INTERMISYON
Ang ganda ng umaga. Kahit na kagabi di ako makatulog kasi naiinis pa din ako kay Antoine Walker, para syang etat ng kabayo, ewan ko ba, i don't know lang, ha, sabi nga nung brod ko na amoy kabayo. Ayun, hanging on the edge of death ang Miami Hitad, pag nanalo ang Chicago Bulok bukas, pustahan, sila ang magiging world champs kuno.
Pinakikinggan ko ngayon yung Gabriel's Oboe ni Enio Morricone, version ni Yo-yo Ma. Eto yung theme song sa The Mission na ewan ko ba, tuwing naririnig ko e para akong nasa gubat, naaalala ko siguro ang Amazonia. Bale ba naman me dumapo pang dalawang parrots sa patio, yung bang kulay munggo, tapos yak-yakkan sila ng yak-yakkan, ano kaya pinag-uusapan nila? Siguro sabi nung babae sa lalaki, Yak-yak-yak, sobrang laki naman ng human mo.
Haynako, nagtennis na naman ako kagabi, isang set lang lupaypay na ako. Matanda na ang likod ko, retired na sa three setters. Hanggang panonood na lang siguro sa tennis, para walang tensyon. Oist, nung Sony Erricson Open sa Key Biscayne nung isang buwan, ang gara. Dumating kami ni bunso ng maaga, sabado nun, e di wala pang gaanong laro pero may mga nagpa-praktis sa ibat-ibang practice courts. E di almusal muna kami ni bunso dun sa isang open cafe, tapat ng isang practice court. Kape, kape, sabay dutdot sa soft pretzel. Di ko pinapansin yung nagparaktis kasi nagbabasa ako ng NY Times. Maya maya napahiyaw si bunso, namangha sya dun sa dalawang nagpapraktis kasi hatawan sila ng hatawan ng volleys, malakasan, tas magkalapit lang sila sa isa't isa, tas ang tagal talaga nung volleys.
Nung nag dead-ball, sigawan yung kakarampot na nanonood, pati na rin syempre kami ni bunso. Teka lang, sabi ko, syet, si Tim Henman pala yun! Tas kapaluan nya yung ka-doubles daw nya na hindi ko alam ang ipinangalan sa kanya ng nanay nya. Ayos, merong free entertainment. Kaso lang yung pretzel, ang alat! Andaming asin.
Tas nung pinanood namin si Sebastian Grosjean vs Richard Gasquet, katabi ko pa yung tv camera, gusto ko ngang iharap yung mukha ko sa lens, kaso baka magsigawan sa ESPN sabihin nila, what the hell is this!!! Must be the face of sports from the distant past!
O sige, maghahanap muna ako ng maiaalmusal. Sasamahan ko na tuloy ng bayer pain killer at ng matahimik muna itong si manong.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home