<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Monday, January 28, 2008

ulong gawa sa radyo

1. isa akong self-appointed beer taster. mula ngayon hanggang sa katapusan ng susunod na linggo, iinom ako ng isang klase ng beer para alamin kung anong beer ang dapat ihanda sa isang pagtitipon. ang tinutungga ko ngayon ay grolsch, yaring holland. hindi sya gaanong mapanghi.

2. pwahh!, sambit ko nung minsang uminom ako ng mainit na beck, lasang peepee. bakeet?, tanong nung kasama ko, nakainom ka na ba ng peepee? oo, sabi ko, lasang mainit na beer.

3. bukas bubuksan ang likod ko. meron kasing nakapasan na krus.

4. kanina habang papauwi ako, anlakas ng sinag ng araw kontra sa direksyon ko, tuloy di ko gaanong maaninag yung kulay ng traffic lights, nasisilaw ako. ginawa ko nilakasan ko na lang yung cd player, tumutugtog kasi yung house of cards na track sa in rainbows ng radiohead, para kung mabangga man ako sisisihin ko na lang ang radiohead. sa buhay ng tao, sa larangan ng kagaguhan, kailangan meron ka parating napapatawan ng sisi, banda man sila o hindi.

5. dapat ang title ng house of cards e the liquid song, para kasing nagtutubig yung tipa ng gitara, ika nga nung tropa kong si pitong e nagwawater-water.

6. naalala ko yung isang banner dun sa pasig nung umuwi ako nitong nakaraang december. sabi nya, paskotitap. naalala ko rin yung christmas pasayaw namin nung kabataan ko, ang pangalan e disco-langot.

7. hindi kumita yung pasayaw namin na yun. aywan ko kung bakit.

8. nakadiskubre na naman ako ng malulupit na prosa, buhat sa dalawang manunulat pa kamo, si elie wiesel tsaka si roberto bolano. binabasa ko ngayon yung the time of the uprooted ni wiesel, namnamnam, tsaka the savage detectives ni bolanos, salbahe!

9. hi daphne! natuloy ka ba sa gubat, ne?

10. hi, tone'.

11. ansarap ng lumpiang ubod sa via mare landmark. tiempo pa kamo, nung kumakain kami dun, may nabasa akong comment ni batjay dito sa blog na subukan daw yung balut special (ngaba?), kaso sabi ng waiter di daw nila carry yun, pero sa shang daw meron.

12. napansin ko sa pinas, expression ng mga tao yung "kaya", halimbawa e nasuot mo yung tsinelas ng pamangkin mo, sasabihin nya, "akin kaya yan". nota bene: hindi patanong yun.

13. dun sa sta lucia mall, may mga bulag na nagmamasahe, 180 php isang oras (kumpara sa miami na $1 a minute!) gusto ko sana pamasahe kaso baka masalat ni sir masahista yung krus sa likod ko e madampian pa sya ng sumpa.

14. yung mga pamangkin ko e ayaw sumama sa akin sa sta lu. ang jologs ko daw.

15. gusto ko sa pinas yung simba namin sa antipolo. habang nasa sasakyan nga kami nagulat ako dun sa bata dahil akala ko nagmamakaawa sya, yumpala minomonstra lang ni mokong ang simbahan at ihahanap nya kami ng parking spot. ang kapalit?, kailangan bumili kami ng katakut-takot na suman sa pwesto nila.

16. ang ganda ng boses nung kantor sa simbahan. napalaki tuloy yung bigay ko dun sa koleksyon.

17. at naparami din ang kain ko ng suman sa tindahan ni mokong.

18. ansakit ng bukol ko sa likod.

19. pigsa kaya ito.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home