you will be my music, peoples of the world
asar lang ako dun sa penang hill kasi nung tinanong ni gwen yung party ko, sabi nung babaeng engot, zino zha? ayun, di tuloy nakakain si gwen ng malaysian chuva...
titorolls, sabi ni utol, pagpasok mo pa lang daw sa restaurant, kitang kita na sa vibration mo yung essence ng academe; tas pa, answeet ng topic nyo, tungkol kasi sa diabetes...
charlotta, labs ka daw ni Inang; huuu, bola lang yun (kasi paulit-ulit, paikot-ikot yung pag -sabi nya nun, nakaka-boring na wehehe; yun tipo bang umakain kami, tas sasabihin ko, Inang, paabot nga ng patis, sasagot sya, Ay naku, gustong-gusto ko talaga yang si Cha... )
tas naku naman, si Gwen, lintek man sa value ang kapamilyahan mo, sana ako ganun din. Sample: nung nilabas ni Cha yung regalo sa aking libro na Apolinario Mabini: Revolutionary, banggit agad ni Gwen, Oist, people, sabi ng tatay ko tamad lang daw yan si Pule kaya pirmeng nagpapakarga. Wehehe, pero syempre, to unquote dun sa isa pang "librong" bigay ni Cha, I cannot give Gwen's tatay the benefit of the daw...
to Toni: sayang ne at di ka namin na-meet. Na-equalize sana ng positivity mo ang aming mga negative integers. But then again, dahil sa di mo pagsipot e naparami ang pag-upak namin sa bagoong rice (which actually worked to our favor)...
Nung gabi pagkagaling sa meet ups, nakahiga na ako sa kama para matulog pero di ako makatulog kasi ninununi-nuni ko ang kaaliwan ng bagong tropa, kaya to while away the moment (at para isnabin ko na rin yung lintek na nagkakaraokeng kapitbahay ala-una na ng madaling-araw) binasa ko muna yung classic (as in Tagalog Klasiks) na bigay ni Cha. Tas nung di parin ako makatulog, ayus, inubos ko na lang ang oras ng madaling araw sa pagtitig sa kutitaps ng flashlight candy galing kay Gwen. Ne, sa susunod nating pagkikitakits, wag mo nang itanong kung bat duling ako...
haynaku: meet up kina titorolls, cha, gwen...
priceless.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home