ANO SA ENGLISH ANG SAN DIEGO?
Saint Jigow? Saint Die, Go? Saint Elsewhere? South of L.A.?
Mexicano siguro si Diego, tas mabait sha nung nabubuhay. Wala pa sigurong border patrol nun, tsaka di pa nadidiskubre ni Eric Clapton ang kokeyn.
Sabi dun sa travel book na binasa ko bago magtungong SD, pag may kumat daw sa yo sa highway habang nagmamaneho ka, wag mo daw potpotan o ngatngatan at hayaan na lang kasi baka mga myembro sila ng kung anong gang(grene) at pag nagkataon e baka halibasin ka nila ng nachos sa ulo, nakow kung ganun sila e malamang supalpalin ko sila ng tacos sa muka, tas pipigain ko ung katas ng jalapeno sa mata nila habang pinapasak ko yung burrito sa ilong nila at mamasilyahin ko ang tenga nila ng sangkatutak na tamales. Kaya ayun, nung papunta na kaming Escondido ni Inang at may kumat sa akin, ahehe, tumahimik na lang ako, ewan ko ba.
Nung unang araw namin sa SD matapos mag-check in sa Westgate Hotel sa Gaslamp Quarter (downtown), naglakad kami papunta sa Fish Market. E shempre si Inang e medyo iika-ika at me kalayuan pala ang restaurant, tas habang naglalakad kami, me tumigil na pedicab. Ayus. Akala ko nasa Cubao ako, josme, sa gitna ng downtown, kabi-kabila ang sasakyan, tas ayun at bumabyahe kami ng pedicab at kumakaway pa ako sa mga tao na parang si Santo Papa.
Fish Market: 2 stars
Merong malaking barkong nakadaong sa SD Bay na madadaanan patungong Fish Market, yung out-of-commission-already na navy ship baga, tas ginawa na lang na parang tacky tourist spot at me restaurant pa. Ano ba ang tacky sa espanyol? Jolog?
Yung pinagkalayu-layo ng nilakad namin, ang masarap na pagkain pala e matatagpuan lang dun sa Horton Place mall na katapat lang ng hotel namin. Nung gabi, inisa-isa ko yung stall sa food court, aha! natagpuan ko yung Royal India na tipong masarap ang dating, order ako ng chicken tanduri, chicken masala, mga ginayat-gayat na veg na parang laing, tsaka kaning naguumapaw sa curry, to go, di lalampas sa $12.00. tas nung nasa lobby na ako ng hotel na sobrang elegante ang dating na tipong naglalakihan ang chandeliers tas mero pang naghaharp at ang mga tao e galanteng nagsisipagkape at nagwa-wine ang cheese kuning habang nanood ng performance, mejo napatingin yung mga sosi sa akin kasi nangangalingasaw yung dala kong pagkain
na bumalot sa buong looby, mahabaging langit ng Calcutta, takbo ako sa elevator na puno pa mandin ng tao, tas tanong nung isa sa akin, Hmmm smells good, where did you get that?, sabi ko, from India.
Kinaumagahan, kontes kami ni inay sa pag-utot. Moral lesson: hinay2 lang sa curry.
Royal India: 4 stars.
Tas nun punta na kami sa reunion sa escondido, at pauwi kontik na akong maligaw, nakita ko na lang yung malaking sign: International Border, 12 miles. Nayko.
Tas the following days ahead e ginalugad na namin ni Inang ang SD, SD zoo, Balboa Park, Old Town, Coronado, Little Italy, Embarcadero tsaka La Jolla at Torrey Pines.
Tanong: Anong 2 Andrew ang nambulabog sa Miami?
Sagot: Hurricane Andrew, tsaka si Andrew Cunanan.
Naalala ko lang si Andrew C kasi taga-La Jolla sha.
Sa paggalugad namin sa SD, napansin ko na andami sa mga city parks e me nagco-concert. Yumpala, kondisyones ng mga nag-donate ng private lands na kailangan me libreng concert tuwing week-ends. Wagi. Yung katabing subdivision namin sa Pinas, ang designated na park nila e sinab-divide pa rin at binenta sa mga tao. Giwa.
Eclectic ang SD. Nachempo pa na may convention ang mga kartunista from all over the country kaya andaming nagkalat na eccentric na tao sa kalye na mukang cartoon characters. Tas may banners sa paligid "Comic Con", ayus, naalala ko tuloy ang mga bayani ko na sina Larry Alcala at Nonoy Marcelo. At Carlo Caparas (jokz).
Bago kami bumatsi pabalik ng Miami, sabi ko kay Inang iti-treat ko sya sa Croce's (pag-aari ng byuda ni Jim croce), sabi nya Hoy3, ikuha mo na lang ako ulit ng Chicken Tanduri. Sabi ko dun sa server, Boss tsip Mahabharata, wag mo naman sir mashadong sapawan ng curry ung kanin. Mahirap na, pag-uwi namin pabalik ng Miami, baka magkontes kami ulit ni Inang sa eroplano at magtalunan yung mga pasahero as they look forward to their quicker, swifter, less painful deaths.
Eclectic, Perfect-weathered, Musically-inclined, Culturally-active San Diego: 5 stars.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home