HIRAYA
gusto kong manood ng pan's labyrinth kaso lang ang layo ng sinehan, merong malapit pero ang mahal ng parking, parking shit na yan, sabi nga ni rico punas kung sino pa ang mahal mo sya pang nawawala sa yo, pano kaya ito mahal na mahal ko pa naman ang bait ko
yung co-worker ko sa miami na cute at taga chile di kami nagkikita dahil magkaiba kami ng department (tsaka di naman ako lumalabas ng opisina ko kahit lunch hour kasi nagbabaon ako) akalain mo ba namang sa nilaki-laki ng manhattan e dun pa kami nagkita, maryosep! sabi ko, anak ka ng chile, ano ginagawa mo dito?, sabi nya, wala manonood lang ako ng phantom of the opera gusto ko kasi makita yung pagbagsak ng chandelier, ayun bago sya manood (kasama nya yung pinsang nyang saksakan ng bading na magtititili sa tuwing makakakita ng pogi -daw -ayyyy baby daddy! baby daddy!) dinala ko muna sila sa carmine's at ng matikman nila ang pinakamatinding chicken parmesan sa balat ng kokorokokok
kahapon kasama ko nanay ko at pinagmaneho ko dahil may errands daw sya, habang daan nakikinig ako ng bagong cd ni damien rice na nun ko lang pakikinggan, tas si inay naman e humuhuni-huni lang na parang ibon, e di ayus kako, sinasabayan nya yung kanta ni damien rice, lalala ganda ng 1st track na 9 crimes, tas nung pagdating sa sa ika-apat ata na track bigla ba namang sumigaw si damien rice, fucckk yooouuu! fuccckk yyyooouuu! nagulantang ang nanay ko, sabi nya, ano daw?, sagot ko, ewan ko po di ko po naintindihan po, tas nun pinatay ko na ang cd player, sinabi ko na lang sa sarili ko, f you 2 damien kanin, huling pakikinig ko na sa yo yun gago kah
nabasa ko minsan yung quote kay pascal na ang tao day ay binubuo ng dalawang abyss: infinity and nothingness, ahehe, naisip ko tuloy, aba e lahat pala tayo pointing man (basahin nyo na lang po yung post ko sa baba), pero may koneksyon din kaya to dun sa tukoy ni w. szymbroska sa tula nyang "tortures" kung saan ang bawat stanza ay pinangungunahan ng linyang -
"nothing has changed"
pero tapos nun kung ano-anong ebolusyon na ng buhay at kalikasan ang binabanggit nya, hanggang sa dumating sa punto na para kang nakatanaw sa takbo ng buhay from atop, at a distance (yung para kang satellite) at tipong hinuha mo teka teka teka pabagu-bago nga tayo pero pero pero paikot ikot ikot ikot lang ang lahat lahat...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home