<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Tuesday, March 28, 2006

ISANG MALUWALHATING PAGSILANG NITONG MIAMI STATE OF MIND

Paunang Habi:

May 4 na magkakasama ang bumabiyahe patungo kung saan. Ang 4 na ugok na lulan ng isang kotse ay: isang taga-Iowa, isang taga-Idaho, isang taga-Miami, at isang taga New York.

Habang tumatakbo sila sa medyo karag-karag na kotse, ginulantang sila ng isang kasama dahil binalibang nito sa bintana ang isang sakong mais.

Nakupo sayang ang mais, ba't mo ginawa yun?, tanong ng mga kasama nya. Sagot naman sya, Wag kayong mag-alala at ubod ng dami ang mais namin sa Iowa.

Maya-maya dahil parang hirap pa rin tumakbo ang kotse, binalibang naman nung isang ugok ang isang sakong patatas. Wha!, pasigaw ng mga kasama nya, Ba't mo ginawa yun, ha?, ha?, ano pa ang ipampe french fries natin?. Wag kayong mag-alala, pagpakalma nya, Napakaraming patatas sa amin sa Idaho.

Habang tuloy pa rin ang takbo nila sa kanilang tumitigok na kotse, bigla ba namang tinadyakan nung taga-Miami ang taga-New York at tumilapon ito sa kalsada. Wha!, sigaw nung mga kasama nya. Ba't mo ginawa yun sa sosi nating kasama?

OK lang yun, sabi nya. Napakarami namang New Yorker sa amin sa Miami eh.

And on this note, sisimulan natin ang isang kabanata.

Sunday, March 26, 2006

SPRING IS NEVER WAITING FOR US, GIRL...

ika nga nung sira-ulong kumanta ng McArthur's Park. Kung si Gen. Douglas McArthur siguro ay buhay pa palagay ko sasabihin nya, I shall return...this song to its source. Pero spring na nga, ang kukulit na kasi nung mga bubwit na robin na nakatira sa punong tapat ng unit ko. Kanta sila ng kanta pero simple lang yung lyrics nila, twit twit twiiit, twit, twit, twiiiit, ganun lang, para silang mga sirang plaka, siguro yung nagcompose ng twit twit song nila at nung McArthur's Park e iisa.

Pero biglang lumamig dito sa South Florida kahapon, tuloy ang pagbaba ng temperature hanggang ngayon, kaya nung andun ako sa Nasdaq Open sa Key Biscayne kahapon nangangatog ang baba ko, para akong may parkinsons of the chin, pag naglagay ka nga ng buong bawang sa pagitan ng upper and lower teeth ko e magpapara syang ginayat na bawang. Bawang: it's terrific for your health, terrible for your breath. Kaya kayong mahilig kay Boy Bawang...

Sa Nasdaq Open kahapon, naghalihaw na naman ang mga tao. Ang gara kasi, mura lang ang entrance, tas may shuttle pa, tas ang mga tao tsaka mga celebrity players, naghahalu-halo lang, kung me dala lang akong raketa ng tennis baka sakaling me magpapirma sa akin dun e. Yun nga lang baka ang ibigay sa aking ballpen e yun bang nagtatae...

Naalala ko last year, nakapila ako sa booth ng Starbucks, tas yung nasa harap ko, huwaw, ang gandang chiching, winsome baby, parang tipong Dido at Connie Angeles ang dating nya kaya umiral na naman ang mapanghimasok kong puso. Tinaas ko yung cellphone ko tas tinapat ko sa kanya tas kunyari nagtetext ako pero kinunan ko na sya ng litrato. Medyo buko ang kapablingan ko pero ngumiti lang sya na sintamis ng splenda, yun namang utol ko panay ang senyas sa akin tas tinuturo yung chiching, ako naman, Ha?, Ha?, kasi hindi naman ako marunong mag lip read, tas di rin ako marunong magbasa ng senyas, isa pa ambaba ng low i.q. ko.

Nung dinala ko na yung kape ke utol, sabi nya, Wow man, nakunan mo ba? Sabi ko Oo, o eto, tingnan mo. Pagtingin namin sa cellphone, wala naman yung litrato dun, di namin madonload, di yata pumasok (sabi naman sa inyo ambobo ko eh). Man!!, sabi ni utol, sayang yung kuha mo. Bakeet, sino ba yun? Si Myrka, sabi nya. Syota ni Federer.

Tas kahapon, si utol, lintek talaga sa kapablingan din, mana sa kuya nya. Hinanting si Maria Kirilenko ng Russia. Ayun nachempuhan namin sa Court 1, kalaban si Vania King. Walang sinabi si Sharapova't Kuornikova sa isang to, pramis. Wahaw. Sabi nga ni utol, payag na raw syang ma-concentration camp sa Siberia para sa isang ito. Sabi ko sa kanya, Tol, magkasya ka na lang kay Martina. Hingis?, tanong nya. Sabi ko, Hindi. Navratilova.

Tas deretso kami sa Grandstand. Bigat, me Grandstand Pass pa kami na parang mga Press (sabagay tipong Perma Press naman ang mga mukha namin), andun kami sa end line, sa ika-apat na row, inakupu day, pag nagserve yung nasa kabila pakiramdam ko ba e derecho sa akin ang bola. Naabutan namin si Tursunov ng Russia habang pinaglalaruan si Juan Carlos Ferrero ng Spain. Tapos nun, si Grossjean ng France habang binurat-burat si Feliciano Lopez ng Espanya, hasta la vista kang bata kah, baby! Tas nun, eto na ang pinaka-aantay namin, si James Blake laban ke Carlos Berlocq ng Argentina.

Si Blake ang hottest man on tour ngayon nsa US. Hanep sa dating tong isang to, brains and brawn. Harvard guy kasi, tas cool na cool parang assassin. Nung tinambakan nya na ang oposisyon, grabe sa papirma ang mga batang pasaway. Mahiyang may gauntlet. Pero pinirmahan ni Blake bawat isang request.

Sana nag-pro na lang ako. Pipirmahan ko din lahat ng nagrequest ng pirma. Nagtatae man yung ballpen o hinde. Pramis.

Kaso lang, umaatake na naman ang back spasm ko. Makapagbasa ng nga lang ng libro. Complete Stories of Isaac Babel. Wahaw, Russian, man...anong panama ng Kirilenko mo, ha? ha?

Tuesday, March 21, 2006

THERE ARE 4 WAYS TO ASK THE PREVIOUS...

1. Did you miss me?
2. Did you miss me?
3. Did you miss me? or
4. Did you miss me?

and THERE ARE 4 WAYS TO INTERPRET YOUR HYPOTHETICAL YES

which I will explain later.

Monday, March 20, 2006

HONEST . . .


Did you miss me?