<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Tuesday, December 26, 2006

NY, Day 5

Warning: this entry is disgusting.

Ahehe, halata bang wala akong magawa dito. Sa totoo lang, andaming pwedeng gawin. Pwede kong ligpitin yung mga gamit kong nakakalat dito sa den kung san ako temporarily naka-squatter. Yung brief ko nga, josme, nasa ibabaw ng fax machine. Kaso ang sakit ng katawan ko ne, nasobrahan pa ako ng toma ng wuwu (tama ba spelling?) yung pinaghalong vodka, peach schnapp, tsaka cranberry juice, isang galon ata ang nainom ko kagabi habang nagpapa-cute sa mga bwisita, ayos, madaling araw nagising ako, andun ako sa attic tas may dalawang ungas na nagpapaligsahan sa paghihilik. Di ko alam kung paano ako napunta ng attic, tsaka di ko matandaan kung anong oras ako nawalan ng ulirat, at lalong di ko alam kung sino yung mga naghihilik na myembro ata ng chamber orchestra dahil synchronized pa ang kanilang pag ngork-ngork. Nagising ako kasi naramdaman kong magbabaligtad ang sikmura ko kaya takbo ako pababa sa pinakamalapit na banyo, di ko na nagawang buksan ang ilaw pero sa awa ng panahon e timing na timing dahil kung nagkataong may umeetat sa kubeta ay nasukahan ko sana sya sa mukha. Pagkasuka ko syempre binuksan ko yung ilaw at ineksamin ko kung ano yung isinuka ko, aha! Walang dudang relyenong manok yun, tas yung lulutang-lutang sa may gilid e tipong aftermath ng biko. Iba-ibang kulay ne, tipong gross talaga sha, parang yung ibinuga ni Linda Blair dun sa Exorcist.

Tas shempre dahil baka katayin ako ng ate ko sa sobrang sangsang ng amoy na iniwan ko sa kubetat nya (walang kasing exhaust, hanubayan) katakut-takot na pagsasabon ang ginawa ko. Syempre ambantot din ng bibig ko, amoy suka as in vinegar - kaya sha siguro tinawag na suka dahil amoy vinegar - kaso ala namang mouthwash sa banyo, hanubayan ulet, kaya sinabon ko na lang yung bibig ko. Kung nagkataon nga na may pumasok ng banyo, iisipin nya e nalason ako dahil bumubula ang bibig ko.

Sa lahat ng kapatid ko, peborit ko tong ate ko dito sa New York. Yung ate ko sa Florida, pag andun ka sa bahay nya at kakain kayo, may name tag pa ang pwesto sa hapag, langya, grabe ang method ng kanyang madness, tas kung dun ka matutulog, maaga pa gigisingin ka nya, Everybody, Up, Up, rise and shine, the day is gorgeous, what are you doing inside...Kaya yung nagbabakasyon sa Florida at titigil sa bahay nya, mas pagod pa daw sila coming from vacation than going to. Kasi ga, may itinerary si Ate Florida sa kanila, whether they like it or not, mula umaga hanggang gabi.

Samantalang itong si Ate NY, walang method, puro madness lang meron sha. Walang oras ng pagkain o pagtulog. Kung sakali nga na matulog ka ng tatlong araw, wala syang pakialam basta ba wag ka lang maglalakad ng tulog at siguradong gigisingin ka nya. Kung nagugutom ka, magluto ka o magbungkal kaya ng ref na sangkatutak ang nakaimbak na pagkain, pero kwidaw kalahati ata dun e expired na. Minsan hinahanap ng bayaw ko yung pancit molo sa lalagyang plastic, tanong nung pamangkin kong 12 anyos at bunso nila, Why?, sagot ni bayaw, I'll have to throw it away, tanong ni bunso, Why? Because that's from 3 weeks ago, sagot ni bayaw, Too late, sabi ni bunso, I ate it already.

Kaya eto ako ngayon sa panlimang araw dito sa NY. Maryosep, parang kailan lang ako lumipad patungo dito, pangliumang araw na nalustay na agad.

Sa mga kakilala ko, alam nyo siguro na kaya di ako nakatira dito sa NY kasi hindi ko kaya ang lamig (andito ako ngayon kasi kailangan, tsaka di naman gaano kalamig talaga unlike in past Decembers), at isa pa, respiratorily challenged ako. Meron po akong pinagpipitagang hika. Bata pa ako, allergic na ako sa alikabok, tsaka sa amoy ng katol, sa certain brand ng pabango, at sa sobrang lamig na klima. Meron ngang isang sikat na lotion na di ko talaga kayang sikmurain, at nung isang araw na nakatayo ako sa rampa ng subway at inaantay ang train, may tumabi sa aking babae na suot ang mahabaging lotion. Tinakpan ko na lang ang ilong ko sabay tingin sa ale para at least man lang e maipaalam kong sya ang sanhi ng napipinto kong kamatayan.

Pero setting aside the cold and harsh weather, shempre lab ko ang NY kasi para syang ate ko, madness lang, walang method, pakialam nya ba kung naka Rolls Royce ka, pare pareho lang kayong pipila para bumili ng pretzels sa street vendor.

Tas yung The Producers, hagalpak ako sa kakatawa. Si Tony Danza ang nagre-reprise sa papel na originally ginampanan ni Nathan Lane, at kahit medyo asiwa ako dito ke Tony, natawa pa rin ako. Oks na oks.

O sige, liligpitin ko muna tong underwear ko. Baka kung kanino ko pa mai-fax ito ng di oras.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home