<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Saturday, February 09, 2008

lebron ka pa jan!

nung isang linggo may nagbigay sa akin ng 2 tickets para sa concert ng cleveland symphony orchestra sa carnival center for the performing arts. sosi yung lugar na yun sa downtown miami, sosi rin yung concert, kaya syempre di ko alam kung bat ako napili ni kumag na bigyan ng tickets. kung naging sosi ako, wala nang jologs sa mundo, boring na tayong lahat, weeee!

latino-kano yung sponsor, maraming business dealings sa kumpanya. "i heard you like classical music", sabi nya sa akin habang inaabot ang 2 tickets na nagkakahalaga ng $250.00. "they're the best seats in the house."

"great, thanks, and yes, i do like classical", sambit ko habang nag-iimaginary kamot-ulo.

nilecturan ako ni kumag tungkol sa cso. "they're comparable to boston pops, among the best in world, yadda-yadda-yadda..." sabi nya na walang pakundangan. nung natapos na sya sa huling yadda, sumagot na lang ako, "oh, i know all that."

"oh yeah?"

"yeah!".

"in fact", dagdag ko habang nanlalaki ang mata na kunyari may alam, "i even know somebody who plays for them".

"oh wow, really?", nanlaki din ang mata nya.

"yeah", sagot ko, "his name is lebron james".

"wow!", gulat sya, "you seem to know them more than i do".
-----

ngayon, kung gusto nyo malaman, hindi po, hindi ako nanood ng concert. natakot ako kasi baka sa biglang pagyanig ng masigabong palakpakan e biglang pumutok ang bukol ko. binigay ko na lang kay utol. kinabukasan sabi nya, wow, the audience was like who's who in miami.

buti na lang wala ako, otherwise baka sumama ang loob ng grupo ko na who's who's not in miami.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home