<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Thursday, December 21, 2006

PAKSA: PASKO, PASKIL, PAKSAW, PAKSIW

Nayko, ala dyes pasado na ng gabi, sobra pagod ko, pero di pa rin ako dalawin ng antok. Kumbaga sa bente-uno nabuta na ang antok ko.
Gigising ako ng maagang-maaga kasi kelangan 7:30 nasa airport na ako. Balik akong Nuyok bukas para maki-Pasko sa pamilya, at kung maginarte ako bukas, malamang sa alamang e di ako magising at pag naiwan ako ng eroplano e baka katayin ako ng nanay ko.

Masarap makipasko sa pamilya sa New York kaso lang di kompleto. May mga nagretiro kasi at nagpasyang bumalik na sa Pilipinas; may mga naiwan din sa Pilipinas at di pa makakaalis dahil nakaapak ata ng superglue; may mga nanatili sa Miami; may pumanig sa kainitan ng Carribean; may nanganak sa Norway; may nakipamilya sa Hongkong; at may ibang hindi ko alam kung nasaan, Crispin, Basilio, Basilio, Crispin, anak...

Sa mall kanina, kahit di ka maglakad makararating ka sa pupuntahan mo kung itututok mo lang ang dulo ng paa mo sa pupuntahan mo. Parang timon ng bangka, itutulak ka ng hangin, otherwise known as madlang consumers, at uusad ka na sa direksyong ninais mo. Naghahanap kasi ako ng sweater pamasko na di tataas sa $25.00 (yun kasi ang halaga ng miserableng gift card na natanggap ko), pero anak ng few tah, pinakamurang nakita ko e $85.00, sabi ko hoy hoy hoy, manigas na lang ako sa lamig, jan na kayoh! Tas takbo ako ng Borders para maghagilap ng librong dadalhin ko. After Christmas kasi wala akong balak maglamyerda kaya iistambay na lang ako sa bahay at magbabasa. Inisa-isa ko yung mga libro mula letter A (Alpha by Author), a-ha! pagdating sa Auster, nakita ko yung Brooklyn Follies ni Paul Auster, sa unang page pa lang -

Overture

I was looking for a quiet place to die. Someone recommended Brooklyn, and so the next morning I traveled down there from Westchester to scope out the terrain.

- ayos na kako, tipong may dating (as in may arrive, ika nga ni Betcha by golly wahaw).

Tas nun hanap pa ulet ako, hanap hanap, basa basa, kasi kelangan ng isa pa, kapos ang isa lang.

Ayus, nahagip ko yung My Name is Red ni Orhan Pamuk. Ready na ako sa bakbakan.

Manonood ako ng The Producers sa Broadway sa Sabado, tas may ticket ako sa NY Giants vs. New Orleans Saints sa Meadowlands sa Linggo. Tas sa Lunes e kakain na lang ako ng maraming paksiw na lechon na punong puno ng pampabatang cholesterol. Tapos nun, magbabasa na lang ako ng librong bitbitin, mag-eemail kay Cha et al, at magba-blog hopping. Mapuntahan nga para makipasko sa kabahayan (at kabayanihan) nina

Titorolly
Sachicko
Batjay/Batjet
Angela Solis
Belle
Gwen Bautista
Dennis Aguinaldo (sobra galit mo, bok!)
Jumba Svelterogue
Toni Marikit
JimPar
UZ (Adorasyon ba kamo? Ulul! Anyway, hanep ka pa rin sa galeng.)
KiwiP
Jobert the Great
Schad (where art thou, thou art?)
t kung kani-kanino pa.

Ola. Maligayang Pasko sa lahat. Naantok na ata ako...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home