LIGTA, LIGTAS
Hirap ng tumatanda, nagiging makakalimutin na ako. Grabe as in. Grabe as out. Malimit sa opisina nangyayari na tatayo ako para may iretrieve sa cabinet. Pagbukas ng cabinet, di ko na matandaan kung ano yung kukunin ko. Shet sa pwet na malabnaw, oo. Minsan nga hanap ako ng hanap nung salamin ko, di ko makita, yumpala kaya di ko makita e suot ko. Tas yung cellphone naman andalas kong maiwan sa opisina, pagdating sa opisina kinabukasan, hayos, 20 missed calls na ang lintek. Eto malala, di ko makita yung cellphone sa bahay e sigurado akong di ko naiwan sa opisina. Nasisira na ulo ko (actually e sira na sya nung bata pa ako, binuo lang uli ng panahon) pero di ko pa rin matagpuan. Ginawa ko, tinawagan ko yung number. Nagulantang ako nung kumililing yung bulsa ko.
Tas eto ngayon, nakalmutan ko na may blog pala ako, mariosef, buti na lang di nyo napansin kasi di rin naman kayo nagpupunta dito e.
Minsan lang, nakakatamad talaga magsulat. Nung araw nga sa Pilipinas at me column ako sa isang national magazine, asiwa sa akin yung editor ko kasi linggo-linggo na lang e tatawagan nya ako para i-submit yung article. Minsan pinressure nya ako ng magbuo na raw ng bank - o pondo - ng maraming articles para hindi na nya ako aalipustahin lingg-linggo at marami pa syang ibang dapat pagkaabalahan. E minsan naiirita na rin ako sa pagtawag nya, pero parang antamad ko minsan magsulat. Kasi naman sa lahat ng bagay na kinatatamaran ko, nangunguna na yung pag-iisip.
Ang nagpapa-motivate na nga lang sa akin nun na ituloy yung pagsusulat e ang fan mails (ahem, sakit lalamunan ko). Sabi pa nung idiotor e #2 daw sa popularity yung kolum ko, sagot ko na nga lang sa kanya e, Sobra ka, bat di #1?
Minsan me sumulat sa akin na isang 12 taong gulang na batang taga-Sorsogon. Sabi ko, wahaw, nakakarating pala yung (ku)mag-azine namin dun. Siguraduhin ko daw na sagutin yung sulat, sabi ni idiotor. E di sinulatan ko yung bata. Na-overwhelm siguro ang gaga, di na sumulat ulet. Tas may isa naman na taga-Pangasinan, sumulat din, ihanap ko daw sya ng trabaho. Lintek, ano akala nya sa column ko, classified ads?
And going back to katamaran, parang ganun din ngayon. Pag napa-hiatus ka naman talaga oo, ang hirap bumalik at i-retain ang momentum monumentum. Ang nagpapa-motivate na nga lang sa akin e mahal ko kayo, hehehe, baka nga isa sa inyo jan e yung batang taga-Sorsogon. Wehehe, e di malaki ka na ngayon, wehehe ulet.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home