<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, August 04, 2007

BYAHENG IRIS

Naalala ko 'tong salita na 'to sa Pinas, byahe!, pag naglalaro ako ng basketbol at meron akong ka-koponan na imbes na si Shin Dong Pa e si Shin Dupang, ibig sabihin e ballhog na parang nadikitan ng glue yung bola pag hawak nya, o kaya e parang kabayong pangkarera na may tabing ang gilid ng mata para walang ibang nakikita kundi paderetso, patungong goal. Tingnan mo nga naman; ang talagang namumukadkad sa larangan ng pagbabyahe e ang mga katagang "pagbibigay" tsaka "masigasig na pagmasid sa kapaligiran", kaya nga siguro naging magkasalungat ang naging hantungan ko nung naglaro ako ng basketball sa Pinas, tsaka nung naging byahista ako sa ibang bansa.

Nitong nakaraang araw bumyahe ako sa Cali (hindi sa Colombia - marami pa akong kape; hindi sa bugan - meron na akong one and only; kundi sa fornia - meron lang pong reunion) para samahan si Mommy dearest sa pakikipag-kornihan sa mga co-teachers nya after 20 or so years of retiring from teaching and not seeing her former cohorts...

Sa San Diego ang reunion ng mga teachers, siguro dahil doon sila naimbak matapos itaas ang magkabilang kamay sa pagtuturo, isapanga e dahil andami sa kanila ang mga waswit o anak e nasa US Navy ng Hapon, kaya ayun, ang reunion e sa isang malaking bahay makalampas lang sa Escondido. Haynako, first time ko sa San Diego, first time ni Mommy sa California, at first time ko magmaneho sa east freakin coast kaya nga nung pinahaharurot ko na yung rented Mustang sa I-15 patungong Escondido, navigator ko si Mommy. Blind leading the blind, ika nga. Ang hawak naming mapa e sinlaki ng lesson plan nya, tas nangangatog nyang tanong nya nung naglalakbay na kami sa interstate, Iho, sigurado ka bang pa-north tayo, sabi ko, Wahaw, patay tayo jan po, malay ko po...

Naalala ko tuloy yung mga entries ni Batjay na kinukwento nya kung gano kasarap magpatakbo ng mabilis sa mga highways ng Cali tas e malakas yung ingg ingg ng stereo nya na tumutugtog ata yung Red Hot Chili Paminta, wahaw, naka-relate ako dun, kasi naman por jos po santo, me bundok sa kanan mo, me Pacific Ocean sa kaliwa mo, pano ka ba naman di gaganahang magpatakbo ng mabilis nyan e nararamdaman mong para kang si James Dean na tinatawag ng Hollywood, Come here boy, be a star, boy!

Masarap yung reunio, nakita ko yung mga guro ko nung grade school, kasama na yung mga kumag na naghagupit ng ruler sa pwet kong maalinsangan, konti lang naman sila, nung kinompronta ko nga sila e di nga nila matandaan na hinagupit nila ako, kaya nga I dropped the subject ikang kasi nga baka naman ako lang ang talagang di makatanda.

Pero yung experience ko sa San Diego ang beyond, di ko makakalmutan. Wento ko na lang sa inyo next.

Ngapala, babati lang ako ng belated hapi hapi kay Toni who turned thirty. Etong alay ko sa yo Mrs. Positivity, ang isa sa mga paborito kong tula mula kay Li-Young Lee na di kaanoano ni Bruce Lee.

IRISES

1.

In the night, in the wind, at the edge of the rain,
I find five irises, and call them lovely.
As if a woman, once, lay by them awhile,
then woke, rose, went, the memory of hair
lingers on their sweet tongues.

I'd like to tear those petals with my teeth.
I'd like to investigate these hairy selves,
their beauty and indifference. They hold
their breath all their lives
and open, open.

2.

We are not lovers, not brother and sister,
though we drift hand in hand through a hall
thrilling and burning as thought and desire
expire, and, over this dream of life,
this life of sleep, we waken dying -
violet becoming blue, growing
black, black - all that
an iris ever prays,
when it prays,
to be.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home