<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Saturday, March 17, 2007

epikuro-kuro

1. nakikinig ako ng isang opm cd na pinadala mula pinas, kaya eto nagsesenti na naman ako (di bale magsenti, wag lang muna magsebenti, aruy, umaatake prostate koh!) kumakanta sa unang track si aiza seguerra na, sa huling pagkatanda ko, aba paslit pa ang neneng ito at kinukurot-kurot pa ni vic sotto ang mapipintog nyang pisngi sa eat palaka. how times have changed, itong palang si aiza e aisa ng, uhmm, manganganta plus more. tas tumugtog naman yung kay ariel rivera - "sana kahit minsaaan, ay mapansin akooh" - na madalas kong kantahin nung araw sa saliw ng request ng mga tao sa inuman (request nilang tapusin ko na daw yung kanta, pronto), kunsabagay, kaboses ko talaga si rivera, si antonio rivera ng tondo. pero masarap talaga makinig ng pinoy music, nakabibighani ng sugatang pusong talamak sa singaw ng corporate america, at mas masarap kung yung mga kabisado kong kanta ang naririnig ko, pero yung mga tracks nina christian bautista, chiqui pineda, nyoy volante, nakow, sino ba tong mga to, di ko na sila kilala tsaka di ko rin alam mgga kanta nila kaya wala silang naihahatid sa akin na pangmunimuning alaala.

2. tas nabalitaan ko pa dun sa blog ni titorolly na eleksyon na pala sa pinas this coming mayo, e di kasagsagan na naman ang sangkatauhan sa pilipinas at bakit di e national pastime ng mga pinoy ang eleksyon. dun nga sa bayan namin ng kukulkan, pagkatapos na pagkatapos ng bilangan at nasertipika na ang panalo, iniisip na agad ng taong-bayan ang ihaharap sa kanya sa susunod na halalan. josme, di pa nakakapag-oath yung winner, me katapat na agad. sinabi din ni art borjal nun na katakut-takot na abugago ang tiba-tiba sa eleksyon dahil, una, inaaso nila ang mga kandidato, ikalawa e panay ang gawa nila ng affidavit para sa napipintong election protest (what are elections in the philippines without election protests, huh? huh?). tuwang tuwa naman yung mga tao dun sa amin kasi tuwing dadaan ang kandidato, aba, sabi nila, sir pa-sago ka naman dito, yun naman pobreng kandidato e di sige, sasabihin sa tindero, oist 5 sago dito, tas yung isang miron sasabihin, sir, pwede ba beer sa akin? ayun, hanggang sa lumaon, 5 cases ng beer ang pinagbayaran ng ugok na kandidato, naubos pa ang oras nya sa pagbibida sa grupo, yumpala e wala ni sa man lang dun ang boboto sa kanya. hayuf.

3. ngapala me ticket na kami para sa miami open sa isang linggo. yung para sa a-bente dos, sosi ang tix namin ne', lower level sa stadium, kaya pag nanood kayo ng broadcast nito sa tv sa araw na yun ng torneo at nakakita kayo ng mukhang unggoy, walang duda, utol ko yun.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home