<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Tuesday, December 26, 2006

THE DAY AFTER

Naalala ko yung pelikula nung araw, The Day After, which was about the day after a nuclear explosion. Sagwa naman ata ng comparison ko with the day after Christmas, pero para sa ibang tao, eto ata yung araw na tipong all the sadness in the world begin to sink in.

Very depressing ang atmosphere sa New York, cold and damp, parang London. Nakadungaw ako sa bintana habang sinusulat ko ito, pinagmamasdan ko ang mga kalbong puno at naiisip ko kung nade-depress din ang mga squirrel pag nakikita nilang walang kulay ang paligid bukod sa gray na singkulay ng balahibo nila?

Sa Manhattan, lalo na sa 5th Avenue, pag huminga ka ng malalim, maaamoy mo ang pasko. Nagpapakalat kasi ang mga kapitalista ng hanging-pasko para naman, ahem, legal na legal ka nilang mahoholdap right under your freezing nose.
Naalala ko tuloy tuwing naglilibot ako sa mga blogsites, meron mga wishlist ang mga bloggers at pinangungunahan ng kanilang listahan ang ipod, parang yung mga bata dito sa neighborhoodas na walang bukambibig kindi That's mine iPod, Where's mine iPod, gusto ko sabihin, It's in your ass, kaso lang sasagot nila, But that's an iPot.

Sabi nung isang player ng team na talunan, puro I daw ang alam ng mga kasama nya. Sabi nya sa isang pa-epek na players-only meeting, "There is no I in team", akalain nyo ba namang may sumagot, "But there is me". Kaya ang mga tao, pag Pasko, parang mga "I" players din.

I, me, mine. Hindi nyo ba napapansin na kaya nagiging malungkot ang pasko pag tumatanda ang tao, kasi nawawala na yung "I" experience nya, kumbaga sya ang namimigay, di binibigyan, labo, ibalik nyo ako sa pagkabata.

Sabi nung pari nung minsang Kapaskuhan at nag-assist kay Mother Teresa sa isa nyang proyekto sa Calcutta, may isang Bangladeshi na in the throes of death baga at nakalatag ang katawan sa kutson. Sabi ng naghihingalong Bangladeshi sa pari matapos syang i-annoint, sa buong buhay daw nya, nun lang sya nakaranas humiga sa kutson, dun lang daw nya natikman ang sense of comfort - kulang na lang sabihin nya, Hayy ansarap palang mamatay.

Sa paglalakad ko sa kahabaan ng 5th Avenue, tinitingnan ko yung mga homeless, tapos gusto kong i-gouge yung eye socket ko para maranasan yung sinabi ng pari tungkol sa pagtanaw sa Pasko, sa buhay. Aniya, It's about time we see it with a new pair of eyes.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home