HAUNTING WORLD, TAUNTING WORLDIn the great essay Street Haunting Virginia Woolf gives a fresh outlook and meaning to slice of life within the limits of London one winter day after she decided to get out of the house to buy - of all things - a lead pencil. The experience, originally appearing in Yale Review in 1927, remains as one of the most beautiful treatises ever written about human expedition; it is not only a journey within her city, it is also journey within her soul.
If only I lived in London, if only this was winter, and if only I had the need for a lead pencil. But whatever. Yesterday morning was a most beautiful Saturday morning (as all Saturday mornings seem charming to me, compared to the gloom of a Sunday afternoon which - I had this eerie feeling as a child - is the day and time the world will come to an end) and I decided to leave the unit on foot in search of that street that could haunt me the same way London haunted Woolf. I may have found it and will now only wish I have a teeny fraction of Woolf's mastery in writing. But since that is not possible (and I did not want this impossibility becoming even more obvious), I will do this piece, onward, mostly in my native Tagalog.
Kaya nga inuna ko muna sa Inggles dahil ano ba sa Tagalog ang taunting? Tonting?
Hindi, kutya. Kaya ang "a taunt" ay "isang kutya". As what my mom told me one fiesta eve, Isang kutya mo na yang karne iho at baka tulad mo e mabugok.
E di labas nga ako ng condo upang hanap-hanapin ang bersyon ng Street Haunting dito sa syudad ng mga kakwate. Medyo jogging eklot para kunyari athletic ako kahit pa gaya ni Gary Lising the only thing athletic in me is my athlete's foot. Naka cd walk-man ako para hindi ko naririnig ang ugong ng mundo. Sana sa gabi na rin ako nag-jogging para hindi gaanong maalikabok.
Nakasalang sa walk-man yung cd ng mga tulang nakapaloob dun sa librong regalo sa akin ni Heather nung birthday ko (sa mga nakalimot bumati, matatae rin kayoh!); Voices & Poetry of Ireland (Sourcebooks, 2003) ang ngalan ng libro at habang pinakikinggan ko ang kalmadong boses ni Niall Toibin habang binibigyang buhay ang napakagandang tulang Everything Is Going To Be All Right ni Derek Mahon ukol sa masalimuot na mundo ng Ireland, iniisip ko, gusto ko rin yatang maging kaboses si Toibin -
How should I not be glad to contemplate
the clouds clearing beyond the dormer window
and a high tide reflected on the ceiling?
There will be dying, there will be dying?
There will be dying eklavu, pero sa huling linya, sabi ng tula, Everything is going to be all right.
Habang ninununinuni ko ang paraang pagbigkas ni Niall Toibin sa boses na nahahawig sa narrator ng Lord of the Rings, o kaya dun sa boses ng mama sa mga lumang commercial ng PNB na may temang Pilipino habits tulad ng amor proprio (tanda mo pa ba yun, ha, Tanda?) tuloy-tuloy ang paglakad-takbo ko hanggang sa makarating ako sa oval na napaliligiran ng man-made lake sa harap ng isang state of the art na ospital. Ang ganda ng ospital, parang 5-star hotel. Kung di mo nga alam na ospital yun at sakaling masaksak ka at isugod dun for emergency ng isang babae at isang lalaking medics, malamang sumigaw ka sa kabila ng iyong duguang estado, Taenanyo, mamamatay na ako magche-check in pa rin kayoh!
Kung si Niall Toibin yung medic, baka sabihin sa yo
You will be dying, you will be dying
Everything will be alright!
Kung di ako nagkakamali (na bihirang mangyari), dalawa at 3/4 ikot sa oval ay isang milya, na parang standard na distansya between 2 exits sa interstate highway. Takbo na ako sa paligid ng lake, takbo, takbo, habang pinanonood ko ang mga tao, ang mga puno, ang mga ibon, ang lawa, at patuloy ang pakikinig sa mga tulang walang humpay na humahamon sa kaisipan ng sanlibutan.
Sa pagliko ko sa unang bend, natanaw ko sa malayo ang grupo ng kababaihan sa kaliwa at nakahilera sa kanan ang mga baby strollers. Bale dumadaan sa pagitan nila ang mga naglalakad/tumatakbo sa oval na aspaltado, at habang papalapit ako, napansin kong iisa ang hugis ng mga kababaihan: puro sila Size A, as in Aparador, kaya tantya ko e mga nanay sila, mga bagong panganak, at mga bagong silang na anak nila ang nasa strollers at nag e-exercise sila para malusaw ang lahat-lahat pwera lang ang gatas sa dede nila. Pagdaan ko sa unang nanay, lumanghap ako ng malakas na langhap para malaan kung makaamoy ako ng sariwang alkohol. Pagtingin ko sa kanan, ang cu-cute ng mga baby, kaway ako sa kanila para kunyari ako yung village idiot. Goo-goo-goo, kunyari daw o.
Tas dinaanan ko naman sa susunod na bend yung mga nagpapatakbo ng remote controlled toy sailboats. Mga lolo, kasama ng mga apo. Lintek ang mga sailboats nila, tipong pinag-aksayahan ng panahon.
Tas nung malapit na ako dun sa pinag-umpisahan ko, bigla ba naman akong hinabol ng isang malaking pato. Anak ng pato! Namukhaan ata ako dahil minsan pinakain ko sila ng mga lumang tinapay sa bahay, nasira siguro ang tiyan. Tas yung isang mama na may kasamang mga bata, tawanan sila, akala siguro sadya akong nagpapahabol. Ginaya ako nung mama at tinangkang magpahabol din, ginawang parang aso ang pato. But the effing duck only has an eye for me. Sana naman babae yung pato.
Nung bata pa ako, mga 12 yrs old siguro, inutusan ako ni Inang sa tindahan. Syempre asiwa ako dahil nautusan, kaya takbo ako papunta sa tindahan nina Lonlon. May humabol sa aking kambing na lagalag. E di tigil ako. Tapos nun, sinusuwag-suwag nya ako kaya di ko malaman ang gagawin habang yung mga tambay kina Lonlon nagkakagulo sa katatawa. Ako naman mangiyak-ngiyak dahil wala naman akong ginagawang masama e bat ako ginaganun ng kambing. Umakyat ako sa bakod tas yung kambing inaantay ako, kaya binato sya nung mga tambay na naawa sa akin at nahiwagaan din kung bat ganun ang ikinilos ng kambing. E di lumayas din yung kambing, kaya ako naman, sabi ko na lang sa sarili ko, taena nyong mga kambing kayo, paglaki ko, lalafangin ko kayoh. Kaya ayun, paglaki ko, I did not meet a kalderetang kambing I did not like.
Pawisan, takbo na uli ako pauwi. Daan muna ako sa bookstore para makabili ng librong maaaring magpatino sa akin. Christopher Unborn. Carlos Fuentes. Wagi. Unang chapter pa lang, laglag na ang panty't bra ng babaeng character na parang dancer sa Alibangbang. Meron kasing pakontes sa Mexico na ang sinumang isilang na sanggol na lalaking ngalan ay Christopher at precisely the stroke of midnight on October 12, in the year of tralala, ay ipoproklamang prodigal son of the nation, at tatanggaping nya ang "keys to the republic". Kaya ayun, ang ubod ng istorya, banggit nung tatay ng semilyang si Christopher, ay makikipag-usap ang sanggol sa sinapupunan...
sa mambabasa. "The reader, just the reader."
Ayus. Bale yung tamuj na my kakabit na egglog ang narrator ng kwentot ni Mang Carling.
Pagdating sa bahay, hapo ang inabot ko. Bandang hapon, dumating si bunso at naghamon ng tennis. E di palo kami, palo, palo. Huling puntos ng laro, pinilit kong abutin yung bola with a double handed backhand. Idiocy. Hagis ako na parang trumpo. Pagtayo ko ansakit ng kamay ko. Laro pa ulit kami, serve pa rin ako. Pagdating ng gabi, Inday, maga ang kaliwang kamay ko tsaka nanlalamig ako. Bihis ako, suot ng medyas gamit ang isang kamay. Yung sapatos, di ko maitali ng isang kamay lang kaya di ko na itinali. Sugod ako sa ospital, emergency room.
Pinay yung nurse sa ER. Alas 10:00 ng gabi na nun. Sabi nya, anong oras nangyari yan?, sabi ko, alas 4:30. Bat ngayon ka lang? Di ko kasi akalain na mamamaga e. Tas tanong nya, nanalo ka naman? sabi ko, hinde, talo. Ay!, sabi nya, na para bang me pusta sa laro namin.
Linggo ng hapon ngayon. At kahit pa may matigas na balot ang kaliwang kamay ko, hindi sapat ito para magunaw ang mundo.
E ano ngayon kung walang taunting?