloy-tuloy na akong nasabak sa yosi (pero atin-atin lang ha, walang nakakaalam sa amin, si Inang nga pag nabasa nya to baka itanong sa akin, 'Ano pa ang pwede kong malaman sa yo?). Minsan may na-kaibigan akong kapitbahay naming teen-ager na babae, pinakitaan ako ng abilidad sa yosi. Hinitit nya ang isang stick na nasa loob ang baga (sa loob loob ko, Kahit kelan di ko hahalikan tong hayop na to.); tapos merong pang akto na iipitin nya ang yosi sa ilalim ng dila tapos ibabaluktot ang dila at isisirko ang yosi tapos isasara ang bibig. Nakakulong ang buong stick sa loob ng bibig!!! Mwahaha, balak ko ngang patayin ang baga ng yosi ko sa mata ko para lang mapantayan ang yosimagic nya.

Halos lahat ng matatanda sa lugar namin, yosigrabe. Magmamadyong maghapon, nakayosi rin maghapon. Kasehodang me sanggol sa tabi at singhutin lahat ng second hand smoke, tuloy pa din without further ado. Pero sa ibang kultura sa Europe, aba naku. walang panama ang Pinas. Sa France, sheet of paper, man, nagyoyosi sila habang kumakain sa restawrant! Habang kumakain ng meals yun ha, hindi basta lang hors d' ouvres o condiments o pulutan kaya. Yaki.

Pero nung napunta ako rito, iba ang pananaw sa akin. Si P, iisprayan daw nya ako ng lisol. Si isa pang P, pag kausap ko, nakahawak sa ilong. Ang sangsang daw ng halitosis ko kaya panay ang bigay sa kin ng chiklet at payong mag-retire na sa showbiz.

Actually, bago pa nun, gusto ko nang mag-quit. Pag nagiisport kasi ako, kapos na sa hininga. Para na akong si Hans Castorp na nagmyembro ng half-lung club. Tapos sa opisina, halos walang nagyoyosi. Tapos ang kultura, grabe, que snob. Merong isang open-house, yung mga guests na prospective buyers inaamoy-amoy nila ang dingding. Gusto daw nilang malaman kung naninigarilyo ang may-ari ng bahay at pag oo daw e di bibilhin ang bahay. Dun nga sa Jackie Brown ni QT, nagalit si Sam Jackson nung nagyosi yung pasahero nya sa kotse. Bababa daw ang value ni kotse.

Tapal dito. Tapal dun. Patch ang ginamit kong sistema. Lakas tama din, parang nagyoyosi ka, deretso nga ang nicotine sa dugo. Jan 1, 1997 noon, hindi ako humawak ng kahit isang stick. Nang lumaon, pababa ng pababa ang level of nicotiness ng patch hanggang sa wala ng patch-patch. I was smoke-free. I WAS SMOKE FREE, nya-a-a. Ayun, eto na. Witdrawal syndrome. Sa pagtulog, binibisita ako ng isang libo't isang demonyo, isa na siguro sa kanila ang kaluluwa ni Limahong. Sa umaga, ang kabog ng dibdib ko e halos madinig ng katabi ko. Ang pawis ko, tumutulo giliw. Sabi ko na lang sa sarile ko, don't worry, hang on, these, too, shall pass. And indeed, the sympotms passed, without further ado.

Yosi, adieu.

Close-up smile ulet ako, nakakaya ko na naman ang 3 sets sa tennis (singles, huh!) at amoy pinipig na naman (daw) ang hininga ko.

Ahhhhh, swabegrabe, sarap humitit ng sariwang hangin.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home