<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, June 24, 2005

PARA SA MGA NAGING BATA, ISIP-BATA, PUSONG BATA, O LUMABAN SA BATA(AN): mga makabagbag-damdaming tanong galing sa Lola kong ninenok ng panahon!

1. Sa anong titulo ng libro kinopya ng Student Canteen and pangalan ng kanilang quiz contest segment na I.Q. VII?

2. Sinong yumaong singer ang kumanta ng I Do Love You (opo, nung nabubuhay pa sya) na parang ganto ang dating: a..hay do lavyu, a..hay rihli du..hu...at parang lumalabas sa ilong?

3. Ano ang pangalan ng manika nina Nora Aunor at Manny de Leon na maliit lang ng konti kay La Aunor?

4. Sinong komedyante ang kapatid ni Etang Discher?

5. Sinong comics writer and sumulat ng isinapelikulang Villa Miranda?

6. Sino sa inyo ang nakainom na ng Canada Dry? Ng Ideal? Ng RC Cola?

7. Anong popular brands ang naging generic references sa mga produktong ito? a) sanitary napkin b) refrigerator c) toothpaste d) mini-bus.

8. Sinong artistang babae ang lead sa drama anthology Elisa?

9. Sa pelikulang Kung Mangarap Ka't Magising nina Christopher de Leon/Hilda Koronel, anong klase ng ice cream ang hinahanap nina Danny Javier at Buboy Garovillo sa canteen?

10. Ano ang ibig sabihin/o signipikasyon ng AKO, o Alpha Kappa Omega, dun sa pelikulang Batch '81 ni Mike de Leon?

11. Ano ang malaki kay a) Apeng Daldal b) Doro delos Ojos c) Babalu c) Ben David d) Dolphy?

12. Ano ang mas mabilis maglakad, centipede o millipede?

13. Sinong tomboy na 1st quarter storm activist galing Lyceum ang nagtransform into an achuchu gossip writer?

14. Ano mas cute, Kabataang Makabayan o Kabataang Baranggay?

15. Ano meron ang sitaw na wala ang bataw?

16. Ano ang sikat na mantra sa radyo DZRJ ng popular na dj at utol ni bj na si Howlin' Dave?

17. Sino sina The Bug, Bambi Fonacier, Bob Magoo, at Vince St. Price?

18. Sa tanong #6, alin ang sarsaparilla?

19. Maitim ba ang tinta ni Tia Pusit?

20. Pag tumalon ako from the 3-point arc at lumipad patungong ring at dinakdak ko ang bola, swak!, ilan ang dapat na points ko, 2 o 3?

21. Sinong player ng MICAA ang unang nagsuot ng itim na sapatos?

22. Magbigay ng pangalan ng PBA player na naging: a) mayor b) congressman c) abogado d) doktor e) pari f) babae.

23. Totoo ba na ang ibig sabihin ng "pogi" ay peklat ng aso?

24. Meron bang PBA players na ganto ang pangalan?: a) Catacutan b) Cabading c) Carampot d) Cansusuit?

25. Anong pelikula ni Bembol Roco at Vilma Santos ang may matinding dialogue na ganto at dapat ay nanalo ng Best Screenwriting Award: (Bembol to Vi) "Minahal mo ako, minahal kita, Sinaktan mo ako, sasaktan din kita. (Pak!, sabay sampal).

26. Gaano katagal dapat pakuluan ang kangkong pag nagluluto ng sinigang?

27. Sinong tv host ang mahilig magsabi ng "Tik it awi"?

28. Kung merong 3 sabungan na sa bawat pagpasok at paglabas ay magbabayad ka ng PHP 3.00, at itinaya mo ang lahat ng pera mo sa 3 sabungan at panalo lahat, at paglabas mo ng ikatlong sabungan e wala ka kahit singko - magkano ang perang dala mo nung pagpasok mo sa unang sabungan?

29. What is the color of the White House?

30. Who is buried in Thomas Jefferson's grave?

Saturday, June 18, 2005

DUGTONG-BULUTONG ATBPNG KONEKSYON SA MGA BUMIBIGHANI NG BALAT

eto na naman ako
parang tauhan
sa isang drama ni Beckett
ninanais bigyang-saysay
ang mga walang saysay
ninanais ipahayag
ang di-maipahayag

Kita kami ni David na investment banker nung Saturday Retreat, tas inulit nya ulet ang koro na spiritwalidad daw ang pinakamakabuluhang investment. Si David ang roommate ko nung unang Retreat ko last January, tulog na lahat pero kami gising pa hanggang madaling araw kasi nagyayak-yak-yak kami tungkol sa Creation, sabi ko hindi naman taliwas ang esensya ng Biblical concept of creation sa siyensya ni Charles Darwin; paliwanag nya, labo daw ni Darwin, kulang na lang sabihing si Darwin mismo ang diablo. Har, as in mismo vaga! Ayun, ituloy daw namin ang debate dahil binak-up-an sya nung isang libro na ang author e lumabas pa yata sa Fox tv show Faith Under Fire...

Pag-uwi ko ng bahay, may t-shirt na naka-plastic pa mandin (as in brand new)sa kama ko...hmmm, san kaya galing, nilabas ko si tee sa kulungang plastic at niladlad, nakow, piniritong bulalakaw naman o, anubang koinsidente to, nakaprint dun sa t-shirt "Charles Darwin Research Station, Galapagos, Ecuador" tas me drawing ng isang Galapagos tortoise. Sabi ni utol e bigay daw nung kapitbahay na mahilig sa pagong. Padalhan mo kaya ng isang timbang tortol soup in gratitude, sabi ko kay utol. Bunghalit ng bungisngis si utol in his typical halimaw fashion. Dapat siguro tawag dun sa tawa nya e hangisngis.

Pagsapit ng hapon, punta naman ako sa Border's, syempre papogi ako, suot ko yung bagong t-shirt, tas nakakita ako ng bakanteng mesa na me libro pero tipong inabandona na ng nagbabasa ang mesa, e di upo ako, tas, hanubayan ulet, alam mo kung ano yung title nung libro na iniwan sa mesa? Madame Bovary's Ovaries, A Darwinian Look At Literature. Pinakikita nung mga sumulat ang koneksyon (koneksyon daw o) ng Panitikan sa Ebolusyon.

Sabi sa libro, Put up a mirror against another mirror and you'll find an infinite emptiness of mirrors. Ano kaya kung ganto, Put up this book with another copy of this book and you'll find an infinite emptiness of books.

Speaking of ovaries, meron akong kaklase nung college, si Paul (na nag-evolve from Pol, sya kasi si Policarpio, taena) na tinawag nung prof dahil tulog yata sa klase, Mr. R, how many ovaries do you have?, pasigaw na tanong ni Profesor X, Uh, 2 sir, sagot ni Paul na medyo naalimpungatan, e di hangisngis ang buong klase na pinamumugaran ng mga halimaws, namula ang muka ni Paul sa kahihiyang tinamasa, tas in a good snappy soldier-like attitude, inayos ayos nya ang muka nya pati buhok na parang si Chiquito, tas sabi matapos iklaro ang lalamunan, Uhrmm, I'm really sorry sir, I stand corrected, I only have 1, sir.

Kung meron ka kayang bulutong, ano't pagdugtung-dugtungin mo ang bulutong dots upang alamin ang hugis na lalabas? Wag mo lang didiinan ang bolpen baka dugo ang lumabas, eww gwows...

Nung neophyte ako sa frat nung college, ginawa ang initiation namin sa isang liblib na barrio sa Batangas kung saan brod namin ang Mayor that time, eswes, kaming 12 bibitayin na neophytes e dun sa munisipyo natulog at bantay kami ng mga pulis (para siguro hindi makatakas ang gustong mag-quit). Nung gabi na at tulog ang lahat, may isang Master (si Enteng, tandang-tanda kitang hayup kah, muka kang demonyo sa pananaw ko noon) na nakahiga na rin na hindi siguro mapagkatulog at inip na inip ng mambugbog (kinabukasan kasi ng umaga gagawin ang hazingzingan) ang nagsalta ng malakas na parang wather forecaster na ikinagising ng lahat -

"Ang panahon bukas: May pabugo-bugsong suntok at may kasamang malalakas na tadyak. Sa gawing kanluran ninyo ay makararanas kayo ng makulimlin na balat!"

Tawanan lahat, kaibang-kaiba sa emosyon kinabukasan kung saan balde-baldeng luha at uhog at likido ang tumagos sa lahat ng butas namin...

Haynako, buhay-kulisap to, oo, nagising ba naman ako ngayon ng 9:14 n.u. na, ni minsan sa buong buhay ko, ngayon lang ata ako nagising ng ganto katanghali, kahit sa Pinas noon, summer, week-end, tag-bagyo, in vacation, never na nagising ako ng tanghali na, asus, parang andumi-dumi tuloy ng pakiramdam ko sa sarili ko, parang gusto ko tuloy tumalon sa isang ilog at linisin ang aking kaluluwa kaso lang baka ang matalunan ko e isang kanal na nagpapanggap na ilog...

parang sabi ni Carlo Levi
sa intro kay Tristram Shandy
nagtatago ang kamatayan sa orasan
ang kamatayan - ito ang oras
oras ng pagbubuklod, oras ng pagbubukod,
ito ang abstraktong oras na nagpapagulong-gulong
patungo sa katapusan

Takbo ako papuntang Starbucks, malapit lang ang Starbs (term ni Freud yan, ha, tas yung bakasyon daw e vacay...) mga 5 minutong takbuhin lang, bumili ako ng isang grande reg coff (o ayan, tamang Freud na ako) tsaka bluberry scone, snackalulusog, tapos naispatan ko sa counter yung binebentang cd ni Alanis Morisette, Jagged Little Pill acoustic, in celebration of the 10th yr anniversary of this historic cd. Syempre, si Alanis ang paborito kong songwriter, minsan nga gusto kong ilagay sa greetings ko sa cellphone e -

i'm broke but i'm happy
i'm poor but i'm kind
i'm short but i'm healthy, yeah
so just leave me a message
cos i'm lost but i'm hopeful, baby!

Ayun, binili ko si cd at patakbo akong umuwi ng bahay, mas mabilis na kesa dun sa pa-Starbs pa lang ako, tas nung pagdating sa bahay pinatugtog ko si cd ng makailang ulit makailang ulit makailang ulit, sa sobrang saya't kulit ko e binuksan ko si pc at naisip na magblog dahil alam kong nag-aantay kayo kasi wala kayong magawang mabuti, pag log-on ko, asus, dun ko naalala yung binili kong kape tsaka scone, leche plan, naiwan ko sa starbs, starbukong buhay to!

Andalas kong magkaron ng bungang-araw nung bata ako, tas sasabihin ni Inang, Hoy, wag mong ikiskis yang likod mo sa pader, Ang katiiii poooww, Inaaang, kamutin mo poooowww, sigaw ko naman na parang kinakatay na biik, Maligo ka at pagkatapos e bubudburan ko ng J&J pulbos. E syempre ayokong maligo, hydrophobic ako nung bata ako (pwera na lang kung maliligo sa ulan o magtatampisaw sa ilog) na parang nakagat ng asong uyoy, ayun ang nangyari, bukod sa amoy aso ako, arf-arf-arf, angkati pa ng likod ko powww Inaaanng, aw-aw-awww...

sa pakikipagrelasyon ng isa sa kanyang sarili
sino sa kanila ang dayuhan?
kung alisin ako sa aking sarili
sino sa amin ang magmimistulang hubad?

haynako, kug ako ang magmimistulang hubad e malalaan nyong anlaki ng tyan ko. dati 32 bewang ko, ngayon 34 na, grabe, dala ko ang bola ng mundo, siguro kung me kasama akong babae sasabihin ba e, Honeybunny, o kumain ka na, alam ko mahilig kang kumain, eto pinaghanda kita ng paborito mong Iams, sige habang ninanamnam mo ito e kakamutin ko ang tyan mo...Ay sarap, meeoooww.

---------------

nais ko nga po palang batiin aking kaibigang butihin dito sa net, si g. jobert v ng b, world famous po yan, sa pinas man o sa world of warcraft, pwedeng artista di lang dahil sa pogi kundi dahil ma-intense, present man o past intense, pero malakas ang sense of future dahil futuristic ang likaw ng artistic bituka nya, mabait na ama, tulog man o di gising (har), handang lumipad at alalayan ang sister-nya-in-distress na si cha b, fantastic writer, minimalist ang dating pero anlakas ng twang, as in twanggg, sapol lagi ang mga umiilag, and so without further ado(bo), una po ay ngiti ^_^, pangalawa'y pagbati, in behalf of charles darwin and the british band, the turtles, happy birthday po bos!

Saturday, June 04, 2005

JUST ANOTHER SATURDAY

Or is it?

(Naalala ko nung batang batang bata pa ako, napanood ko sa tv si Bert Tawa Marcelo habang nagkukwento ng unang karanasan nya sa stage. Ang linya daw nya e isang pagkasimple-simpleng "It is!" bilang sagot sa tanong ng kaeksenang "Is it coming?" Nung actual presentation ng play, panay ang sabi nya sa sarili, It is, it is, it is, upang maging second nature na baga ang linya at mahiyang napakarupok ng memorya niya para di maaalala ang maikling dialogue. Pagdating sa eksena nya, tanong nung actor, "Is it coming?", sagot naman ng biglang nadis-orient na si Bert, "Is it?")

No, it is not.

Paggising ko kasi ng 6:30 a.m. hangos na ako sa labas para mag-jogging at mukang uulan. Usually 7:00 ang gising ko ng Sabado, tapos marami pang ritwal de ek-ek, kesyo 100 push ups muna, check ng e-mails, basa ng dyaryo, dilig ng halaman, samsam ng mga damit na lalabhan, prepare ng listahan ng pang-grocery, tingin sa reading list, linis ng unit, scrub to death ng kubetat, review sa nilalaman ng ref at aalamin kung ano ang dapat itapon na mukang matagal nang naninirahan doon (lintek! ano bang dressing ito? expiry date: 02/04! asus, kaya pala ganun ang lasa ng salad, parang me vinaigrette, namfutcha ka talagang kiwipinay ka, oo, bat ba ang cute2 mo magsalita!)

Pero ngayon, ha hewan, makapagjogging na nga lang.

Marami-rami na din ang naglalakad-takbo sa paligid ng lawa, pulos mga Gollum, iba-ibang kulay nga lang, iba-ibang trip, parang utot na iba-ibang hugis, yung iba siguro sabi lang e, I'm here just to get out of my neighborhoodas, yung iba namang matalim maningin, siguro gustong sabihin, You people get outta here, this place is mine!

Me nakawalkman, me nagchichikahan na continuation siguro ng chikahan nila sa cocktail kagabi, yung isa naman mukang seryoso masyado na parang myembro ng imperial army nung ww2, sasabayan ko sana ng kanta, May bayneta ka pa (Uy!), may samurai pa man din (Uy!), yun namang isang kana e nag-eemote, umiiyak-iyak ang bruha, kadi-divorce lang siguro at naluluha sa tuwa, pwede nang ituloy yung naunsyaming rendezvous nila ng kanyang divorce lawyer, pero yung karamihan sa kanila habang tumatakbo e nagsasaltang mag-isa. (Dun sa Zits comic strip, pinanonood ng magkaibigang Jeremy at Pierce ang mga dumadaan at nagkokontess sila sa mga nagsasaltang mag-isa: "Wireless headset or off her meds?")

Malaking blessing ang bluetooth (o kahit anong hands-off feature ng cellphone) sa mga weng-weng, di mo na madidistinguish ngayon kung sino ang naga-talking to oneself or to others. Pag ako yumaman ibibili ko ng bluetooth ang lahat ng me topak para lubayan na sila ng mga batang tulad nung sa Zits. Pero teka lang, asan na ba ako...?

Habang nagpapaikot-ikot ako sa paligid ng man-made lake at nagmamasid-masid ng mga patong nagtatampisaw at nagpapasalamat na hindi sila taga-Beijing as otherwise e garantisadong peking duck sila, naalala ko yung linya sa tulang Earth & Sky ni Vikram Seth -

How shall I go where I should go?
How may I see the I that's me?

- kaya tinanong ko ang sarili ko, saan ba talaga patungo itong buhay ko, clockwise ba o counterclockwise ang dapat na direksyon ko dito sa oval na to? Tas, sa pananalamin ko sa kalmado't malinaw na tubig ng lawa, nakita ko ang repleksyon ko, Ah, Narsiso, di ka pa rin nagbabago, pongit ka pa rin, sabay tanong, Pano ko makikita ang sarili ko sa akin? sabay kanta ng "You and I collide" na kunyari e si Howie Day...Ahhh, ang lalim, ang lalim lalim, ang lalim lalim lalim ng lawa baka ako mahulog e malaking disgrasha...

Tapos ba e naalala ko yung panaginip ko. Kasama ko daw si Alison Lohman, sabi ko sa kanya, Halika nga dito, upo ka sa kandungan ko, tas sagot naman nya, Ay ayoko nga, ano ako, Kandong Queen?

O di ba kakaiba ang Sabado ko, Alyson Lohmang nagtatagalog, o baka naman gusto mong makita ang sarili mo sa yo at mag-Naykupo ka pa jan!