<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, November 09, 2007

sarung banggi - isang makabagbag-damdaming kwento sa hidwaan...

5 taon ang pagitan namin ni bunso. tingin ko ideal na pagitan yun sa magkapatid na lalaki kasi kung 1 o 2 lang, malamang araw-araw ang upakan kundi man oras-oras; at kung mga 10 naman, parang may generation gap na, astang mag-tatay charirot na.

simula pagkabata parati na kami magkasama ni kumag. idol ako nyan eh, wehehe, kaya kahit ano gawin ko ginagaya, kaso lang pirming mas matindi ang kinahihinatnan nya. tinuruan ko mag-chess, di malaon, naging board 4 nung kolehiyo nila. tinuruan ko mag-tennis, ngayon kailangan nasa coma sya para talunin ko.

pero may kasaysayan kami netong gunggong na to.

dalawang taon sya nung tangayin ni tatay papuntang ilocos. wen kunam, ilocano po si tatang kasi, kahit pa sabihin na sa lahat ng ilocano daig nya si santa claus. di ko lang alam kung bakit nagbalak si tatay na umuwi ng probinsya nya - siguro mangungulimbat sya ng suman, o baka naman may kontrabandong pinakbet o papait.

ang ikinaasiwa ko lang sa paglisan ni tatay ay kung bat naisip nya isama si bunso. tuwang-tuwa nga ako nung iluwal sya kasi puro babae ang mga nauna sa akin, taena e di ko naman type ang mga manika nila, kaya nung andun na si kumag, nagkaroon na ako ng permanenteng laruan. minsan dinidribol-dribol ko sya, minsan naman nagpapakenkoy ako, tawa sya ng tawa, pero syempre mas naaaliw ako pag naririnig ko yung tawa nyang bigay na bigay, ika nga, may dating.

eswes, lungkot na lungkot ako nung wala sya; biruin mo naman nawalan ako bigla ng laruan, nawalan pa ako ng audience, labo.

kaya nung nakatanggap ng sulat si inang makalipas ang ilang buwan na uuwi na sila ni bunso, para akong nag-aantay ng pasko. 5 tulog na lang, 4, 3, 2, yehey.

nung nasa amin na uli si bunso, bigla, di na kami magkaintindihan. ilokano ang salita nya, kin nam, kaya kahit anong patawa ang gawin ko, nagmumukha lang akong kolokoy sa pananaw nya, di nya na ma-gets ang mga pa-improv ko, at ako man, wala akong maintindihan kahit isa man lang sa mga sinasabi nya. napa-frustrate nga ako minsan, para bang may kung anong batong nakahadlang sa komunikasyon namin.

isang umaga, naglalaro kaming dalawa sa sala ng mga blocks, yun bang bloke-blokeng kahoy na may letra sa bawat gilid. nagtatayo kami ng tore, at naitayo na nga namin yung tore na pagkaygiting-giting. maya-maya, biglang tumigas ang katawan ni bunso na parang titi, tas sabi nya

"take"...

sabi ko, "ano kamo, tuko, walang tuko dito".

"take"...

"ano?"

"take...take...tuh...keeh"...

tas nun, umiyak sya bigla. sabi ko, "bakit, ano nangyayari sa yo? bat ka umiiyak?"

wala lang, iyak lang sya ng iyak kaya ang ginawa ko, dahil sa awa ko sa kanya at dahil na rin sa di ko sya maintindihan, nakiiyak na rin ako. "huhuhu, di naman kita talaga maintindihan e, ano ba talaga?, huhuhu".

sa punto na yun, biglang dumating si inang. nagulantang sya. "o, bat nagngangangawa kayong dalawa?". nagtataka sya kasi wala naman sa itsura namin ang katatapos lang magsapakan, tas matayog pa yung tore na itinayo namin. lumapit sa amin para patahanin kami, e di pinahid nya yung luha tsaka uhog ko, tas lapit naman sya kay bunso para pahiran yung set of luha at uhog nya.

paglapit nya kay bunso, nakita ko suminghot-singhot si inang, tas tumaas yung ilong nya, lumiit ang mata nya, tas nagkaroon ng isanlibong gilit yung noo nya. tas sabi nya,

ambaho.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home