<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, September 08, 2007

24 ORAS

Naalala ko yung libro na binasa ko nung high school (which means, uhm, matagal na sha), One Day in the Life of Ivan Denisovich ni Alexandr S, tungkol sa buhay ni Ivan (shempre) sa loob ng 24 oras (shempre ulet) sa piitan dahil lamang sa pag-defame kay Stalin.

Hayup. Si Kiefer Sutherland nga katakut-takot ang tinepok at tinorture sa loob ng 24 oras, bihira lang makulong. Sabi nga nung isang tunay na autoridad, kung totoong ahente ng gubyerno ang papel ni Kiefer, isa na syang kriminal. Kaso si Jobert tipo si Nina. At chaka tipo ko si Kim. E di stepdad ko pala si Jobert. Ha-ha-ha-yup!

Teka, ano ba 24 oras ko?

Nag-jogging ako pagkauwi ng condo kagabi. Sa pagtakbo ko nakatapak ako ng butiki. tsk, tsk, tsk, sayang na butiki.

Tas kain ako ng sushi sa isang sushihan (shempre), pinuno ko ang tyan ko ng o-toro (yung oiliest part ng tuna o salmon na shang pinakamasarap). Kung ako siguro ang kakainin ng mga cannibals, lalafangin muna nila ang mukha ko. That is my o-toro, ne'? Unless sabihin ng tarantadong cannibal, this face is so ugly, ne? Tas sasabihin nung kakosa nya, You, idiot, that's his ass!

Tas derecho akong Borders kasi gusto ko bilin yung 3 libro (3 for the price of 2, galeeeeengg), 13 moons ni Charles Frazier, Lay of the Land ni Richard Ford, tsaka Runaway ni Alice Munro, kaso tumawag yung kamag-anak ko na may ibibigay daw na isang sakong libro, puro hardbound pa tsaka bago. Nayko.

Di ko gaanong tipo yung mga binibigay ni K na libro. Kadalasan tungkol sa medisina (doktor kasi sha, psychiatrist, kaya nung minsang nagkukuwentuhan kami at meron akong nabanggit na bagay, sabi nya, Are you crazy?, napag-isip ko kung expression lang ba nya yun o dinaiagnose na nya ako.

Labo.

Manonood ako mamya ng 3:10 to Yuma.

Yehey.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home