<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, February 11, 2007

SINTESIS

1. Malapit na naman ang spring training ng baseball. Alam ko kasi kinukulit na ako ni Inang kung kailan kukuha ng ticket sa Grapefruit League para sa spring training ng Marlins sa Jupiter, Florida. Malupit sa baseball tong nanay ko. Alam nya ang kaibahan ng fastball sa curveball, ng changeup sa knuckleball. Tanda nya ang batting average ni Miguel Cabrera last season, tas malaki rin ang galit nya sa NY Yankees.

2. Kung ang University of Massachussetts ay UMass at ang University of Connecticut ay UConn, ano ang University of Tennessee?

3. Kanina habang winewelcome namin ni John (my fellow usher) yung mga parishioners sa simbahan, nagkahuntahan sila nung isang pumasok na mama. Di ko naintidihan yung pinag-uusapan nila pero tipong maraming sinasabi yung mama kay John. Maya-maya nung natapos sila mag-usap, bumalik na sa puwesto si John, katapat ko, sa may pintuan. "That's my doctor", sabi nya. "He's telling me all about me. He knows myself more than I do", dugtong nya. "I'm sure", sabi ko. "And it's not fair because he had seen your ass and you haven't."

4. Ganito siguro ang sasabihin ng isang fire department supervisor sa isang fireman na sisisantihin nya: "You're fired, no pun intended!"

5. Nung kasagsagan ng mga kampon ni Hitler sa Europe, inutusan ni Hitler ang mga Nazi na gahasain ang mga kababaihan sa isang bayan. Utos pa nya na matapos ang panggahasa ay sasabihin ng sundalo sa babae: Nine months from now you will bear a child and you will name him Adolf Hitler, Hail Hitler! E di ganun na nga ang ginawa ng mga gunggong na Nazi soldiers. Isang araw, naispatan ng isang sundalo ang isang patpating babae na uubo-ubo at medyo tisika. Nag-alangan pa syang lapitan ito pero dahil sa takot kay Hitler, ginahasa na rin nya ang babae. Tapos nun sabi nya, Nine months from now you will bear a child and you will name him Adolf Hitler, Hail Hitler? Oh yeah, sabi ng babae sabay ngatngat sa sundalo. This is what I know, pagpatuloy nya. Nine days from now you will have a disease and you will call it syphillis.

6. Yung Hard Rock Casino/Hotel na pinagtigbakan ni Anna Nicole, uhm, malapit lang ang opisina ko dun. May bar dun, Murphy's Law, na madalas naming pagdausan ng happy hour.

7. May bago akong paboritong poet, si Li-Young Lee. Napanganga ako dun sa tula nyang Irises na napasama sa poetry antho ni Czeslaw Milosz na kabibili ko lang, A Book of Luminous Things.

8. Nag-eemerge and mga Vietnamese restaurants dito sa Amerika kaya sabi nila, pagdating sa pagkain Vietnamese is the new Chinese. Madalas kong marinig tong mga pautot na ____ is the new _____, gaya nung isang araw na nag-60 yung isang v.p., sabi nya, 60 is the new 40!

9. Minsang nagpapalipat-lipat ako ng channel ng tv, nachempuhan ko yung isang nag-aaudition sa American Idol. Naka fatigue sya, tas mahaba ang balbas at hawig ni Fidel Castro. Sabi nya, madalas daw syang mapagkamalan, either as Osama, or Castro, or a homeless man. Tas sabi nya, Kunsabagay, lahat naman tayo e homeless. Uy, lalim.

10. Nanonood ako ngayon ng Heat at Spurs. Alam nyo naman yung mga stats tungkol sa mga players, may bago akong narinig. Si Dwyane Wade daw, He makes at least one ridiculously spectacular shot a game.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home