SARUT-SAMI
Christmas Party chuva ng opisina kagabi, I mean, kahapon pala kasi nagsimula ng ala-una ng hapon, hayuf, para kaming you-know-what (sabi nga ng mga politically inkorekok) kaya ayun, alas-dos pa lang ng hapon, lango na ang iba. dati-rati open bar, pero ngayon may 2-drink limit na pero syempre may mga resourceful na kukulimbatin ang mga tickets ng di-manginginginom, o kaya e pinisil-pisil yung pisngi nung me hawak ng ticket sabay sabing, You're so cuuuttee, give me one more ticket, you sucker...
Ginawa ang party sa isang malaking establishment na madaming function rooms, okupado namin yung dalawa, isa for eating, the other for not-eating. inupakan ko sa eating room yung eggplant parmesan (masarap, pero mas masarap yung sa inang ko), tsaka shrimp scampi (killer) tas nun nagdildil na lang ako ng olives tsaka hubad na likod ng nakararaming kababaihan wehehe...
tas nun punta na ako tsaka nung mga alipores ko sa dancing, drinking, smoking room, linsyak, mga couches ang upuan, naalala ko tuloy sa rooftop ng hudson hotel sa manhattan, ang pinaka upuan e mga kama, kama sutra talaga ang dating, bigla nga akong inantok nung unang punta ko run at gusto kong humilata (magsabit ka kaya ng kulambo dun?)
ayun, nung inupakan na ng dj ang muzak, rampahan na ang mga tarantado: regaeton, hip-hop, merengue, salsa, kalog ang tuhod ko mga bandang alas-kwatro (non-stop dancing for more than 2 hours), tas yung isang dambuhalang manager, tumayo sa isa sa mga side tables at dun nagsayaw, aba e papatalo ba ako sa isang dambuhala e di akyat din ako dun sa isang side table, hiyawan ang mga hunghang na parang nanonood ng gladiator fight, ayus, inispotlight kaming dalawa ni dambu, e kaso sobrang galing ni dambu at me sideshow pa sya kasi nahuhubo-hubo yung pantalon nya...
alas-4 y media, nung pinagpipistahan ako ng mga kababaihang di ko naman kilala (meaning, hinihila nila ako para isayaw lang sila, ito talaga oo...) ayun, naramdaman ko na parang bibigay na ang kalamnan ko, gusto ko ng maupo kaso parang mob ang dancefloor, di ka na makakaalis sa kinatatayuan mo, trapped to the bones ang drama ko...
paggising ko kaninang umaga, nalecheflan, ansakit ng lalamunan ko...
oist ngapala, eto ang menung gusto kong upakan pag-uwi:
day 1:
almusal: daing na bangus, ginayat na kamatis, sibuyas tagalog at unsoy (with toyo), sinangag, manggang hinog
tanghalian: adobong pusit, sinigang na bangus
hapunan: kare-kare, kilawing papaya
day 2:
almusal: bibingka, puto bumbong
tanghalian: steamed samaral, steamed crabs, halabos na hipon, tinolang native na manok
hapunan: dinuguan at puto
day 3:
almusal: pansit luglog
tanghalian: pesang asohos, pritong dalagang bukid
hapunan: kalderetang kambing, bopis
day 4:
almusal: tinapang bangus, achara, sinangag
tanghalian: ginisang munggo, inihaw na bangus, pusit with sotanghon
hapunan: mechado, sopas na bulalo
day 5:
me diarrhea na siguro ako sa mga panahong ito...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home