<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, November 03, 2007

PAGMAMAHAL SA SARILI

Meron akong kaopisina, si Abel, na masyadong mahal ang sarili na tuwing may magagawang tama (halimbawa, nasolb nya ang maliit na problema sa computer) hahalikan nya ang braso nya ng matunog, tas sasabihin, I so love you Abel. Naisip ko nga minsan siguro nakikipag-lips to lips sya sa sarili nya sa salamin. Gross.

Mahal ko din syempre ang sarili ko kaya nga nung bata ako, minsang nakahawak ako ng magnifying glass, nilagay ko sa mata ko tas tumingin ako sa araw. Sigaw ako, Yaaahhh!!!, taena, mainit pala sa mata ang minagnify na araw. Minsan din papunta kaming beach (1st time ko ata nun na sasama sa dagat), sabi ng Ate ko pag nasa ilalim daw ako ng tubig, I have to make sure na sarado ang mata ko kasi nga super alat ng tubig. E di ako maniwala sa kanya, sabi ko, Hindi, Kayang-kaya ng mata ko ang alat. Gago, hindi, pagpipilit nya. Ginawa ko, para patunayang mali sya, kumuha ako ng ilang butil na asin tas nilagay ko sa mata ko. Yaaahh!!, sigaw ako. Namaga ang mata ko kaya ayun, di kami natuloy sa beach at halos isumpa ako ng ate ko na magmukang kolokoy. Tingin ko medyo umubra ata yung sumpa.

Tas minsan din nung bata ako, magsisimba kami kaya syempre pustura ang arrive ko. E dun sa eskinita namin baha sa gitna at para makasiguro ka na di mababasa kahit konti ang sapatos mo e yung gilid ng eskinita ang best bet mo. E syempre ayokong mabasa ang sapatos ko kahit na yung pinakadulo lang ng takong, kapit kapit ako sa mga bakod (yari sila sa mga kawayan) at naglakad sa gilid-gilid. E meron palang panungkit dun sa bakod at nakalawit yung sungkit. Akalain mo ba namang sungkitin nya yung mata ko kaya habang naglalakad ako sa gilid e hila-hila ng mata ko yung panungkit. Yaaahh, sigaw ako ulit ng paborito kong sigaw. Napalingon si Inang na nauuna sa akin. Sabi nya, Ayyy, bat di mo tanggalin agad! Sagot ko, E ayoko pong bumitaw sa bakod, mababasa ang sapatos ko po. Sabi ni Inang, Ay tanga, bubulagin ka ng kaartehan mong bata kah!

E syempre di naman lahat ng pagmamahal ay iniukol ko sa mata ko exclusively. Minsan ang aking display of affection ay nakatuon sa buo kong pagkatao. Alam nyo ba yung Hinulugang Taktak? sa Antipolo? at doon, maligo tayo? (Meron pa ba nun ngayon o baka naman Hinulugang Patak na lang sya?) Tuwing Mayo nung araw lagi kaming nag-pipilgrimage dun (pero yung mga kapatid ko, sus, ang gusto lang nila yung kasuy) para sa Virgen dela Buenviaje ba yun (?), at isang Mayo na bumisita kami, napagtripan ko ang falls ng hinulugan, para nya ba akong hinihikayat, Halika Bata, Lumapit Ka Sa Akiin At Maligo Kaaa. Akalain mo ba namang nasa may barandilya na ako at tatalon na sa falls, buti na lang nakita ako ni Inang, sabi, Gusto mo bang pumutok ang ulo mo. E di iyak ako ng iyak kasi kumikinang kinang yung tubig na parang may phosphoresence, very inviting ika nga. Kung nagkataong dumayb ako dun, malamang ang tawag na sa kanya e Hinulugang Bata.

Ikaw, Kayo, anong kagaguhan ang pinagkaloob nyo sa sarili nyo po?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home