SONY ERICSSON OPEN: ADVANTAGE, cbs
Dateline: Key Biscayne
March 29, 2008
Wala pang 9:00am bumabyahe na kami ni bunsong utol patungo rito sa Village of Key Biscayne para sa annual tournament na tinaguriang 5th grand slam. Papasok pa lang kami sa Rickenbacker Causeway traffic na, parang Quiapo minus the talampunay vendors na naglipana sa kalye.
"Anong court ba ang pagtutuunan natin ng pansin?", tanong ko kay utol, habang pababa na kami ng tulay at nagmamasid sa mga naliligong tao't aso sa Biscayne Bay. Tinutukoy ko yung iba't-ibang courts sa Crandon Park kung saan ginagawa ang Sony Errickson (double r ba o double s? Care ko ba!) dahil sabay-sabay ang laro laluna pag opening weekend at nasa early rounds pa lang ang torneo. Kung simultaneous ang schedule na laro ng dalawang idolo mo sa magkaibang courts, kailangan maging bampira ka, tapos kailangan may mata din yung lower half mo.
"Sa Court 1 ang Bryan Brothers vs. Nadal/Robredo", sabi ni utol, "kaso di maguumpisa ang laro before 3 pm". "E di tambay muna tayo sa ibang courts", sabi ko, gusto ko kasi mapanood si Tipsarevic dahil yung running/hopping backhand na inimbento yata ni Safin e madalas gawin ni Tipsa. E tipo kong gayahin kaya ivivideo ko, tas nun irereplay ko ng slo mo pag-uwi sa bahay. Brilliant!
May time kaming manood sa Grandstand bago manood sa Court 1 kaso gusto ni Utol bago mag-alas tres e nakapila na kami sa Court 1. Tanong ko nga -
Ba't naman?
E syempre tiyak andaming tao dun, kelangan makauna tayo ng upuan.
Mga anong oras bale?
Mga ala una.
lol. Alas tres ang aabangan natin, gusto mo ala-una andun na tayo? Pilipino ka ba?
Engot, syempre me larong iba bago sina Rafa.
Sino maglalaro?
Si Chakvetadze.
Si Chakvewhat?!
Chakvetadze. Maganda yun. Malamlam ang mata, parang umiiyak-iyak.
Ako man, iiyak din pag ang pangalan ko Chakvetadze.
Tado, apelyido yun. Pangalan nya Ana.
Nakow, mas lalo ako iiyak kung ipinangalan sa akin ni Ama e Anna.
Gago ka talaga!
*******
Maaga kami nakarating sa Crandon Park. Andaming tao, tas sa gate may lumapit na chiching na parang supermodel.
Parang supermodel: Can I take your picture, please?
Ako: As long as I can take yours, too, sure.
Parang supermodel: Ahaha (pilit na tawa). This is a promo for Fila. C'mon, guys, stand over there, that's a nice background.
Ako at si Kumag: mmmmm (pilit na smile)
(break-in news: natanggap ko ang email ng picture. gusto nyo makita? wag na lang, muka kaming tanga.)
******
Maaga pa kaya dumeretso muna kami sa practice courts. May open restaurant sa harap at masarap magnilay-nilay ng omelette habang nakikita mo silang naghahatawan (yung mga players, hindi yung omelette). Natumbok ng pananaw ni utol si Vaidisova, papalabas na ng court. Nayko, ang taas nya, 6 footer siguro. Tayo ako sabay lapit para kunan ng litrato. Nakow, inisnab ako. May lumapit na batang nagpapapirma, binale-wala, ginawang engot (ang actual tally e dalawa kaming ginawang engot.)
*****
Hayup ang Tipsarevic/Verdasco match. Hayup din sa init ang araw. Nagkutis magsasaka na naman ako...
(to the tune of magtanim ay di biro:
manood ng tennis ay di biro
maghapong nakaupo
di naman makatayo
may aagaw kasi ng upuan mo!)
*****
Matapos naming kumain sa Market Place (open tent restaurant, grilled mahi-mahi sa akin, fish n' chips kay utol, actually ako umubos ng chips nya, nya-a-a, at tig-isang malaking baso ng heineken) deretso na kami sa court 1. Ang haba ng pila. Sa likod ko, narinig ko may nagtatagalog na babae. "Mommy, mapapanood ko si Rafa, ayyy!!" Gagaguhin ko sana, Miss, sa court 2 ang laro ni Rafa, hindi dito - kaso naisip ko ang karma kaya sa halip ay lumingon na lang ako ng patay-malisya sabay ngiti, pero di pa man ako nagsasalita sabi niya agad, "Kuya, napanood mo na ba si Rafa"? Bat ganun, tanong ko sa sarili, alam nya agad na Tagalog ako, tas alam din nya na mas matanda ako sa kanya. Sasagot ko sana, Manang Biday Ilukat Mo Man, Takitaem toy kinayawan?!)
*****
Nung nasa loob na kami ng court 1 at kampanteng nakaupo sa unang row, palakpakan ang mga tao pagpasok ng dalawang babaeng players. Nauuna si Chakvetadze. Wahaw cutie pie, kilala ko nga sya sa mukha, sabi ko kay utol. Maganda nga sya, pensive eyes, gaya nung isang babaeng hanube...Tas mayamaya dumating yung opponent nya, teka, teka, kilala ko to, sabi ko kay utol.
Utol: Tamira Paszek, ayun, nakasulat sa scoreboard.
Ako: Tamira...Syet, kilala ko yan!!! napanood ko sa tv last year, semis yata yun, kalaban ata si Peer!!! Yeheeyyy!!! Panalooooooooooooooo!!!
********
Pasado alas-tres. Una munang pumasok si Rafa, hiyawan ang tao.
Kagulo nung pumasok ang Bryan Brothers. Sabi ko kay utol, kanino ba tayo? Parehong sinakop ang Pilipinas ng Espanya at Amerika, kaya di malaan ng Pinoy kung kanino talaga sya panig. Kay Paszek na lang ako, kahit mejo malaki ang tyan nya, wehehe...
Bawat play, hiyawan ang mga tao. Parang Davis Cup ang ambience. May isang rally na sobrang haba, tas yung tira ni Mike Bryan tingin ko out pero di tinawagan ng linesman. "That's out" sabi ni Rafa, sabay turo kung saan bumagsak ang bola. Lapit si Mike, sabi nya, "It's good!". Sagot si Rafa, "it's good. But it's out!"
Analysis: magiging magaling na doubles player si Nadal kung pagtutuunan nya ito ng pansin. Malupit yun, ano? Yung maging #1 sa singles tsaka sa doubles, parang si McEnroe.
*******
Nung nasa Grandstand na kami, bandang alas sais at nag-aantay sa Andy Murray vs Mario Ancic na laban, finlash na talo si Vaidisova. Ayos, sabi ko kay utol, tumatalab na ang mga pangarap.
*****
Alas dyes pasado, andun pa rin lami sa Grandstand, front row, nanonood ng David Ferrer/Thomas Johansson match. Grabe sa intensity ang laro. Tas nung parteng pinaghahampas ni Ferrer yung raketa nya sa konkreto, nakuhanan ko ng video. Tas sigaw sya ng sigaw, "Atras! Atras!", sagot naman ng mga tao "Abante! Abante!".
*****
Haynako. Love 40 talaga ako sa Miami.