NY, Day 6
1. wehehe, kay ganda ng ating musika at umagaaaa...para akong si hajji, si hajji baba. Andito pa rin ako sa den, nakadungaw sa bintana, overlooking the woods na hindi ko alam kung saan patungo, nadidinig ko ang ugong ng amtrak train na dumadaan, nakita ko yung isang squirrel na nagtatatakbo at tipong na-confuse dahil akala nya siguro spring na. antaas ng araw at hindi gloomy ang kabayanan.
2. sa aking webmaster, pwede po bang pakipaltan ang template ko. josme, tanggal na lahat ang mga dahon ng punong nililiyag e nagsasa-autumn pa rin tong blog theme. gusto ko po yung winter theme, kung maaari yung may nagiisnow-boarding.
3. sa mga nakaranas magsnow-board, alam nyo siguro kung gaano kahirap ang sport na itow. ala panama ang skiing. first time kong magsnow-board sa stirling forest 20 beses siguro akong lumagapak, pwet down. parang akong myembro ng jackass. and take note, andun pa ako sa bunny hill ng lagay na yun. (tawanan yung mga bata, akala nila nagpapakenkoy lang aku, huhuhu).
4. hanggang ngayon tine-trace ko pa din yung movements ko nung christmas party para malaan ko kung may kagaguhan akong nagawa. ang natatandaan ko, nagpi-piano yung batang koreano tas nung tinanong nya ako kung anong kanta ang gusto kong kantahin (alangan namang tulain, but on second thought, akma siguro yun sa kaso ko). sabi ko, hmmm, kaya mo ba ang tiny dancer? sure, sabi nya, sabay tipa sa piano na pagkalintek-lintek sa galing. E di ako kanta, kanta, para akong si elton john puruntong, at nung natapos, napansin ko na wala palang nakikinig, andun lahat sila sa dining room at nagkakainan dahil yun naman talaga ang ipinunta nila dun, di ba?
5. tas nun bumalik na ako sa panonood ng miami dolphins, new york jets football game. tas nun, foom, paggising ko, narinig ko yung dalawang naghihilik in all their unconscious mayhem.
6. pupunta na lang ako ngayon ng mall kasi gusto kong panoorin yung the good shepherd. sa lincoln center naman palabas yung letters from iwo jima, bale ito yung accompanying film sa flag of our fathers, at idinirehe din ni clint eastwood. bale ito namang iwo jima ang batay sa paningin ng hapon.
7. tinatapos ko yung librong my name is red. yung snow ng author (orhan pamuk) ang aking best book read in 2006, pero malamang mas gusto ko itong red. grabe ang depth of vision nya, ang lawak ng creative range. bawat chapter nung red iba ang narrator. wagi.
8. nabalitaan ko yung kay titorolls, tsaka yung sa pamangkin ni mec. may God be with them, and more so with us.
9. happy new year po sa lahat, sa nawalan at nagkaroon, may peace be in our hearts.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home