supal palin
nung tinanong ni katie couric si mrs. palin kung paano na-enhance ang kanyang "foreign policy credentials" ng sagot nya na nakikita nya ang russia mula sa kanilang bahay, sagot ni mrs. palin, because our neighbors are foreign countries.
naala ko tuloy yung lorna t joke nung unang panahon, tinanong sya kung anong kurso ang kukunin nya sakolehiyo, sagot ng lorna t. ay mass ommunication, at nung tinanong sya ulit kung bakit, ang sagot ng bibong si lorna t. ay "because i want to communicate with the masses".
ayan, sarah palin, ikaw na ang bagong lorna t. matuwa ka dahil hindi ko sinabing ikaw ang bagong alma moreno, or worse, bagong melanie marquez. pag yun, mapikon ka na.
matapos ang interview sa kanya ni couric, pinaulanan si palin ng, uhm, alaska.
ang suporta sa kanya ng mga republikano ay nagmistulang, uhm, malamig.
sabi nga nung isang ininterview, listening to her was so painful, it's difficult to, uhm, bear.
ay naku, charly, charlyyyy!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home