<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Monday, January 14, 2008

resaytal

1. may linya sa arrival sec ng naia na exclusive para sa mga ofws. gara nga ng pang-salubong sa kanila ng wow philippines - ice cream sa apa, straight from the dirty ice cream cart na bigay ng mamang naka barong tagalog pa mandin. asar, sa linya namin wala. ansungit pa nung taga-customs kaya hindi ko na nirequest, ma'am, bat ako walang sorbetes?

2. mula sa customs hanggang sa na-pickup kami ng sundo, kulang kulang dalawang oras, grabe, gusto ko na nga bumalik sa loob ng airport at sumakay na uli pabalik ng miami, sabi ko sa susundo, Namfotcha, antagal nyo, sagot nya, Easy ka lang, nakikita ka na namin, in one hour andyan na kami.

3. ninong, akina na po ang bag nyo. nagulat ako, sabay salat sa wallet ko kung andun pa. taena, sino ka? tanong ko, sabay kunot ng noo, mig, ikaw ba yan? opo ninong, sabi nya.

4. 5 taon si mig nung umalis ako. mataas lang sya ng konti sa lupa. 18 na sya pagbalik ko. bukod sa 6 footer, mas pogi pa sya sa ninong nya.

5. pagdating sa bahay ni utol mga ala una ng madaling araw, deretso ako ng banyo. kinalikot ko ang ilong ko ng q-tips. mahiya sinalpakan ng carbon paper. ang itim.

6. bago ako dumeretso ng kwarto para humilatsa na parang bangkay, sabi ko kay utol, mamya, baka pwede daing na bangus, plissss??? pagdating sa kwarto, hinarana ako nung nagkakaraoke. natuwa ako. i'm home, sabi ko sa sarili kong naaagnas.

7. kinaumagahan, after only four hours of half-tulog, lumatag sa harap ko ang following sa hapag-lafangan: daing na bangus, sinangag na sa sobrang dami ng bawang e di kayang kainin ng aswang, itlog na maalat with kamatis, manggang hinog. pagkakain at pagkadighay ko, nasabi ko na lang, pwede na po akong bagsakan ng guillotine.

8. makatanghali, hinatid kami ni utol sa megamall at mag-iiscout ako ng venue for the world-famous meet ups with friends from showbiz.net. barrio fiesta? hmm, palasak. cabalen? hmm, parang may di maganda akong nabasa dun sa meet ups ng bloggers 3 years ago. mayamaya sabi nung pamangkin ko, ninong, gusto mo sa shangri-la? well well well, sabi ko, now you're talking.

9. bumulaga sa akin yung nutcracker na pinalalabas sa shang. sa miami, di lang 10 beses kong napanood ang george balanchine pa-effect na to kaya i'm going nutty sa music ng nutcracker. pero nung nakita ko yung prima balle sa shang, sabi ko, wow! teka, ang galing naman nitong nagsasayaw na to. sabi ng pamangkin ko, ninong, si lisa macuja po yan. dang!

10. sa itaas na level ng shang, maraming magandang quaint eateries. tipong magara ang pagkain sa c-2. filipino dishes. kaso ansama ng pangalan. c-2. parang lason. tas yung mga kumakain, ambilis nilang kumain, parang mauubusan ng ulam. pass.

11. tas ayun, nakita ko yung karatula, penang hill. naalala ko yung penang restaurant sa manhattan. tingin ako sa menu nila. ansarap. solved. nag-negotiate kami nung babae.

12. gusto ko syempre filipino dishes. pero pinili ko yung malaysian para pare-pareho kaming maka-experience ng sense of discovery ng meet-ups dahil naisip ko, siguro naman di kami madalas makakakain ng malaysian food.

13. tas, ayun, nung araw ng meet-up, kasama ko si inang, si utol, antay kami sa penang hill, mayamaya dating si boss rolly, kwento-kwento, hunta-huntahan, tas sabi nya, papunta nga pala ako ng malaysia.

14. dang!

15. pero ansarap ng nosi goreng tsaka ng bagoong rice.

1 Comments:

At Thu Jan 24, 11:42:00 AM , Blogger Jon Vizcarra said...

ack!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home