intermisyon
sabado de gloria na pero anlamig pa din sa miami. naalala ko nun sa pilipinas, ramdam ko e pinakamainit na panahon na kapag semana santa, lalo na ang byernes santo kung saan ang init ay nanggagaling di lang sa itaas kundi na rin sa ibaba, para kang hinuhurno ng isang higanteng magtitinapay. haynako, tas ngayon e anlamig, ikanga ng hotdog ni dennis garcia, ewan ko ba (kung bakit type kita, di ka naman gago).
tas ba naman, di naliligo yung mga tao sa bayan namin mula huwebes santo hanggang sabado de gloria (nung tinanong ko yung isang tambay kung bakit ganun, sabi nya, totoy, masama ang maligo, matatanggal ang libag mo). ayos, may pagka-sagrado pala ang libag sa mga ungas na to. kaya pagdating ng linggo ng pagkabuhay at ang mga tao e naglipana na sa beach, asahan mo, ang aplaya ay magiging isang pagkalaki-laking sisidlan ng libag.
yung mga tambay din, syempre dahil walang ibang mapaglibangan (sarado mga sinehan; walang gaanong palabas sa tv), ang inaatupag na lang e madyong at inuman. sabi nung isang manang sa mga nag-iinuman ng ginebra, hoy! para kayong mga h_ _ _ _ o, byernes santong byernes santo e nag-iinom kayo!, sagot naman nung isang tambay, aba aba, di nyo ba napapansin na nag-iinom kami ng gin ng walang chaser at pulutan, di ba ito'y isang pagpepenitensya.
haynako. ewan lang ha, pero ngayon siguro e wala ng gaanong saysay ang tradisyon sa pinas, malamang e nangaliligo na ang mga tao, tas beer na ang iniinom ng mga hudas.
at ako? eto. natatamad maligo kasi ang jinaw.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home