<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Wednesday, April 15, 2009

alang bolahan

nung Christmas party namin last year sa departamento ng mga insekto, bukod sa kainan at tsismisan ay meron pang pa-raffle chuvachuchu. 20 kami sa department, 5 ang premyos. ang tanong: ilang katao ang babalik sa kanilang desks ng luhaan?

katabi ko sa hapag yung analyst namin na si d. habang ngumangasab kami ng pasta, sabi nya sa akin, alam mo, c, lumaki ng konti ang tsansa mong manalo. hindi kasi ako nananalo sa mga pa-raffle e, sambit nya.

tinawag ang mga tikets, pareho kaming buta. story of my life, sabi ni d. the only time my name was called in a raffle - dagdag nya - the rule was different: whoever was called was out.

how about me, what's the story of my life? uhm, eto, 2 weeks ago may pa-raffle ulit, pero open na sa buong kompanya. bili ako ng 20 tickets na $.50 isa - ika nga spend money for the cause. nung pagpasok ko ng Lunes, tawag ang HR. c, you got the first prize.

wohow.

eto yung 1st prize, simple lang, tumatalbog-talbog.

Spalding official NBA basketball. pirmado lang naman ng buong Miami Heat.

o, sino gusto one-on-one?








Sunday, April 05, 2009

heaven is a place called key biscayne


















































































































ayoss, di ko alam kung pangilang anibersaryo na ng punta naming ni kumag-utol sa key biscayne para manood ng sony-ericsson (na tawag dati ay lipton open, na naging nasdaq 1000, pero ang dapat talaga sa kanya ay key biscayne open). ayann, kinodak (or accurately, ikinoolpix) ko lahat ang mga litratos na yan. isa-isahin natin:

1. pagdating namin nung byernes, 27 de marso (di ako pumasok sa opis, tsura lang), takbo agad kami sa practice court. kita namin dun si sania cutie pie mirza, haynaku, mahabaging chicken tandoori, napaka-cute na bata. dun sa kabilang practice court, kita nyo ba yung nakapulang t-shirt, si gael monfils ng france.

2. unang laro na napanood namin nung byernes ay safin vs hernandez (di ko kilala tong kumag na to, pero may pagka-masokista kasi hinahalibas nya yung bola sa dibdib nya tuwing may unforced error). ngapala, yung kumag sa kanan na naka-cap, si toch yan, utol ko. magaling mag-tennis yan, tsaka mas pogi sa akin.

3. si james going through the motion blake. haynako, ewan ko ba.

4. gilles simon, number 7 in the world. matapos nyang paglaruan si lleyton hewitt, binato nya yung nangangalingasaw nyang twalya sa crowd. ang nakadampot ay teenager na pilipina.

5. paboritong player ni utol, si david nalbandian ng argentina. talo naman, kahit panay ang hiyaw ng mga argentinians sa grandstand, vamo davi!

6. john isner serving against david ferrer. si ferrer ng spain, 5'9. si isner ng usa, 6'9. david ang goliath ang laban. pareho din ang resulta, splondeng si goliath, nagmukang tanga!

7. nakatalikod sa camera (mga bastos, humarap kayo!) sina julien benneteau at jo wilfred tsonga ng france, laban kina daniel nestor (ngaba) at tsaka ewan ko kung sino. papasok sana kami para manood sa court 1, kaso dumaan sa likod namin si gilles simon, hinarang ni utol at kinausap ng french, ayun kinunan ko sila ng litrato, kunyari friends sila.

8. juan martin del potro ng argentina. parang si lastikman ang pagkakabaluktot ng katawan habang nagseserve kay vasallo-arguello ng argentina din. vamo del po!